Chapter Two: The Parents

25 1 1
                                    

June 15, 2012 2:57 AM

"Ahm. Papa.. Kasi ano po.." sabi ko kay papa. Tanga Yanna, bakit ka nauutal?! Huminga nang malalim si papa at tumayo naman si mama sa kanyang inuupuan. 

"Yanna," panimulang sabi ni mama. Hay nako, sermon nanaman siguro 'to. "Alam naman namin na sobra ang pagkaclose mo kay Jax. At alam rin naming matagal mo na talaga siyang kilala. Alam ko rin namang gwapo si Jax.." 

Wait. Teka, saan pinupunta ni mama 'to?

Nanlaki mga mata ko, "Teka lang mama ha? Saan mo pinupunta 'to?"

Nagtinginan sila mama at papa.

 "Ang sinasabi namin ng mama mo, okay lang saamin kung kayong dalawa ni Jax ay nag.. Uhm.. eexperiment," sabi ni papa.

Anong pinagsasabi ng parents ko?

Nagtinginan ulit si mama at papa tapos huminga nanaman ng malalim si papa. "Ang sinasabi namin, anak, okay lang saamin kung nag.. Ahm.. kung nag sesex kayo ni Jax."

What the fuck?

Nanlaki ng sobra yung mga mata ko at na pa nganga pa ako dahil sa sinabi ni papa. Yak. Kadiri. Yak. Ako at si Jax? Magse-- hindi ko kinakaya. Yak. Eww.

Tinuloy pa ni papa yung mga sinasabi niya kanina, "Nak, okay lang talaga. Basta ang mahalaga, safe ka. Basta dapat nagsusuot si Jax ng ano tuwing gagawin niyo yun."

Sasagot pa lang sana ako pero naunahan nanaman ako. Hay nako, pagiisip ng mga magulang ko talaga.

"Atsaka Yanna anak, wag namang sobrang late niyo gawin. Kung gagawin niyo man, sana mga hapon o kaya naman gabi. Wag yung ganto kaaga. Or kalate." sabi ni mama.

Yak.

"Ma! Pa! Hindi po kami ni Jax! At mas lalo nang hindi kami nagsesex! Virgin pa po ako, ma! Grabe naman kayo, pa."

Yak. Kadiri talaga. Kung ano ano iniisip nila mama. Yak talaga promise. Eik. I mean, si Jax? Parang kuya ko na yung pangit na yun eh. Alangang makikipag.. Yak. Yak. My brain is officially traumatized by that thought. Aynako. Ako at si Jax? A big no no. Hay nako naman. Mama at papa talaga.

"Hindi kayo nagsesex ni Jax?" gulat na tanong ni papa. Parang mas nagulat pa sila na hindi kami naggaganon ah. Aish.

Lumapit ako kina mama at papa. Huminga ako ng malalim at hinawakan yung kamay nila. "Ma," tumingin ako kay mama. "Pa," tingin naman kay papa. "Hindi po kami nagsesex ni Jax," mahinahon kong sinabi sakanila. "Kaya po, makakahinga na po kayo nang maluwag."

Huminga naman nang maluwag si mama. "Sige anak. Sabi mo eh." ngiting pasabi ni papa. Hay salamat, naniwala din sila.

"Aakyat na po ako sa kwarto ko." paalam ko kila mama at papa bago umakyat ng hagdaan. Halfway papunta sa kwarto ko, narinig kong naguusap sila mama at papa. Eh, me being the curious me, pinakinggan ko yung pag uusap nila.

"...sabihan si Jax." sabi ni papa kay mama. Si Jax nanaman ang pinag uusapan nila?

"Dapat si Yanna ang sabihan natin. Total, siya naman ang anak natin." sagot ni mama kay papa. Oh. Nadamay nanaman ako. Haaay.

"Dapat si Jax kasi siya naman ang magfifirst move, di ba? Impossibleng si Yanna ang magbigay ng motibo kay Jax. May tiwala ako sa anak natin."

"Paano kaya kung bigyan nalang natin si Yanna ng cond--"

Okay. Sa susunod, hindi ko na lang sila papakinggang mag usap. Hay nako. Kadiri.

Nagpatuloy ako sa pagpunta sa kwarto ko. Humiga ako kaagad sa kama ko at pinikit ko na ang mga mata ko. May dalawang oras pa ako para matulog. Siguro tama na yun. Hihihi. Blinock ko lahat ng mga iniisip ko at after ilang seconds, I fell in deep slumb-

"Anak! Yanna! Wag kanang matulog! Mamaya, hindi ka nanaman magising!"

Sabi ko nga, up all night ang peg ko ngayon.

Total, naka-on pa yung wifi namin, magfafacebook na lang ako. Mwihihihihihi.

89 new friend requests.

18 new messages.

86 new notifications.

Uhm, hindi naman sa sikat ako pero parang ganon na nga. Hahaha. Tinignan ko yung mga nagsend saakin ng friend requests puro hindi ko naman kilala kaya pinabayaan ko na lang. Para na din dumami yung followers ko. Hahaha.

Sunod ko namang chineck yung mga notifications ko. Puro likes sa mga pictures at status ko. May isang notification lang ang nakaagaw ng tingin ko.

Dylan Mercado posted on your timeline.

Dali dali ko namang pinuntahan yung post niya sa timeline ko. Ay. Pinapakilala ko nga pala yung crush ko. Hihihi.

Hi Yanna. ;) pareply naman sa pm ko sayo.

Pm? Oh my.

Binuksan ko yung mga new messages ko at dun nga. BOOM. Nandoon yung pangalan niya. Siyempre binilisan ko yung pagbukas ng message niya. Oh my Gulay. Siyempre crush ko nga eh, ikaw ba namang i-message ng crush mo, 'di ba? Mabilis yung pagtibok ng puso. Parang nervous ba. Hahahaha. Wala eh, crush ko talaga siya.

Hi Yanna. :) kilala mo pa ako? hahaha. si dylan to. yung crush mo nung grade 5 tayo haha

Ay walang hiya ito ha. Shete. Siyempre kilala kita. Crush na crush kaya kita.

anyways, may sasabihin sana ako sayo bukas ahm parang may hihingin akong pabor.

Totoo ba 'toh? Nakatulog ba ako kanina at nananaginip lang ako ngayon. Shemey curious na tuloy ako.

kung ok lang sayo, punta ka sa may school entrance natin mamayang uwian. sabay na tayong umuwi :)

Oh shiznit. Oh my God. Sinampal ko sarili ko. Aray. Hala. Hindi ako nananaginip. Hala totoo to. Hala shete.

p.s. kung okay lang sana, pwedeng i-tour mo ako sa school. balita ko kasi nagbago na daw yung highschool building. haha

Yung crush ko? May hihingin pabor? Sa akin? Isasabay niya akong umuwi? Sa kotse niya? Yung black na Lambo niya? Wag mong sabihing hindi mo alam ang ibig sabihin ng Lambo. Shete. Nananaginip lang ata ako.

Habang prinaprocess ko na mag-uusap kami ni Dylan sa kotse niya at ihahatid niya ako bukas-- well, mamaya, hindi ko namamalayang sinisigaw na nila mama yung pangalan ko.

"Yanna?! Yanna anak?! Andyan ka pa ba?! Wag mong sabihing tumakas ka na naman para makipag-- I mean, wag mong sabihing natulog ka na diyan! Young lady, come down this instance! Yanna?!

Haaaaaaay. Ang nanay ko talaga, ibang klase.

Finding Mister RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon