Shay's POV
"Shay,anak gising na malelate ka na school mo" nagising ako sa boses ni mama.
"Ma,ano po nangyare kahapon?" nalilitong tanong ko sakanya,eh kani-kanina lang mababaril na ako?
"Anong klaseng tanong yan Shay,nakalimutan mo ba yung ginawa mo kahapon?" pagtatanong sakin ni mama,eh ano ba ginawa ko kahapon naguguluhan ako.
"Hay nakung bata ka,diba lumabas kayo ni Yiesha kahapon? Ano bang pinagagawa mo at nakalimutan mo ha?" yan na naman si mama ganyan talaga yung bungabunga ewan ko ba.Pero kahit ganyan si mama mahal na mahal ko to.
"Bumangon kana dyan at bilisan mong mag ayos tsaka para makakain kana baka gutom lang yan,kanina pa kita ginigising ayaw mong gumising" sermon sakin ni mama.
Panaginip lang ba yun? Bakit parang totoo yung nasa panaginip ko? Pero laki pa din ang pagsasalamat ko dahil panaginip lang yun,eh sino ba namang gustong maging totoo yun eh nabaril nga ako nun.
"Shay,nakatulala kana diyan?,naku pag di kapa bumangon diyan talagang malelate kana" bumalik ako sa katinuan nung magsalita si mama.
Bumangon nako,mahirap na baka ma turn-on ang mahiwagang bunganga ni mama mahirap pa naman eh off yun.
Ginawa ko na ang dapat kong gawin at tsaka bumaba na para kumain.
Pagkababa ko nakita ko sina mama,papa at bunsong kapatid ko na lalaki na nasa lamesa na.
"Good Morning" pagbati ko sa kanila at umupo na ako sa tabi ng kapatid ko,Naglagay na ako ng kanin tsaka ulam sa pinggan ko.
Binilisan ko ang pagkain dahil malelate na talaga ako."Dahan-dahan lang nak,baka mabulunan ka niyan" pag-alala sakin ni papa.
"Eh baka malate na po ako,first day of school pa naman ngayon" pagdadahilan ko kay papa,patay ako pag nalate ako sa lahat ng pwedeng malate ako sa first day of school pa.
Uminom na ako ng tubig at tumayo na ako agad,Kinuha ko na ang mga gamit ko sa school.
"Ma,Pa,alis na po ako malelate na po kasi ako" pagpapaalam ko sa kanila at humalik sa mga pisnge nila.
"Sige,mag iingat ka" pagpayo sakin ni mama,hays ang swerte ko talaga dahil sila yung naging mga magulang ko hindi tulad nung lalaking masama ang ugali siguro di siya nakikinig sa mga payo sa kanya ng mga magulang niya.
Teka,ba't ko ba siya naiisip eh hindi naman siya totoo sa panaginip lang yun naku hanggang ba naman dito sinusundan parin niya ako sa isip ko.
Pumara na ako ng tricycle at sumakay na,medyo malapit lang kasi samin yung school kaya pwede lang e tricycle hindi naman kami mayaman para mag taxi eh ang lapit-lapit lang ng school kung hindi lang ako malelate edi sana maglalakad na lang ako.
Panira kasi yung panaginip na yun eh tsaka yung lalaking nasa panaginip ko,masama na nga panaginip ko malelate pa ako sa school.
Nagbayad na ako kay manong driver at tsaka bumaba ng tricycle,binilisan ko ang paglalakad ko para naman hindi ako malate kahit papano.
Hindi ko pa naman alam kung saang class ako papasok.
Pagpasok ko sa school ay napamangha ako ang ganda naman pala ng school na to,transferee lang kasi ako dito sa malaking school na to pero syempre may kasama ako yung bestfriend ko si Yiesha Savedra,scholar kasi kami kaya kami nakapasok sa mamahaling school na to.

YOU ARE READING
BLACK
Teen FictionSila yung kinakatakutan sa buong campus at pati na din sa labas,marinig lang ang pangalan nila ay kinakatakutan na. They don't follow outhers rules 'cause, they had their own rules that once you break it,ready to forget your name on this planet ear...