KABANATA 2

4 0 0
                                    


Jealous

Mabilis lumipas ang panahon para sa aming dalawa, naging busy ako sa skwela siya naman sa paglalaro ng basketball. Nung nakaraang araw nga hindi kami nakapagusap, wala siyang text o kaya chat sa'kin, hindi siya nagparamdam. Tapos kinabukasan nag text siya na may laro siyang sinalihan.

Hinayaan ko na lang yun. Hindi na din ako nagreply sa kanya. Nag antay ako ng isang araw tapos ni hininga niya di ko nakasalamuha.

Nasa kwarto lang ako ngayon, sembreak na din kasi namin tambak nanaman sa mga reports tas mga assignments, nakakatamad.

Nakahiga lang ako habang nag i iscroll sa phone ng madaanan ko yung latest post ni Niguel.

"Having fun with clover." Aniya sa kanyang post.

Nagsasaya ka lang pala? Tapos ako dito naghihintay sa chat mo? Sino yang clover nayan? Nagpapasaya sayo? Nakakausap mo ng matagal? Lakas mo din! Matapos mo kong di kausapin.

"Having fun huh?"  Comment ko sa post niya. Mabilis ang kanyang naging reply sa akin. Online ka pala? Ni hi wala?

"Can I call you?" Aniya. Umirap ako. Maya maya ay tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag.  Bago ko sinagot ang tawag niya nagpractice pako kung ano yung sasabihin ko.

"Topi" aniya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Anong kailangan mo?" Sagot ko sa kanya sabay irap. Nakakagigil talaga to kahit naiinis nako kinikilig padin ako sa boses niya.

"Im with clover." Aniya. May gana pa talagang sabihin sakin kung sinong kasama niya. Lakas talaga.

"Tapos?" Sabi ko.

"Send ko sayo picture niya, teka." Aniya.  Inopen ko agad ang messenger para makita ko yung picture na sinend niya.

Parang tumigil ang mundo ko ng makita ko kung sino yung nasa larawan. Hindi ko mawari kung anong gagawin ko. Maiinis ba ko sa sarili ko o sa kanya? Nakakahiya.

Clover is a dog. A very very cute dog. 

Bago ako nagsalita huminga muna ako ng malalalim. Pampawala ng kahihiyan.
"May gagawin muna ako." Sabi ko sabay inoff ang call.

Aso pinagselosan? Nakakahiya ka Theopi Yvette Sanchez! Hindi ka pinalaki ng nanay mo para magselos sa mababaw lang na nilalang. Nakakababa ng dignidad.

Na frustrate ako kakaisip sa naging action ko. Dapat kasi tinanong ko muna kung sino si clover bago ako nag react. Una sa lahat bat ako nagseselos di ko naman gusto yon okay inaamin kong napopogian ako sa kanya. Pero hanggang don lang yun.

Lumabas ako ng kwarto, nakita ko si mommy nakaupo sa sofa. Bumaba na agad ako sabay takbo papunta sa kanya.

"Hi mom!"sabay halik ko sa pisngi niya.

"Hello sweetie, how's your vacation?" Aniya

"Okay lang po." Sabi ko, umupo ako sa harap ni mommy. Maganda padin siya kahit medyo may katandaan na. Maganda padin pangangatawan niya.

"Mom bat di ka magasawa ulit?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. "I'm a woman for only one man." Aniya.
Tumango nalang ako sabay tayo patungo ulit sa kwarto ko.

Nagiisa nga lang talaga si Daddy para kay Mommy. Siya lang yung una at huling minahal ng Mommy ko. But sad to say may bagong pamilya na si Daddy ngayon. 

Nagkibit balikat nalang akong pumasok sa kwarto ko. Tumutunog yung phone ko kaya kinuha  ko ito  para tignan kung sino yung tumatawag.

It's Niguel.

"Hello?" Sabi ko.

"Bat ngayon mo lang sinagot? Kanina pa ako tumatawag! Sinong kasama mo diyan?" Mabilis niyang salita. Umikot ang mata ko. Akala mo ikaw lang marunong.

"May bumisita kasi kaklase ko nagusap lang kami. Naiwan ko yung phone ko." Matagal siya bago nag salita.

"Damn it." Aniya sabay baba ng call.

Inoff ko na yung phone ko sabay higa sa kama. Nakakatamad ng walang mapupuntahan. Natulog nalang ako.

Nagising ako ng kinakatok ako ni Ate Mae. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Bakit po?" Sabi ko habang humihikab pa. Tumingin ako sa orasan, 1:45PM na pala.

"May naghahanap sayo, lalake, pogi." Aniya habang hinahawakan ang pisngi niya. Kinikilig si Ate Mae. Napatawa ako ng konti. Inayos ko muna ang buhok ko bago ako bumaba.

When I arrive at the living room, I saw Niguel with someone in his side. Napataas ang kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko habang lumalapit sa kanya.

"Visiting you. I guess?" Aniya sabay haplos sa katawan ng katabi niya.

Napatitig ako dun, ang ganda, maputi. Makikita mong mayamanin talaga.


"Yan si Clover?" Tanong ko sa kanya, tumango lang siya sabay ngiti. "May aso din ako kasing liit niya lang." Sabi ko. Tumititig lang siya sakin. Hinahaplos ko yung ulo ni Clover. Napapapikit pikit pa siya kaya natawa ako.

"Kumain na kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Not yet, magluluto ka?"

"Bakit ako? Nandiyan si Ate Mae magpapaluto nalang ako." Sabi ko sabay tayo, hinawakan niya ako sa kamay. "Wag na labas nalang tayo." Aniya. Tumango nalang ako sabay lakad papuntang kwarto para makaligo.

After I take a bath. I put my makeup on. Letting my natural curly hair fall. Lumapit ako sa kanya tsaka inanyayahan siyang lumabas na.

Dinala niya ako sa isang amusement park. I am place behind him. Beside him is clover. Looking at his back, he looks very very sexy and musculine. With his simple white t-shirt and expensive jeans.

"Titig ka nalang ba sakin? Are you not going to put your hands here?"  Aniya habang nakatingin sa kamay niyang nakalahad. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa

Nilagay ko yung kamay ko sa palad niya. Hinihila niya ako palapit sa kanya. Nakatingin si clover sakin kaya napangiti ako.

The feelings were foreign to me. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi pa ko nakakahawak ng kamay ng lalake in front of the crowd. I didnt expect that people whose near to us are staring.  Napatikhim ako ng napatabi na talaga ako sa kanya ng lubusan.

His scent is seducing me.

"Niguel!" Napalingon ako sa babaeng palapit sa amin. She's pretty nakangiti siya habang nakatingin sa kanya. Biglang humigpit ang hawak niya sa kamay  kaya napalingon ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa babae.

Nang tuluyan ng nakalapit ang babae niyakap niya agad si Niguel na naging dahilan kung bakit nabitawan niya yung kamay ko. Napaatras ako sa kanila. 

"How are you? Tagal na nating hindi nagkita, buti nalang nakita kita kanina. I missed you." Aniya nung babae.

Nakatitig parin si niguel sa kanya. Unti unting masisilayan ang ngiti sa kanyang labi. "Mara" ang nagiisang salita na lumabas sa bibig niya.

Habang nakatingin ako sa kanila, binabantayan ang bawat galaw ng dalawa. Hindi nila ako napapansin, na para bagang hindi nila ako nakikita.

Mag sa sampung minuto na silang nakatayo doon habang naguusap. Naisipan kong lumapit sa kanilang dalawa saka lang nila ako tinignan.

Ngumiti ako bago nag salita tumingin ako kay Mara bago kay Niguel. "Im going home."

Namutla siya na para bagang may naiwan siyang isang bagay. Tumitig si Mara sa akin sabay gawad ng isang malambing na ngiti. Nang hindi magsalita si niguel tumalikod na ako, habang naglalakad ako tinatawag ako niya ako. Hindi na ako lumingon.

I thought  it would be the best day of my life, but I realize it's not.

Almost EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon