SIMULA

6 1 0
                                    


Falling game

"Sa panahon ngayon hindi mo maiiwasang mahulog sa mga taong hindi ka naman sigurado kung kaya ka nga bang saluhin. Yung mga taong akala mo sayo na hindi pala, yung akala mo pwede na kaso sobrang mapaglaro ng tadhana."

Habang binabasa ko ang mga linyang ito sa librong binabasa ko napagisipan ko na siguro ganon nga talaga pag nagmahal ka ng tao. Mahirap magmahal, masyadong risky, hazardous. Kasi hindi mo alam kung kelan ka masasaktan, yung sobrang saya mo ngayon tapos mamaya malulungkot ka.

"THEOPI
YVETTE SANCHEZ?" aniya ni ma'am. Agad akong napalingon sa kanya. Habang tinitingnan ko siya papalapit, parang tumitigil ang oras. Nawawala ang mga tao sa paligid ko. Mas nakakatakot pala siya kesa sa love nayan.

"Bakit hindi ka nakikinig?" Nakangisi niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko, kung sasabihin ko bang nagbabasa kasi ako ng libro ma'am. Gusto mo?

Tumingin ako sa kanya sabay tayo. "Nakikinig po ako. You have said earlier that gamma rays have the highest frequency while the radiowaves is the lowest frequency." Mataman kong sinabi sa kanya. Tinitigan niya lamang ako saka siya tumalikod at kinuha ang kanyang gamit saka umalis. Napatingin ako sa aking mga kaklase saka ako umupo at nagligpit nalang din ng gamit.

Alas dose na pagtingin ko sa aking relos, halfday lang kami ngayon dahil magkakaroon ng seminar ang mga guro. Kaya naglalakad na ako patungo sa parking lot para puntahan ang aking driver.

"Theopi balita ko napa walk out mo nanaman si Ma'am Sevilla kanina?" Aniya ni Snicks ang aking kaibigan. Ang bilis nga naman kumalat ng mga balita dito. Nagkibit balikat na lamang ako habang sabay kami na naglalakad papuntang parking lot.

Nang nakarating na kami sa parking lot sumakay na agad ako sa sasakyan at diretso na muna sa starbucks para makapag refresh sa mga nangyayare sa araw na to.

Pumasok ako sa starbucks at umorder. Matapos kong umorder ay umupo agad ako sa paborito kong pwesto, malapit sa bintana na katapat ng aircon. Nilibot ko ang aking paningin, ang disenyo ng lugar na to ay nakaka engganyo nga naman. Sa dingding neto ay may board na kung saan pwede mong idikit ang mga sticky notes. Pag pasok mo palang mapapansin mo na agad ang mga abstract painting na isa sa mga dinisenyo ng kilalang pintor. Nakakarelax nga naman talaga ang lugar na to. Tinignan ko ang mga taong nakaupo doon at prenteng kumakain habang nakikipag usap sa kanilang kasama. Habang sinisimsim ko ang kape may biglang babaeng umupo sa aking harapan.

Ni hindi ko siya kilala, ni hindi ko alam kung anong kailangan niya kaya tumitig lamang ako sa kanya saka ngumiti. Ngumiti din siya pabalik sa akin. "Yvette diba? May gagawin ka ba bukas? Baka gusto mo sumali sa laro namin." Masiyahin niyang saad sa akin. Tumitig ako sa kanya saka ko tinanong kung anong klaseng laro yung lalaruin nila.

"Falling game." Aniya. Ngumiti siya kaya tumango nalang din ako bilang pagsangayon na papayag akong sumali sa kanilang laro.

Ang falling game ay isang laro na kung saan bibigyan ka ng kapares, matira-matibay. Pwedeng magpafall pero bawal ma fall. Ang mananalo bibigyan ng kahit anong gusto mong ihiling sa mag i isponsor ng larong to.

Napaisip ako hindi naman ako masyadong busy na tao, siguro maari ko tong pagkaabalahan.

Sabi ni Velvet, yung babaeng lumapit sa akin kanina. Bukas niya ako ipapakilala sa aking magiging kapares. Same place, same time. Ngumiti ako. "This is it."

Kinabukasan matapos ang klase ko pumanhik na agad ako sa starbucks. Ibinaba ko na ang aking salamin at umorder saka umupo ulit sa aking pwesto. Habang sumisimsim ako sa aking inorder ay may umupong lalake sa aking harapan. Napataas ang aking kilay, hindi siya ang aking inaasahang darating dito. Unang tingin mo palang sa kanya mararamdaman mo na kakaiba siya. Tinitigan ko siya, gwapo, matangos ang ilong, mapupungay ang mata, at mapula ang kanyang labi.

"Baka matunaw ako kakatitig mo." Napatingin ako sa kanya habang nakataas ang aking kilay. Lakas nga naman. May gana pang sabihin yan sakin. "Bakit ka nakaupo diyan? Madami pang upuan bat nandiyan ka? Umalis kana at may hinihintay ako." Lumapad lang ang kanyang ngisi, saka ko lang namalayan na may babae palang nakatayo sa kanyang gilid, si Velvet.

"Huwag mong sabihin na siya tong kapares ko? Seryoso ka? Ipapares mo talaga ako dito?" Matalim ko siyang tiningnan ngumisi lamang si Velvet sabay kindat sakin at sa lalakeng nasa harap ko. "Huwag kang magalala maloko yan pero mabait din naman yan." Aniya. "Pano bayan? Aalis nako maari na kayong magsimula, update niyo nalang ako ha?" Sabi niya habang naglalakbay palayo sa aming mesa.

Pag lingon ko sa lalakeng nasaking harapan nakangisi padin siya. Kaya lalong tumaas ang kilay ko. "May problema kaba?" Tanong ko. Umiling lamang siya. Inabot niya ang kanyang kamay sa akin. "Niguel nga pala. Niguel Ramos." Aniya sabay ngiti. Gwpao nga talaga siya, dimple palang. Tinignan ko ang kanyang kamay na nakalahad, maputi siya at maugat tsaka maganda ang pangangatawan. Sexy in short. Inabot ko ang kanyang kamay saka ngumiti. "Theopi Yvette Sanchez" sabi ko.

Ito na sisimulan ko na.

Almost EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon