Duguan ang dalawang lalaki at babae kaya nagka-gulo ang mga tao at agad namang may dumating na ambulansya at agad silang dinala sa hospital.
Dinala na din ang driver nung isang kotse sa hospital hindi naman ito napuruhan gaya ng mag-ASAWA na nakasakay sa isang kotse, gagas at tama sa noo lang ang nadali sa kanya.
(Zian's Pov)
Napabalikwas ako ng bangon napanaginipan ko nanaman ang trahedyang nangyari 10 years ago, hindi ko kaya, nakokonsyensya ako kung sana hindi ako tumakbo noon sana hindi mangyayari yun at sana hindi mamamatay yung babae.
Jusko. Patawarin nyo po ako. Hindi ko naman po sinasadya.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina para uminom ng biglang pag-bukas ko ng pintuan ay agad na nakita ko si blake na kakatok dapat sa pintuan. Okay! That'a awkward.
"Ahm. Dinner na kasi, baka gusto mong kumain?" Tanong nya habang yung kamay nya ay nasa batok nya at hindi sya makaharap sa akin ng maayos. Tsk.
"Okay" tipid kong sagot at nilampasan syaAlam kong nag-tataka sya dahil kapag ginagawa nya yun sa akin dati ay halos himatayin na ako sa kilig.
"Hija" nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita
"Nay? Waaah bumalik na po kayo" sigaw ko at agad na niyakap si Nay Lorry, niyakap din ako ni Nay lorry
"Bat ngayun lang po kayo bumalik dito?" Tanong ko
"Sorry hija, madami kasing nangyari sa probinsya kaya ako natagalan" sagot ni Nay lorry sa tanong ko
"Okay lang po Nay" nakangiti kong sabiSiya si Nay lorry, siya ang ka-close ko dito, sa kanya ko nilalabas ang lahat ng hinanakit ko dati dahil kay blake.
And speaking of blake, nasa tapat sya ng stairs, nakatitig sya sa akin, kaya nagkatitigan kami, pero umiwas na din agad ako dahil nagugutom na talaga ako.
Pumunta ako sa hapag kainan at nakita ko ang ulam. Wop, Afritada my favorite!
"Nay ikaw ang nag-luto?" Tanong ko at hinila ang katabi kong upuan at umupo dun
"Hindi nak, si Blake ang nag-luto nyan" sagot nya nagulat ako dahil sa sagot nya really? Luto nya toh?Nag-lagay ako ng kanin sa plato ko at kumuha ng ulam. Pagkakuha ko ng ulam ay agad ko tong tinikman, nginuya-nguya ko pa toh, ninanam-nam ko pa ang ulam na yun hutcha ang tsarap!
Bigla na lang may nag-pop up na tanong sa isip ko kaya agad akong tumingin kay blake.
"Wait! Kumain ka na ba blake?" Tanong ko teka! Kailan pa ako nakahugot ng lakas para sabihin ng walang hiya-hiya?
"Hindi pa" sagot nya
"Sabay ka na sa akin" sabi ko agad naman syang tumango at hinila ang upuan sa tabi ko at dun umupoTahimik kaming kumakain, pero hutcha! First time kong makakain ng luto nya! Lam nyo yun? Syempre hindi nyo yun alam.
"Ahm. Masarap ba?" Tanong nya at tumingin sya sa akin
Ubos na pala ang pagkain nya pero ako? Mauubos ko yata toh. Taena ang sarap kasi!
"Oo masarap" sagot ko at sumubo ulit fvck!
"Buti nagustuhan mo" nakangiting sabi nya teka! Nasapian ba toh? Ang bait eh!
"May sakit ka ba blake? O nasapian ka ng mabuting espiritu? Bigla ka kasing bumait sa akin" saad ko ng malumod ko yung pagkain
"Wala naman" sagot nya "tsaka masama ba?" Dagdag na tanong nya
"Wala naman. Mabuti nga yun eh sana araw-araw ka na lang ganyan" sabi ko at sinubo ang last na pagkain woop nabusog ako dun ah!Nilagay ko sa sink yung pinag-kainan ko at nag-paalam na sa taas lang ako.
Pagka-akyat ko sa taas ay agad kong sinarado ang pintuan.