Is she the one?

13 0 0
                                    

(Third Person)

Nilapitan agad ni Baekhyun si D.O

"Kyung, hahayaan mo talaga sila?" Tanong ni Baek.

"Oo, walang mangyayaring masama sa dalawang yun." Sagot naman ng kalmadong si kyungsoo

"Pero hyung, namumula sa galit si Aine kanina." Sabad naman ni Kai na nakiusyoso na rin.

"Malalaman niyo rin bukas. Kai, hanap ka ni Janie." Sabi ni Kyungsoo. Umalis na si kai agad.

"Hah?" Nagugulumihang tanong ni Baek.

"Anong tingin mo kay Bel? Bilang babae?" Pagiiba ni D.O sa usapan.

"Nirereto mo ba ko sa kanya!?" Singhal ni Baek.

"Kababata ko si Bel at siguradong madalas siya dito, gusto ko lang malaman kung anong tingin mo sa kanya." Palusot ni D.O

"Maganda. Este, ok lang naman, maliban sa pagiging clingy mukha naman siyang mabait. Para ngang ikaw e, may pagkanerbyosa."

Nag-creeper smile si D.O at iniwan si Baek magisa.

-LUNCH-

"Kyung, ok na ba ikaw dun sa love triangle nyo?" Usisa ni Tao habang kumakain.

"Oo."

"WEH!?" EXO

"Naku kyungsoo ha, patay ka sakin kapag napaiyak mo si Aine..." Babala ni Janie

Dito na kumain ang ibang girls na bumisita.

"For an owl like you, you should see better who's the best for you." Sabad ni Bien. Tinapalan naman agad ni Kris ang bibig niya.

"Bien, mouth." Saway ni Kris. Lumingon naman si Bien sa kanya at ngumanga. Sinubuan nalang niya to ng kimchi roll.

"Oppa, parang pamilyar yung girl na dumating." Sabi ni Lyric

"Siya ba yung solo artist na si I? Nakita ko yung teaser ng debut niya..." Dagdag ni Dae.

Lumingon silang lahat kay D.O. Ngumuya lang ng ngumuya si kyungsoo.

"Kyung naman o!" Maktol ni Baek.

"Hindi ko alam. Ngayon ko lang nalaman na mag-iidol pala siya."

"Siya nga yung I. Napanood ko ang teaser niya nung nasa backstage tayo last show." Xiumin

"Wow, updated si hyung." Bulong ni Chanyeol

Nagkibit balikat lang si Xiumin.

Pagkatapos nun, balik na sa matiwasay na kain ang EXO with the girls.

(Baekhyun)

Ewan ko lang ha pero may something dun kay Isabel Choi.

Hindi ko alam kung masama o maganda.

Maganda pa naman siya... Sayang lang kung masama naman ugali niya.

(Third Person)

Monday Afternoon

DANCE HALL - Excluxive for EXO-K

"UUUUUUNNNNNNIIIIIII!!! Ayooooookoooo!!!" Isang sigaw ang nagpatigil sa practice ng EXO.

Lumundag pababa ng formation si Baekhyun at umupo naman si kyungsoo.

Hinihila ni Aine si Bel papasok ng dance hall.

"Dapat kanina pang umaga e may exam ako. Pero ngayon na Isabel Choi ipapakalat ko sa weibo ang KATOTOHANAN!!!!" Aine

Seryosong umiiyak na si Bel. "Unni... Wag, huhu, hindi ko talaga kaya!!! UNNNNIIIII!" Tili ni Bel.

Sumakit na eardrums ng EXO.

"Aine, ano bang nangyayari?" Tanong ni Suho

"Oppa, may sasabihin Bel. Kay-" hindi na natapos ni Aine ang sasabihin dahil mabilis pa sa alas kwatro na nalundagan siya ni Bel.

Tumakbo agad si kyungsoo at itinayo ang dalawa. Bago pa man makaiyak si bel kay kyungsoo nakaakap na agad si Aine at bumelat pa.

"Bel, sige na. 4 years mo nang tinago yan" sabi ni D.O

"Ang gulo na ha, anong bang nangyayari?" Tanong ni chanyeol.

Sumingot pa muna si bel at lumingon kay Baekhyun.

"B-b-byun Baekhyun... Nang makita ka nung trainee days nyo... *sniff* crush na kita. I LIKE YOU BAEKHYUN!!!" Pilit na sigaw nang namumulang si Bel at lumabas agad ng dance hall. Pero nagawa pa nyang sumigaw ulit ng, "I hate you kyungie, susumbong kita kay eomma!!! Pati ikaw unni!"

"Mwahahaha! Wala na tayong problema. Alis na ko ha, baka kung san atakihin yung batang yun hindi pa makapagdebut. Bye jagiya, sarang!" Masayang sabi ni Aine at sumayaw palabas.

Nagkatinginan ang EXO.

. . .

"WOOOOO, may partner na si Baekkie!!!" Sigaw ni Kai at Sehun.

"Seryoso?" Baekhyun at Suho.

"Hindi kami magkababata ng walang dahilan." D.O

"Anong balak Baekhyun?" Chanyeol.

"Edi wala, hindi ako mapepressure!" Pagmamayabang ni Baek.

"Asa, mga ganun type mo ee." Chanyeol

"Try mo munang kilalanin siya Baekhyun. Baka naman magustuhan mo din siya kahit kaibigan lang." Payo ni Suho.

Umiwas nalang si Baek. Nagulat din siya sa pangyayari.

Nasa ganung pwesto ang EXO ng pumasok si manager

"May maganda akong balita kids. May sponspor tayo sa amusement park this weekend! Dahil alam kong may mga lovelife kayo plus one ang nirequest ko each member. Syempre Baek ako na ang plus one mo." Ngiting tagumpay ni manager.

Ngumiti din ng tagumpay ang lima.

"Asa naman kayo aayain ko si Bel!" Sigaw ni Baek.

DANCE HALL - Exclusive for EXO-M

"Ang boring..." Sabi ni Tao.

Nagvovocalized sila ngayon.

"Dapat kasi ot12 tayong magpractice ee." Tao pa rin

"Katarina babes, galit ka pa- naman o!" Sigaw ni Luhan.

"Binabaan ka nanaman?" Xiumin

"Umin.. Ano ng gagawin ko?" Malungkot na tanong ni luhan

"Magpractice. Tara na" sumunod na ang M kina luhan at xiumin.

Nagpapraktis na ang M ng pumasok si lyric

"Oppa naman! Bakit ka nagpadala ng pagkain ng mock exam namin, nagalit yung prof ko!"

"Ah ganun ba. Sige, next time pati siya bibigyan ko." Sagot ni chen

"Oppa!" Nagstomp ng feet si Lyric (ano bang tagalog dun?)

Lumapit si chen at tinulak siya palabas.

"Sorry na ha. Hindi na mauulit." Ginulo niya yung buhok ni lyric at pinagsarhan siya ng pinto.

"Hindi kaya kayo magbreak? Pinagsarhan mo siya ng pinto" nagaalalang tanong ni Lay.

"Hindi yun hyung, babawi nalang ako mamaya."

Pumasok si Manager habng nagfoformation ang M at sinabi ang magandang balita.

"Sabi sayo hyung e, babawi nalang ako." Ngisi ni Chen.

"Ako ng magaaya kay Memo, makalimutan mo nanaman." Prisinta agad ni Luhan.

"Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong ni Lay na kinakalikot na pala ang music player nila.

"Sumama ka nalang pag sinabi namin." Sagot ni kris. Tumango naman si Lay.

"Pwede isama si Memo?"

Napasapo ng noo ang EXO-M  

Versus EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon