KABANATA 1

8 0 0
                                    

Niguel

Palabas na kaming dalawa ni niguel sa starbucks. Habang naglalakad siya napagtanto ko yung agwat naming dalawa, kung gaano siya katangkad sakin. Si niguel isa sa mga sikat na varsity player sa school nila. Apat na taon ang tanda niya sakin, panganay sa dalawa niyang kapatid.

"Sakay kana sakin, paunahin mo nalang yang driver niyo ako na maghahatid sayo." Aniya. Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kakakilala palang namin tapos ihahatid niya na agad ako sa bahay? Ano yon?

"Wag na baka may pupuntahan ka pa." Matapos kong sabihin yon agad na akong tumalikod at naglakad palapit sa sasakyan. Saka ko nalang siya nilingon ng papasok nako, tumango siya sabay ngiti.

Habang nasa byahe kami ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko yun sabay binasa ang mensahe.

Unknown Message

Tommorow. In front of your school. 4pm. 

Hindi ko na lamang pinansin ang message  baka kasi na wrong send lang di naman naka register. Pinatay ko na lamang ang cellphone ko. Ng makarating sa bahay dumiretso na ako sa kwarto para makaligo na muna saglit. Wala pa si mommy.

Magkahiwalay yung mommy tsaka daddy ko nung bata pa lamang ako. Kaya my mom always spoil me with everything i need and i want. I need to be on top of the class. Hindi ko rin naman gustong ma disappoint yung mommy ko. Kaya as much as possible I want to make her proud of me. Always.

Pumasok na ako sa banyo para makaligo na. Habang naliligo naalala ko yung naging eksena kanina.

Those dashing eyes, perfect nose, kissable lips, amazing sexy body. Oh God. Kamukhang kamukha niya si Adonis. Pinipigilan ko lang ilabas yung pagka mangha ko sa kanya kanina. Pero pag ako nalang pala magisa di ko mapigilang ilabas yung pagkamangha ko.  Imagine, Niguel  in front of me.

Matapos kong gawin ang seremonyas ko sa banyo nagbihis na ako agad saka nag blow dry ng buhok ng biglang tumunog ang phone ko. Unknown number again. Sinagot ko na lamang ang tawag.

"Hello?" Sabi sa kabilang linya, kinabahan agad ako pagkarinig ko sa boses na yon. Husky. Pati boses sexy.

"Topi nandiyan ka ba?" Tanong niya na nakapagpabalik sakin sa aking ulirat. "San mo nakuha ang number ko?" Boses pagmamaldita kong sinabi.

"Importante paba yun? Natanggap mo naman ang text ko kanina diba? Di ka nag reply kaya tinawagan kita. Goodnight." Aniya di pako nakapagsalita ng binaba niya na ang telepono. Napangiti nalang ako.

Matapos kong kumain dumiretso nako ng higa, sa pag iisip ko non. Nakatulog ako agad.

Kinabukasan nahuli ako ng gising kaya nagmamadali na ako. Timing pa na sira yung sasakyan kaya magaabang pa ako ng sasakyan palabas ng subd.

Palinga linga pa ako sa paligid, sobrang tahimik pa wala pang mga sasakyan na dumadaan. Malalate na ako. Takbo lakad ang ginawa ko. Masyadong malayo yung bahay namin sa mismong entrance ng subd. 

"Sakay na trop." Napalingon ako sa nagsalita. Si velvet. Tagarito din pala siya. Di ko man lang namalayan. Agad agad na akong pumasok sa sasakyan niya at pinaharurot na ng kanyang driver.

"Bat ka naglalakad? Nasan yung sasakyan niyo?" Aniya. Napalingon ako sa kanya, magsasalita na sana ako ng nagsalita siya ulit. "Hindi kaba susunduin ni Niguel? Dapat magpasundo ka na sa kanya simula bukas para magkakilaka talaga kayong dalawa." Dagdag niya. Tumango na lamang ako sa kanya.

Ng makarating kami sa school nagpasalamat na agad ako sa kanya sabay takbo na papuntang building. Konti nalang malalate nako. Ng nasa hallway na ako naabutan ko na si Ma'am Sevilla na naglalakad papuntang room namin. Binati ko na siya sabay lakad na para maunahan siya sa pagpasok.

Almost EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon