Chapter 5

657 13 0
                                    

Nagpaalam na sya dahil mag-gagabi na din.

Andito naman ako tinatawagan si kuya Edric

'Calling Kuya Edric'

At makalipas ng ilang oras na pag-iintay na sagutin nya ang tawag ay sinagut nya na din.

"Hello, Kuya Edric ako po toh si Zian, ahm pwede po bang sunduin nyo ko dito sa Mingyen Mall?" Tanong ko
"Ahh sige po ma'am intayin nyo na lang po ako" sagot nito
"Nako naman kuya edric diba sabi ko sayo wag nyo na akong tawaging 'ma'am, Zian na lang kuya edric, sige po iintayin ko po kayo" mahabang sabi ko sa kabilang linya
"Sige po ma~ este zian" sabi ni kuya edric sa kabilang linya i-nend call ko na ang tawag at inintay sya

Makalipas ang ilang oras na pag iintay dumating na si kuya edric at ng makita na nya ako agad nyang pinara ang kotse sa harap ko kaya agad akong pumasok sa Backseat

"Tara na" utos ko at sinandal ang katawan ko sa upuan

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay kaya bumaba na ako at pumasok sa loob ng bahay

Pagkapasok ko sa loob, nagulat na lang ako ng biglang bumungad sa akin si Blake. Nakakunot ang noo nya habang seryosong nakatingin sa akin.

"San ka galing?" Seryosong tanong nya as if naman na nag aalala sya sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin, papasok na sana ako sa loob ng bigla nyang hinarang ang kaliwang kamay nya para hindi ako makapasok ano bang meron sa kanya?
"Sagutin mo ang tanong ko" galit nyang sabi
"Tsk. Para namang may paki alam ka sa akin?" Tanong ko at tinaasan sya ng kilay biglang nawala ang kunot-noo nya kanina
"Oo may paki alam ako dahil ASAWA kita!" Sigaw nya tsk. Asawa? Hindi nga nya pinaparamdam sa akin yun eh.
"Wow! Kailan pa? Kailan mo pa ako naging ASAWA? Eh puro babae mo yung kasama mo imbis na ako ang kasama mo!" sigaw ko sa mukha nya naging speechless naman sya kaya tinabig ko ang nakaharang na kamay nya

Bakit ba ako nagkakaganto? Diba dapat masaya ako kasi nag aalala sya? Aish! Ano ba kasing meron sa akin? Kanina nasusuka ako pero wala naman akong maisuka, tapos ngayun nasagot ko ng ganun si blake. What the hell is wrong with me? Aish! Itutulog ko na nga lang ito!

(Blake's Pov)

After what she said to me, wala akong masabi kaya pinili kong tumahimik na lang

Wow! Kailan pa? Kailan mo pa ako naging ASAWA? Eh puro babae mo yung kasama mo imbis na ako ang kasama mo!

Wow! Kailan pa? Kailan mo pa ako naging ASAWA? Eh puro babae mo yung kasama mo imbis na ako ang kasama mo!

Wow! Kailan pa? Kailan mo pa ako naging ASAWA? Eh puro babae mo yung kasama mo imbis na ako ang kasama mo!

Paulit-ulit na sumusulpot ang mga salitang sinabi nya sa isip ko fvck!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mahalin sya, siguro dahil siya pa rin ang laman ng puso ko

Alam kong may Nangyari sa amin, yes lasing ako nun pero slight lang kaya alam kong may nangyari sa amin kagabi.

Pumunta ako sa kwarto para kausapin sana sya kaya lang isang tulog na Zian ang nadatnan ko sa kwarto

Tsk. Ganun ba sya kapagod para hindi man lang nya tanggalin ang sapatos nya?

Dahan-dahan akong pumunta sa paanan nya para hindi sya magising at para tanggalin ang sapatos nya, nang nasa paanan na nya ako dahan-dahan kong tinanggal ang sapatos nya sa kaliwang paa nya, ganun din ang ginawa ko sa kaliwang paa nya.

Pagkatanggal ko ng sapatos nya ay nilagay ko ang sapatos nya sa shoes shelf at lumapit ulit ako sa kanya para kumutan sya.

Dahan dahan ko syang kinu-kumutan ng bigla syang nagsalita

"Blake...... blake...... bakit.... ba.... hindi.... mo.... ako.....magawang.....mahalin?" Tanong nya pero tulog sya sleep-talking.

Bigla namang may pumatak na luha sa mata nya na umagos hanggang sa leeg nya hanggang sa bedsheet.

Wala akong masabi dahil kahit sa panaginip nya ako pa rin. Ganun ba nya ako kamahal?

Patawarin mo ako Zian, hintayin mo lang, hindi pa kasi ako nalilinawan kong mahal ko pa ba siya.

Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa maamo nyang mukha at hinalikan sya sa noo. Pagkatapos kong gawin yun lumabas na ako sa kwarto at nanuod na lang ng movie sa living room.

(Zian's Pov)

Nagising ako ng may maramdaman akong malambot sa noo ko kaya napadilat ako ng kunti at nakita ko si... blake na hinalikan ako sa noo.

Dahan dahan syang lumabas sa kwarto at dahan dahan nya ding sinarado ang pintuan kaya minulat ko na ang mata ko at umupo sa kama did that really happen? Hinalikan nya ang noo ko?

*Phone Ringing*

Tiningnan ko at nakita ko na si Mom yung tumatawag

"What is it mom?" Tanong ko sa kabilang linya
"Are you okay? Sinabi sa akin ni Zhaina na nasusuka ka daw kanina?" Nag aalalang tanong ni mom tsk. That girl! Sumbungera talaga ang puta!
"Ahm. Mom thanks for your concern but i'm okay, may nakain lang siguro ako kagabi na hindi maganda" sagot ko sa tanong ni mom
"Hmm. That's good, mag-ingat ka sa kakainin mo sa susunod btw! Okay lang ba kayo ni Blake dyan? Gusto nyo bang bisitahin ka namin dyan?" Tanong ni mom
"We're okay mom. You don't have to visit here we're okay" sagot ko okay nga lang ba kami?
"Okay. Btw! I have to go! Bye!" Paalam ni mom at in-end call na yung tawag

Hayst! Nilapag ko ulit ang phone ko sa table at humiga na ulit. Pagka-pikit ko bigla namang nag-pop up sa panaginip ko ang nangyari 10 years ago

(Ms. Zianny's Pov)

"Honey! Bili mo nga kasi ako nun!" Sigaw ng isang babaeng naka white dress na hanggang tuhod ang haba
"Okay~ i'll buy!" Sabi nung lalaking naka blue sweater

Ipa-park nya na sana ang kotse nya sa tabi ng biglang may batang tumakbo kaya napakanan yung kotseng sinasakyan nung babae at lalaki.

Sakto namang may kotse ding paparating nun kaya nagkabung-guan ang dalawang kotse. Sinwerte ang kotseng sumalubong sa kanila dahil kunti lang ang tama nito pero ang kotseng sinasakyang ng lalaki at babae ay wasak.

Basag ang bintana at duguan silang dalawa.

~~~~
Woop dito na lang muna. My apology dahil matagal akong hindi nakapag-update ang dami kasing requirements at putchang pabida at pabibo sa school na-stress tuloy ako. Sana magutuhan nyo ito.

•||Married To A Womanizer||•Where stories live. Discover now