KABANATA 3

7 0 0
                                    


Sorry

Nang makarating ako sa bahay pumunta na agad ako sa kwarto. How could he do that to me? Ako yung dinala niya doon tapos iba pala yung kakasamahin niya? Kung alam ko lang nag magkakaganoon hindi nalang sana ako sumama.

Nag bihis na ako ng pambahay. It's already 6 o clock in the evening.  Humiga ako sa aking kama habang nakatingin sa kisame.  Does niguel really need to do that? Napairap ako sa sariling isipin.

Kinabukasan ng naghahanda ako sa aking sarili para sa dalawang araw na bakasyon sa Siargao napagtanto kong wala siyang naging paghingi ng paumanhin sa akin sa nangyare.

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon, matapos kong nilagyan ng kolorete ang aking mukha inabala ko nadin ang aking sarili sa pagiimpake ng mga gamit para sa bakasyon.

Inanyayahan ako ni mommy na magbakasyon sa Siargao para sa nalalabing araw ng sembreak. Inanyayahan ko si Snicks para sumama sa akin at agad naman siyang sumangayon.

"Yvette baba na! Naghihintay na sila sayo!" Aniya ni ate Mae. Nagmadali na akong dalhin ang dalawang bag ko na naglalaman ng mga damit. Bumaba na ako sa hagdan para makapunta sa sala kung saan naroon sila Snicks.

"Tagal mong bumaba akala ko dadalhin mo na closet mo paglabas." Aniya ni Velvet. Natawa ako sa kanyang sinabi.

Ang mga sasama sa akin sa Siargao ay sila Velvet, Snicks at ang ilang kasamahan ko sa FG. Hindi ko na siya inanyayahan, para saan ba diba?

Matapos kong magpaalam kay mommy sumakay na agad kami sa sasakyan.
Naging maayos ang byahe namin patungo sa Siargao. Ilap din ako sa kanilang tanong tungkol sa amin ni Niguel. Masayang nagkw kwentuhan ang mga magkakapares. Napalingon ako sa lalakeng kasama ni snicks, taste of the month nanaman siguro niya. Napailing nalang ako sa sariling kaibigan.

"Yvette susunod ba si Niguel?" Aniya ni Lance.

"Hindi ko alam eh." Sabi ko sabay pikit upang tuldukan ang kanyang magiging katanungan. Nanahimik na lamang sila.

Makalipas ang ilang oras sa byahe nakarating na kami sa Siargao. Naexcite ang mga kasamahan ko ng makita nila ang white sand, clear blue sea and wild waves.

Sinalubong kami ng mga kasambahay namin sa resthouse. Kinuha ni Mang Karden ang mga bagahe namin.

"Ang ganda dito!" Patalon talong saan ni Fely. Sumangayon naman sila velvet sa saad nito.

Matapos mailagay sa sala ang mga bagahe naghatian na kami sa kwarto. Mayroong apat na kwarto dito. Apat yung lalake at anim naman ang babae.
Sa isang kwarto may isang lalake. Tapos hati hati nalang ang mga babae. Kasama ko si Snicks sa kwarto pati yung lalake niya.

Pinasok na namin sa kanya kanyang kwarto ang mga gamit. Napagusapan namin na magpahinga na muna habang magluluto ang mga kasambahay. Pagod kasi kami dala sa mahabang byahe.

Nagising ako ng bandang alas kwatro na. Narinig ko ang tilian at tawanan sa labas. Napagtanto kong naroon siguro ang lahat. Nag ayos na ako ng aking sarili para makababa. Tsaka ko na iisipin yung samin ni Niguel.

Nang nakababa ako ay pumanhik agad ako sa kinaroroonan nila. Naabutan ko yung nga babaeng naka bikini na, handa ng salubungin ang naglalakihang alon sa dagat. Napangiti ako ng masilayan ang tuwa sa kanilang mga mukha.

It is the choice. Enjoying my vacation and forgeting for what happened. Sumimsim ako sa aking juice ng nilapitan ako ni Fely.

"Yvette di ka maliligo? Di ka nagbikini eh." Aniya habang kumukuha ng pagkain.

"Hindi na dito nalang ako." Sabi ko
Tumango na lamang siya at bumalik sa grupo ng mga babaeng nagtitilian.

Gabi na ng napagdesisyonan nilang tumigil na sa pagligo. Dala narin sa lamig ng ihip ng hangin. Pumasok na kami sa loob ng bahay at nagbihis na agad sila sa kani kanilang kwarto. Pumanhik ako sa kusina upang tulungan ang mga kasambahay na naghahanda ng mga pagkain para makapaghapunan kami.

Nakita kong papalabas na sila isa isa sa kani kanilang mga silid. Lumapit na agad sila sa mesa at umupo. Sabay sabay na kaming kumain. Nasa gitna kami ng amin paguusap ng may biglang nagsalita sa aking likuran.

"Sorry I'm late." Aniya.

Napalingon ako sa nagsalita parang nalugutan ako ng hininga ng makita ko siyang hinihingal. Dala siguro ng pagod, it looks like he run from the gate to here. 
Umuulan nadin kasi sa labas wala akong nakitang may dala siyang payong kaya baka nga tinakbo niya.

Inirapan ko siya at nakita kong namutla ang kanyang labi. Pinaupo na siya sa aking harapan at nakisabay nading kumain.

Hindi na kelangang magtanong kasi sa pagiging tahimik at tensyunado ng hapag mapapagtanto mo na agad na may namumuomg away nga talaga.

"Bilisan niyo ng kumain punta tayo sa may veranda may silungan don, mahina nadin ang ulan eh. Magchikahan tayo doon." Aniya ni velvet. Nagsitanguan nalang kaming lahat. Matapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa veranda na tinutukoy ni Velvet.

Naihanda na ang veranda may isang box doon na puno ng inumin. Magiinuman siguro sila. Magkaedad lang sila halos dito kami lang ata ni Snicks at Fely ang magkakaedad lang din.

Umupo kami sa upuan malapit sa pinagtitipunan nila. Nagsalita si Velvet ng kung ano anong issue tungkol sa kanila. Sinundan naman ito ni Lance tungkol sa naging progress ng relationship nila ni Skylare. Pumula ang pisnge ni Skylare ng ikinuwento din ni Lance ang naging unang halik nila. Gulat ako ng malaman ko yun hindi pa kami umaabot sa ganoong parte ni Niguel. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa suot ko habang nakaigting ang panga.

Naka short shorts lang ako at isang lose shirt. Nagmistula itong dress sa akin kaya nilukot ko ito para lumiit ng konti. May masama kaya sa suot ko? Nagtaas siya ng tingin sa akin at agad nagtaas din siya ng kilay ng mahuli. Iya akong nakatingin sa kanya. Umiwas na lamang ako.

"Topi." Napalingon ako sa kanga matapos niyang magsalita. Turn niya na pala para magkwento.  Tumaas lang ang kilay ko habang nakatingin ako sa kanya. "Si topi selosa siya, nangiwan bigla nung nagdate kami." Aniya.

"Aba kapal mo din? Matapos may lumapit sayo parang nakalimutan mo na agad ako ah. Tapos ikaw pa may ganang sabihin yan sa akin?" Sabi ko, hindi ko mapigilang mainis sa kanyang sinabi. Kapal niya naman talaga eh.

Nagsitayuan ang mga kasamahan namin. Nakita kong paalis nadin si Snicks susunod na sana ako kaso hinila ako ni Niguel para mapaulo ulit. Tinignan ko siya. Nawala na yung pag taas ng kanyang kilay at napalitan ito ng maamong mukha. Mapupungay na mata ang agad na sumalubong sa agresibo kong mga titig.

"I'm sorry." Aniya habang nakahawak padin sa aking kamay. Tinitigan ko siya. Hindi porket gwapo ka gaganyanin mo na ako. Tumango na lamang ako sa kanya. Tatalikod na sana ulit ako ng hinigit niya nanaman ako at niyakap. Sumiksik siya sa aking tiyan ng tahimik. Nakikiramdam sa maari kong gawin.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at lumapit sa kanya sabay hinalikan ang kanyang noo. Agad naging aktibo ang kanyang galaw, ngumiti siya sa aking ginawa at ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"I'm sorry, Topi." Aniya sabay yakap sa akin ng mahigpit. Tumango tango na lamang ako. Pasalamat ka masyado kang pogi hindi ka mahirap di patawarin.

Almost EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon