(32):Happee Club

90 6 0
                                    


CHAPTER 32:HAPPEE CLUB

***

*Carl Point Of View's*

"Babe"Pamungad ko kay Babe ng tumawag ito sa akin sa kalagitnaan ng aking ginagawang  pagre-research.

"Babe punta tayo sa Happee Club"Ramdam ko ang saya sa kanyang boses,hindi kaagad ako nakaimik dahil iniisip ko ang ginagawa kong pagre-research.
Mahalaga ito,pero ayaw ko namang tanggihan si babe.

"Babe are you there?"

"Yes babe,kailan ba?"I ask.

"Ngayon na sana babe eh,may isang set tayo ngayon.Nagsabi na ako kay Angelo kanina"Paliwanag nya pa.Ang nasabing pangalan ay manager ng Happee Club.

"Sige babe,sunduin na lang kita"

"Okay babe"

Pinagbabaan ko na sya ng call.Napatitig na lang ako sa laptop na nasa harapan ko.

"May bukas pa naman para mahanap ang kasagutan sa lahat ng aming nakaraan"

Tumayo na ako at niligpit ang laptop.

Lumapit ako sa kabinet at naghanap ng desinteng damit.
Humarap sa salamin at nagpabango para hindi ma-turn off si babe sa amoy ko.
Nang ayos na ako naglakad na ako palabas ng condo.

Pagdating ko sa kanilang tahanan naabutan ko syang naghihintay sa labas ng kanilang gate.

"Babe bakit dyan ka naghintay?Pwede mo naman akong hintayin sa loob"Sabi ko ng makapasok ito sa loob ng kotse ko,ang aking boses ay may kahalong panenermon.

"Sorry na babe."Paglalambing niya at hinalikan ako sa pisngi bilang pagbati.

"Gabi na kasi babe,baka mamaya may mapadaan na adik mapag tripan ka"Pinaandar ko na ang sasakyan habang patuloy parin siyang sinesermonan.

"Wag ka nang manermon.Hayaan mo sa susunod hindi ko na uulitin."Napabuntong hininga na lang ako at tumango tango na lang.

"Ano bang oras ang set natin?"Pagtukoy ko na lamang sa oras ng pagkanta namin sa Happee Club.

"Alas-nuebe babe"Nilingon ko ang cellphone ko na nakapatong sa harapan ko.

"8:30 na pala"Nasabi ko na lamang.

"Oo nga babe,hanggang 10 lang ang curfew ko"Tiningnan ko si babe gamit ang mirror ng kotse ko.Nakatingin lang siya sa kanyang cellphone.

"Nandyan sila tito at tita?"Usisa ko at itinoon na ang atensyon sa daan.

"Oo,buti nga nasa bahay sila ngayon.Kilala mo naman sila pagwala sa office ayon naka out of town"Nakabusangot niyang saad kaya natawa ako.

"Intindihin muna lang sila tito.Nga pala nabasa ko ang mensahe ni Ameyll sayo sa facebook.Kinuha ka pala niyang model?"Pagtukoy ko sa nabasa kong mensahe sa kanya ni,Ameyll.Nang buksan ko kasi ang facebook account nya ito agad ang kauna-unahan kong nabasa sa message nya.

''Oo nong isang linggo nya pa sinabi"Sagot naman niya habang diretso ang tingin sa daan.

"Kailan ba iyon?"Tanong ko sa araw na magaganap ang Fashion Designer Bottle dahil balita ko'y sasabay ito sa buwan ng aming laro sa TSU.

"Ikalawa o ikatlong araw siguro pagkatapos ng laro nyo.Mabuti nga't hindi sumabay sa araw na yon.Pag nagkataon kasi hindi ko kukunin ang offer ni,ate Ameyll"Tumango na lang ako sa kanyang paliwanag.
Mas maayos talaga ang aming sitwasyon pagwala ang dalawa nyang kaibigan.Simula kasi ng maexpell ang mga ito hindi na sila nagsasama-sama na ikinatuwa ko naman lalo na ni Theo at L.a.
Ang sarap daw sa pakiramdam na walang linta na nakapalibot o dikit sa kanila.

The Bad Boy And The Campus Nerd #TAMBAYAN #WOPAward2018 #RainbowSA2K19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon