Chapter 10

599 9 0
                                    

Umalis na si Ira dahil pinagtulakan sya paalis ni Blake too desperate?

Nagulat sila ng biglang nasa baba na ako ng hagdan

"Kanina ka pa nandyan?" Gulat na tanong ni Top pero hindi ko sila pinansin dahil Inaantok pa talaga ako

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig.

Hindi ko namalayang naubos ko ang isang bote at mas lalo akong nagulat ng bigla ko itong nalukot

"H-hey a-are y-you o-okay?" Utal-utal na tanong ni Top

Tinapon ko na ito dahil sira na yung bote kawawa naman yung bote, dun ko pa nalabas yung inis ko.

Babalik na sana ako sa taas ng bigla akong hilahin palapot ni Blake sa kanya

"I know you see and hear us, alam kong gusto mo na akong sapakin, saktan sa oras na ito but please... please wag ka namang ganyan" nagmamakaawang sabi nya napataas naman ako ng kilay
"Hindi nyo pa nga talaga kilala ang babaeng yan" nagulat sila sa nagsalita kaya napalingon sila
"Haha Cold yan kapag inaantok pa or kulang sa tulog" natatawang sabi ni Zhaina
"Ganun ba?" Tanong ni Top at nilagay ang kamay nya sa batok nya
"Pwede ba bitawan mo na ako? Inaantok pa talaga ako" cold na sabi ko kaya binitawan na nya ako at dumiretso na ako sa kwarto namin at natulog ulit

(Blake's Pov)

Nagulat na lang talaga kami nung malaman namin yun, ganun ba talaga sya kapag kulang sa tulog or inaantok pa?

Akala ko talaga galit sya sa akin.

"Yung babaeng yun talaga" natatawang sabi ni Zhaina
"Teka bat ka nga pala pumunta dito?" Tanong ko kay Zhaina
"Bakit bawal bang bisitahin ang kaibigan ko?" Tanong nya
"Hindi" tipid na sagot ko
"Tsk una na ako tutal tulog na naman ulit yung babaeng yun" paalam nya at umalis na

Umalis na din sina Top at Drew kaya umakyat na lang ako sa kwarto at naabutan ko syang mahimbing na natutulog sa kama.

Dahan dahan akong humiga sa tabi niya at niyakap sya.

"I love you so bad, Zian" Bulong ko sa kanya at hinalikan ang likod ng tenga nya at natulog na din kayakap sya

(Top's Pov)

Nagulat na lang talaga kami sa nalaman namin, grabe pala talaga si Zian kapag kulang sa tulog o inaantok pa. Naawa tuloy ako dun sa Bote.

"Bar tayo?" Yaya ni Drew
"Nah! May pupuntahan pa ako" ani ko at tumango naman sya at iniwan ako

Sa totoo lang wala naman talaga akong pupuntahan, wala lang talaga akong ganang mag Bar ngayon.

Pumunta na lang ako sa malapit na Coffe Shop dito.

Sa paglalakad ko papunta doon ay may nabangga ako na babae

"Sorry miss" paghingi ko ng paumanhin at tinulungan syang kunin ang mga gamit nyang nahulog
"Okay lang sir" nakayukong sabi nito at humarap sa akin

Nagulat ako dahil sa ganda ng muka nya.

Sweet eyes with brown eyes, Pink kissable lips, Matangos na ilong, buhok na hanggang Waist nya at big curls ang baba nito kaya akala mo ay maikli ito.

Three words lang ang masasabi ko sa kanya.... Ang ganda nya....

"Ah! Sir?" Nabalik ako sa wisyo ko
"Ahm. Miss may pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko takte! San ako humugot ng lakas ng loob para itanong sa kanya yan?
"Ahm. Wala, sa totoo lang pauwi na ako eh" ani nito
"Ahm. Pwede bang yayain kitang uminom ng kape ngayon?" Tanong ko tumango naman sya at nginitian ako

Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko, last time kong naramdaman ito nung makilala ko si.... Zian

Nalungkot nanaman ako sya. I know pagmamay-ari na sya ng kaibigan ko pero hindi ko naman kayang pigilan ang sarili ko na mainlove sa katulad nya

"Tara na?" Yaya niya kaya tumango na lang ako

Pumasok kami sa Coffe shop at pumili ng pwedeng inumin... ako na ang nagbayad dahil ako naman ang nagyaya sa kanya

"Wait, What is your name miss?" Tanong ko
"Samantha Kim, just call me Sam" pagpapakilala nito "ikaw?" Tanong nito at humigop sa kape nya
"Top Ashton Ford, Just call me Top" pagpapakilala ko
"Ah" ani nito at napatang-tango pa
"Studyante ka pa ba?" Tanong ko.
"Ahm. Yes, kunting tiis na lang at gra-graduate na ako" ani nito
"Graduating ka na pala. San ka nag-aaral?" Tanong ko
"Lee University" sagot nito nagulat na lang ako dahil dun din kami pumasok

Napatango na lang ako.

"May boyfriend ka na ba?" Tanong ko
"Wala pa" sagot nito na kinagulat ko
"Wala pa? Sa ganda mo wala ka pang boyfriend?" Gulat na tanong ko at humigop sa kape ko
"Actually, kaka-break pa lang namin" ani nito at yumuko pa
"Bakit?" Tanong ko
"Nahuli ko sya... nakikipag-halikan sa iba" sagot nito at napansin ko namang may luhang pumapatak sa mata nya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya
"Shh, tahan na" pagpapatahan ko sa kanya

Agad naman syang tumahan at nginitian ako

"Sorry, mahal ko talaga kasi siya kaya hanggang ngayun naiiyak pa rin ako nung makita ko iyon" ani nya
"It's okay, Ilabas mo lang makikinig lang ako sa iyo, i can be your punching bag if you need, i can be your comforter if you need" ani ko at kinuha ang kamay nya at hinila sya paalis dun

Pumunta kami sa isang park at umupo sa isang bench.

Yumuko sya nang maramdaman nyang maiiyak na naman sya kaya sinandal ko ang ulo nya sa balikat ko

"Ilabas mo lang" ani ko at nilabas nga nya
"Why? Bakit hindi ko sya kayang kalimutan?" Tanong nya habang umiiyak
"Syempre mahal mo sya" sagot ko
"Mahal mo sya diba? Then set him free, maging masaya ka kasi nakikita mo syang masaya sa iba kahit masakit, kung iniwan ka nya para sa ibang babae then hindi sya karapat-dapat na iyakan, love again, pero piliin mo yung mamahalin ka ng tapat" mahabang paliwanag ko sa kanya
"Hindi ko kaya" humahagulhol nyang sabi
"Then i'll guide you hanggang sa makalimutan mo sya" ani ko na kinaangat ng mukha nya
"Are you sure?" Tanong nya
"Yes" tipid na sagot ko

~~~
Ayiieut! Pumapag-ibig si Top wahaha abangan ang storya nila!

•||Married To A Womanizer||•Where stories live. Discover now