Shay's POV
Naglalakad ako sa isang hallway at may nakabangga akong isang lalaki nilingon niya ako pero di ko makita ang kanyang mukha nakasuot kasi siya ng black hoodie na jacket at black mask kaya mata lang ang tanging nakikita ko sa kanya,tinignan niya lang ako at agad na tumalikod halatang nagmamadali siya dahil ang bilis niya maglakad ang laki ng mga hakbang niya.
Hindi ko alam pero natulala ako dahil sa mga mata niya kanina para kasing may kung anong hiwaga sa mga tingin niya at naestatwa ako bigla ramdam ko ang black awra ng mga mata niya kanina.Teka kung ano-ano na ang iniisip ko sa lalaking yun eh di nga man lang siya nag sorry sakin eh binangga niya kaya ako alam niya ba yun? Tss,di ko alam pero hinatak ako ng mga paa ko para sundan ko yung misteryosong lalaking yun.
Tumakbo ako para masundan ko yung lalaki,nakita ko na ang likod niya kaya medyo tumakbo lang ako ng mabagal.Saan ba siya pupunta? hindi ko alam ang lugar na to kaya hindi ko kabisado ang lugar na to,sinundan ko lang siya ng tahimik.
Pero huminto siya bigla kaya napahinto na din ako,nakatayo lang siya ng di kalayuan sakin "Why are you following me?" teka siya ba yung nagtanong,tumingin ako sa paligid kaming dalawa lang ang tao dito kaya sakanya talaga ang boses na yun haystt (tanga kaba shay o sadyang slow ka?) tanong ko na lang sa sarili ko.
Teka paano niya naman nalaman na sinusundan ko siya? Ngayon niya lang ba nahalata o kanina pa? Hayysstt bakit ko nga ba siya sinusundan? Hayy nakakainis naman kasi ng mga paa ko dinala pa ako dito sana di ko na sinundan ang lalaking to baka mamaya takas sa kulungan o wanted ang lalaking to kaya siya naka disguise edi patay ako,naku ano ba tong pinasok ko? Eh ano na lang sasabihin ko sakanya?
"Do you want me to repeat my question?"bumalik ako sa katinuan ng magsalita siya ulit, napansin kong kaharap ko na pala siya eh kanina nakatalikod lang siya ng tinanong niya ako kanina,"Ah-eh" ramdam ko ang panginginig ng aking boses,hindi ko magawang gumalaw sa aking kinatatayuan at sumagot ng maayos sakanya.
Pakiramdam ko kinakain ako ng takot ngayon,alam kong matapang akong babae pero bakit dito parang humina yata ako,dahil ba sa pagod lang? Pero imposible naman matakot ka dahil lang sa pagod diba? Ano bang nangyayari sakin bakit di ko magawang gumalaw natatakot ako sa awra ng mga mata niya pakiramdam ko lalamunin ako ng mga mata niya,walang ka emo-emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko alam ang iniisip niya.
Tinignan niya lang ako ng malalim,ramdam ko ang black awra ng mga mata niya.Dinig na dinig ko kabog ng aking dibdib"I'll give you five seconds to answer me" naku po ba't natatakot ako sakanyang boses at tingin pa lang niya nakakatakot na "Eh kasi naman..."hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko titignan niya parin ako.
Eh pano ba kasi to,kahit na sarili ko hindi alam kung bakit ko siya sinusundan haysst ayan tuloy mapapahamak ako dito eh "Eh curious kasi ako sa mukha mo kaya kita sinundan"pagsisinungaling ko.
"Tss,stupid"rinig kong sabi niya,hayss oo ako na stupid,alam ko naman yun eh.Ang stupid ko kasi sinundan pa kita dito kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana pinigilan ko na lang ang mga paa ko na sundan ka dito,sana nga paalisin niya na ako dito.
"Tsk,do you think I will believe the stupid reason of yours?"Walang emosyong niyang tanong.
Teka ganun naba ka hindi ka tanggap-tanggap yung sagot ko sakanya "Tell me the truth"ayan na inimbistigahan na ako,ano naman ang sasabihin ko wala akong maisip na rason.
YOU ARE READING
BLACK
Teen FictionSila yung kinakatakutan sa buong campus at pati na din sa labas,marinig lang ang pangalan nila ay kinakatakutan na. They don't follow outhers rules 'cause, they had their own rules that once you break it,ready to forget your name on this planet ear...