Chapter One

1.5K 20 0
                                    

"Mahal mo ba talaga yang asawa mo Zian?" Tanong ng kaibigan ko na si Zhaina
"Tinatanong pa ba yan? Syempre oo" sagot ko sa tanong nya

Nandito ako sa bahay nila dahil wala akong magawa sa bahay, tsk ang ibig kong sabihin may kasama na namang babae ang asawa ko.

Oo may asawa na ako, arrange lang kami dahil muntik ng malugi ang kompanya namin noon

"Mahal mo sya? Pero may kalampungan syang iba? Yung totoo Zian? Anong trip mo sa buhay?" Sarkastikong tanong nya sa akin napa roll eyes na lang ako
"Wala akong paki-alam, you know naman na since higschool ko syang crush hanggang ngayon, suportahan mo na lang ako please" sabi ko at nag-puppy syes pa
"Tsk sige na nga, kung hindi lang kita mahal" sabi nya at ngumiti kaya napangiti na rin ako at niyakap sya ng mahigpit
"Thank you beh, i love you so much, salamat talaga at nakilala kita" sabi ko at humiwalay sa yakap namin
"What are friends for? Kung hindi magtutulongan" sabi nya at ngumiti

Bigla na lang nag vibrate ang phone ko kaya agad ko tong tiningnan at nakita ko na nag-text sya

1 new text from Blake💕

Umuwi ka na, bibisita daw dito si mom.

To: Blake💕

Ok. I'll be right there.

"Beh, uwi na ako ha! Bibisita daw kasi si mom" paalam ko sa kanya
"Sige, basta kapag ayaw mo na sabihan mo ako at ilalayo talaga kita" sabi nya tumango lang ako at tumayo na sa pagkakaupo

Pagkalabas ko sa bahay nila, sumakay na agad ako sa kotse ko at pinaandar ito papuntang bahay

Makalipas ang ilang minuto nakarating na ako, pi-nark ko ang kotse ko at naglakad na papuntang bahay

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko kaagad syang nakaupo sa sofa, at ng mapansin nyang nandito na agad ako agad syang tumayo at bumulong sa akin

"Alam mo na kung ano ang gagawin natin" bulong nito sa akin at bumalik ulit sa pagkakaupo sa sofa

Ganito naman kasi lagi ang ginagawa namin, kapag bumibisita sina mama, dada, mom and dad, sweet kami sa harap nila pero kapag wala sila back to normal kami,

*knock* *knock*

"Coming" sigaw ko at binuksan ang pintuan at agad nitong niluwa si mom
"Oh hija, kamusta ka na?" Tanong nya
"Ayus lang po ako mom" sagot ko at ngumiti sa kanya

Napansin nya namang nakaupo lang si Blake sa upuan kaya agad nitong nilapitan si Blake habang ako ay sinarado ang pintuan at lumapit sa kanila

Umupo ako sa dulo at ngumiti lang kay mom

"Hija hanggang ngayon ba ay nahihiya ka pa rin kay blake?" Tanong ni mom hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at napansin naman iyon ni Blake kaya sya ang sumagot sa tanong ni mom
"Oo nga hon, lumapit ka nga dito" malambing na utos ni Blake kaya wala akong magawa kundi ang lapitan sya at sa tabi nya umupo
"Wait, mom bakit bigla ka na lang bumisita?" Tanong ni Blake
"Namiss ko kasi kayo, saka uuwi ang dad mo next week" sagot naman ni mom
"Yeah mom, i already know about that" sabi ni Blake hayst op is real
"Sige na aalis na ako at may pupuntahan pa ako, mag-ingat kayong dalawa ha! At bigyan nyo na rin ako ng apo, ayokong mamatay na walang apo" sabi namn ni mom at umalis na kaya lumayo na ako kay Blake

Sana nga mom, gusto ko na din magka-anak pero sa tingin ko hindi kay Blake.

~
Sorry kung short ang update at pangit, 11:40 na po kasi at may pasok pa po ako bukas. So patawarin nyo si author, basta sa next chapter sisiguraduhin kong mahaba at maganda ang i-uud ko. Kamsarang😊💕

•||Married To A Womanizer||•Where stories live. Discover now