CHAPTER 4

25 0 0
                                    

Shay's Pov




Nataaposn na din sa wakas ang klase pero parang hindi ako nag enjoy sa unang araw ng klase,siguro dahil na din sa mga nangyari kanina.







Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon iniisip ko pa rin yun eh kasi naman nakakawalang respeto yung ginawa ng mga mayayabang, arogante, feeling gwapo na mga lalaking yun. Siguro feel nila na mas lalong ikakagwapo nila yung ginawa nila kanina mga walang modo sarap sampalin eh nang malaman nila na diyan sila nagkakamali kasi para sakin hindi naman sila ganun ka gwapo. Sinasamantala nila yung kagwapuhan nila sa mga babae.







"Hoy, halika kana. Kanina pa kaya kita tinatawag" nagulat ako sa boses ni Yiesha.





"Sorry. sige umuwi na tayo bago pa ako mabaliw dito" untag ko sakanya.
Tumayo na ako at inaayos ko yung mga gamit ko bago pa mag ingay tong baliw kong kaibigan.






" Anong nangyari dyan sa mukha mo?  Bakit parang nilukot na papel na naman yan?" bigla niyang tanong. Hindi ko din alam pero parang na sobrahan yung inis ko dun sa mga lintik na mga lalaki. Kung tutuusin nga eh hindi nga ako yung sinaktan nila kaya hindi ko alam kung bakit sobra yung inis ko sa kanila.






"Na bibwisit kasi ako" sagot ko sakanya at nauna ng lumabas ng room pero nabigla ako ng magkasalubong kami ng lalaki na isa sa kinaiinisan ko kaya hindi ako nakagalaw agad dahil na rin siguro sa hindi ko alam yung gagawin ko. Kanina lang ang lakas ng loob ko laitin siya sa isip ko pero ngayon pakiramdam ko hinigop niya lakas na yun.






Nagkasalubong lang ang mga mata namin nang bigla akong umiwas ng tingin dahil hindi ko kinaya pakiramdam ko nanghihina na ako sa titig niya pa lang pero hindi ako papayag na matalo niya ako noh. Kaya huminga ako ng malalim at tinignan siya ulit.







" Enjoying the view?" nabigla ako sa sinabi niya kaya ako na lang nag adjust at dumiretso na siyang pumasok sa room.






Aba, akala niya siguro nag enjoy akong titigan yung mukha niya. Feeling niya nagagwapuhan ako sakanya. Tch, asa siya. Sa inasta niya sakin mas lalo lang akong naiinis. Tanungin ba naman ako kung nag enjoy ako. Pwes hindi mas lalo akong naiinis. Baliw lang ang mag eenjoy makipag titigan sakanya.





"Ehem. Tara na baka bukas matanda kana eh" natatawang sabi ni Yiesha mula sa aking likuran. Naiinis na nga ako dumagdag pa siya.





" Naiinis ako wag kanang dumagdag kapa. Wala namang nakakatawa" reklamo ko sakanya paano ba naman kasi naiinis ako tapos tatawanan lang ako baliw nga talaga.





" Sorry naman eh sa natatawa ako eh wag ka kasing pa apekto masyado mas lalo kang gaganda niyan HAHAHA isa pa hindi naman ikaw yung nasaktan kanina" sambit niya na parang natatawa.






" Kanina inis lang ngayon sobrang inis na ako napakasama ng ugali eh. Kalalaking tao pero parang hindi lalaki nakakabwesit yung ugali kulang na lang patulan niya yung mga babae" reklamo ko. Sa ginawa ng lalaki sakin ngayon parang kumulo yung dugo ko sa sobrang inis.




"Oo na, hindi na ako dadagdag baka sumabog na yung bulkan umuwi na lang tayo kasi may gagawin pa ako sa bahay" sambit niya at hinatak niya na ako paalis. Baliw talaga tong kaibigan ko eh.






-

-

-

-

BLACKWhere stories live. Discover now