CHAPTER 3

21 0 0
                                    


Shay's POV



Nakita kong nag si-upuan na ang mga babae matapos magsalita ng isang lalaki, siguro isa siya sa kambal na sinasabi nila.


Naramdaman ko na umupo na si Yiesha sa tabi ko na tila mangha pa siya nakikita niya sa paligid niya, ano naman ang nakakamangha dito eh kung makaasta ang mga lalaking yun kala mo naman sila ang hari dito, tsaka ba't naman sila pinagtitilian gwapo ba sila?

"Anong nangyare sayo? Ba't ngiti-ngiti ka dyan?" di ko napigilan na tanong kay Yiesha, eh kasi parang lutang na siya.


Pero imbes na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya sakin, ano bang nangyayare sakanya eh pumunta lang siya dun sa dinagsaang babae kanina eh nagkaganito na siya agad?


"Grabe Shay, kung nakita mo lang sila kanina" sambit niya sakin habang ngiti-ngiti pa,aba may kung ano ba siyang kinain at nagkakaganito siya?


"Anong sinasabi mo diyan?" nagtatakang tanong ko sakanya,minsan di ko din maintindihan ang kaibigan kong toh.



"Ang ibig kong sabihin ang gwapo pala talaga ng kambal,ang cool nila tignan kanina" pagpapaliwanag niya, anong cool dun?



Napansin kong may isang babae na pumasok at tumungo siya sa pwesto ng kambal,tinignan siya ng lahat ng estudyante dito sa cafeteria nakita kong may bitbit siya ng isang maliit na box at inabot niya ito sa lalaking may gray na buhok.



"Ace,please be my boyfriend" pagmamakaawa ng babae sa lalaking gray ang buhok na tinatawag niyang Ace,pero tinignan lang siya ng lalaki.


Tinignan ko ang lalaki pero wala akong makitang emosyon sa mukha niya di ko maimagine kung ano ang iniisip niya.


"Alam ba niya ang ginagawa niya? " sambit ng isang babae.



"Yeah, baliw ba siya? Alam niya naman diba kung anong mangyayari sakanya pagkatapos nito? " sambit naman ng kasama niya.


"Nababaliw na siya" sabi ng isa pang babae.


At ayun nagbulungan na ang lahat halos ng mga bulong nila ay rinig na rinig pa,tsaka nag confess lang naman ang babae ah,kung maka react sila kala mo naman may batas dito na bawal magconfess sa lalaking may gray na buhok.



"Wala man lang bang sasabihin si Ace sa sinabi ng babaeng yun"  finally nagsalita na yung kaibigan ko kala ko kakain na lang siya eh.



Tinignan ko ang nasa paligid ko pero busy pa din sila sa chismis nila,siguro yung tungkol sa babaeng gustong maging boyfriend ang naka gray na buhok na tinatawag nilang Ace,ewan ko ba di ko matawagtawag yung mismong pangalan niya.


Bumalik ang tingin ko sa babae na nag abot ng isang maliit na box pero nasa kamay niya parin ito, di pa rin tinanggap ng lalaking may gray ang buhok,wala man lang siyang sinabi o reaksyon sa sinabi sa kanya ng babae.



"K" tanging sabi ng lalaking may gray ang buhok,pero di niya parin tinanggap ang inabot na box sakanya ng babae.



Nabigla ang lahat sa sagot ng lalaki   pero mas nabigla ang babaeng nag abot ng box,kaya napangiti na lang ang babae sa naging sagot niya,ramdam ko ang saya ng babae matapos siya sagotin ng lalaki,nilapag niya ang maliit na box sa mesa ng kambal at tumalon siya sa saya na tila akala mo ay nanalo siya sa lotto sa sobrang saya.



Bumalik ang tingin ko sa lalaking may gray ang buhok pero wala man lang ako nakikitang ekspresyon sa mukha niya.



"Let's break" walang ganang sambit ng lalaki na ikinabibigla ng lahat at pati ako nabigla sa sinabi niya,eh paano naman kasi eh kakasagot niya pa lang sa babae tapos break na agad?


BLACKWhere stories live. Discover now