HUNHAN VS KAISOO featuring ChanBaek

37 0 0
                                    

(Luhan)

Next day...

Im on a mission.

"Hyung, san ba tayo?" Tanong ni Sehun.

Napatalon ako. Bakit andito to!?

"Sehunnie, bat andito ka?" Tanong ko.

"Bibili sana akong snacks e nakita na kita. San ka ba, diba nagvovocalization parin kayo?" Usisa ng maknae.

"May pupuntahan lang ako."

"Si noona? Halika na hyung, samahan kita." Hila ng Sehun sakin.

Naman oh.

Dumating kami sa Music Hall.

"Dude, may Katarina Go ba dyan?" Tanong ko sa isang hall. Ang dami kasi nila sa loob.

Tumango yung lalaki at lumingon dun sa grupo.

"Kittybabes! May naghahanap sayo!" Sigaw nung lalaki.

Ginawa ko ang lahat wag lang sapakin tong hayop na to. Grrrrr... RAWR

"Luhanssi!?" Gulat na gulat na sabi ni Katarina KO. Napahawak pa siya sa dibdib niya.

"Hi noona. Kittybabesnoona pala." Sehun

Bago pa niya samaan ng tingin si Sehun ay naalala niya na hindi dapat kasi nga... WALANG NAKAKAALAM NA KAMI NA AT CLOSE SIYA SA EXO.

Nainis ako bigla. Nabwisit ako lalo dun sa Sasa na yun. Ano ba kasing napakain nun sa girlfriend ko at-

"Hyung..." Sehun

Hindi ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa kanila ng masama. Bumuntung-hininga ako.

"Jagiya... I miss you. Punta ka nalang sa cafe pag miss mo na rin ako." Mahina kong sabi ng wala talagang makarinig.

Inakap naman ako agad ni Sehun. "Hyung, tama na yan. Nandito ako, sabi kasi sayo, mag-BL nalang tayo ee. Halika na. Bye kittybabesnoona!" Hinila na ko ni Sehun paalis.

Haaaay... Mag-ti-three years na kami pero ano? Wala pa rin kaming nareresolba tungkol dun sa mga issues niya sa buhay.

"I love you, Sehun." Matamlay na sabi ko.

"I love you too, hyung." Nakangising sabi ni Sehun.

(HUNHAN FOREVER!!!)

(Kitty)

Kung hindi dahil dun sa kalokohan ng maknae na yun. Naiyak na sana ako.

Hindi ko deserve si Luhan. (We know. Psh. Haha, joke! peace!)

Pabalik na sana ako para sa musical ng lumapit si Sasa.

"Girl, you, luhan and sehun talking? Its becoming often since the showcase" Maarteng usisa niya.

"Yeah." Matipid kong sagot.

"Girl, explain" nilahad niya pa yung isang kamay niya for emphasis

"Girl, why do i need to?" Tinaas ko yung kilay ko

"For the sisterhood, you b- you promised to all of us that all possible encouters are to be shared to the other beauties. Other members got angry with you na with the 4M Showcase. Hindi ka pa natuto?" Matalim niyang sumbat sakin

"You promised too. And what did you do? And the only thing i promised with the beauties is to share facts about the boys. Im doing my part." Sumbat ko din sa kanya.

"I never back down on my promises." Matapang niyang sagot.

"One word Sabrina San: BULLSHIT."

Bumalik na ko sa grupo. Alam kong pagbabayaran ko yun with her minions but like i care, parang hindi pa ko nasanay.

(Kai)

Nasa harap ako ng salamin at sumasayaw. 7pm na pero hindi parin ako umuuwi.

Hindi dahil sa sobrang sipag ko.

Iniintay ko kasi si Janie.

Date? Hindi. Mag-HHWW lang kami pauwi. Haha.

*pyong*

Nagtext si Kyungsoo.

Kim Kyungsoo: Kai, umuwi ka na. Ikaw nalang wala dito sa dorm.

[2nd text] Pag di ka pa umuwi sa labas ka matutulog at gulay ang lunch bukas.

(Lakas maka KIM Kyungsoo ni KIM Jong In. Kaisoo to eternity!!! (Nakuha na kasi ng hunhan ang forever))

Nagayos na ko ng gamit. Ako na nga lang susundo kay Janie.

Saktong kasasara ko lang ng dance hall ng dumating na si manong guard at Janie.

"Ja, san ka galing ha? Akala ko 6:30?" Reklamo ko.

"Nagpolish ako ng piece ko bukas ee. Uy, kelangan ko ng partner siguro next month." Sabi niya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakablouse syang super fitted at school skirt namin. Kinuha ko yung bag niya at kinalkal yun, nilabas ko yung sweater niya at sinuot yun.

"Kai!!! Luluwag yan!" Hinampas niya ko bago niya hinubad sakin.

"May dala kang ganyan ayaw mong suotin." Sabi ko.

"Bat ko naman susuotin hindi naman ganun kalamig." Sagot niya.

"Gabi na, mahamugan ka." Dahilan ko. Tsk, kitang kita ang sexy badeh mo! Janie naman... >//////<

"Ewan ko sayo, kakaiba kang maging sweet." Sabi nalang niya at sinuot.

Inakbayan ko na siya at umuwi na kami.

10pm

Patay na. Gising pa naman sila pero hindi na kami pwedeng lumabas ng 9:30 kung sakaling maaga kaming umuwi galing practice. Utos yun ni Suhohyung.

Pagpasok ko ay lumapit agad si D.O

"San ka galing at di ba sabi ko umuwi ka na kanina? Wala ka pa namang kasama staff pano pag nakilala ka sa labas, madadamay pa si Janie." Sermon ni D.O

"Oh chill, umma. Kai, takas na dali." Sabi ni Chanyeol.

Iniwan ko ng magwrestling yung dalawa.

(Chanyeol)

Tumayo ako sa pagkakahiga sa may sahig. Hinanap ko si D.O. Salbahe talaga yun nawalan ako ng malay.

"D.Oyah!" Sigaw ko sa dorm.

"Nasa kwarto na, Channie" sabi ni Layhyung.

Tumango ako at pumunta nalang living room.

Naalala ko si Dae.

Text ko kaya.

C: Dae!!!

After two minutes nagreply siya. Wow

D: Oppa? O.o

Haha, naka emoticons pa.

C: Namimiss kita.

Hihi, kinikilig Chanyeol. Madalas kasi sa hallway lang kami naguusap e. Kelangan patago pa o parang may tinanong lang ako. Pero ang totoo dinamovesan ko siya.

Limang minuto na hindi parin siya nagrereply.

Tawagan ko kaya?

"BOOOOOO!"

Napatalon ako papuntang sahig. Humiga naman sa couch si Baek.

"Halika na. Lights off na daw. Lalandi pa e." Sabi ni Baek at umalis na.

"Pwe. Sinave na pala ni D.O yung number ni Bel sa phone mo. Thoughtful, right?"

Sinamaan lang niya ko ng tingin.

Haha. Kilala ko si Baek no, type niya si Bel. Madedevelop din yan dapat nga lang mauna kami ni Dae!!!

Versus EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon