•NLP SIDE STORY AND INTRODUCTION OF THE CHARACTERS•
"Nang dahil sa payong...nakilala ko siya." -Brittany Fianmatta
•••
FEATURING:
•Brittany Fianmatta
•Zaphkiel Asto
•Chance Phantomhive~
Oras ng klase namin ngayon pero hindi ako nakikinig. Lutang kasi ang isip ko. Kung saan saan pumupunta. At saka ang boring ng teacher namin. Subukan niyo magsumbong, basag 'yang mukha niyo.
Hayssss. Nagugutom na ako. Tutal naman medyo malaki ang ibinigay na pera ni Mama eh, makikipagdate ako sa pagkain ngayoooooon! Hahahahaha.
"Ms. Fianmatta!"
Haysss. Saan kaya pwede kumain? Gutom na kasi ako! Kung bakit ba naman kasi ang tagal mag-uwian na kung tutuusin ay malapit na mag-uwian. Magulo ba? Problema mo 'yan! Joke. Pagka------
"MS. FIANMATTA!"
"AY PAYONG KA! Ma'am naman eh! 'Wag ka naman pong manggulat!"
"Hindi ka na naman nakikinig! Hindi porque biniyayaan ka ng sobrang katalinuhan ay lulutang lutang na lang yang isip mo sa kung saan saan!"
"Sorry na po Ma'am!"
At nakinig na ako. Period hahahahaha.
At heto na nga po ang pinakahihintay hintay ko sa lahat. Ang bell! Hudyat ito na uwian na!
"Okay, class dismiss."
Napasigaw ako ng 'yes' sa aking isipan.
"Bye Brittany! Una na ako." Sabi ng isa kong kaklase, si Chance.
"Sige Bye." At kinawayan ko siya.
Pagkalabas ko ng building namin ay sobrang init, grabe! Hindi ko pa naman kayang maglakad sa initan! Baka isang step ko lang ay himatayin na agad ako. Haysssss. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang payong pero wala akong nakapa! Kinalikot ko na lahat lahat sa loob ng bag ko pero wala talaga. Bakit ko pa kasi naiwan!? Paano na 'yan!?
At ang walang hiyang tao ay binunggo ako! Kaasar! Kitang nasa gilid na nga 'yung tao eh bubungguin pa! Buti sana kung nasa gitna ako! Pero hindi pa rin!
Narinig ko rin na may parang nalaglag. Pero hindi naman nalaglag 'yung gamit ko...pagkatingin ko ay payong...tinignan ko 'yung likod no'ng bumunggo sa akin. So, sa kanya 'yon? Paano ko nalaman? Eh siya lang naman yung medyo malapit sa akin eh, kaya I assume na sa kanya 'yon. Pero...PAYONG!? SALAMAT! Hulog siya ng langit! Pero paano siya? Baka magkakuto iyon? Ahahahahaha. Kuto talaga.
Umuwi na ako. Siguro bukas ko na lang ibabalik sa kanya iyon. Alam ko naman na 'yung likod niya eh. Hahahahaha.
Nitong mga nagdaang araw ay hindi ko pa rin nasasauli 'yung payong. Hindi ko rin naman nakikita 'yung likuran niya. Hahahahahahaha. Loko. Pero laking pasalamat ko talaga sa kanya. Hihihi.
Uwian na. Hindi gaanong maaraw pero hindi rin gaanong makulimlim, katamtaman lang.
Nakaready na ako lahat lahat. Kaso kapag minamalas malas ka nga naman, biglang bumuhos yung ulan! Kaasar! Isang step na lang palabas. Hahahahaha. Ganito na lang ba palagi 'yung scene? Hahahahaha. Asar.
Gumilid muna ako, saka binuksan ang bag at hinanap ang payong na pinahiram-kuno sa akin. At heto na naman tayo. BAKIT BA ANG MALAS MALAS KO!? At dahil friday naman ngayon ay susugod na lang ako sa ulan. Tatakbo na sana ako kaso may humigit sa braso ko at inabot sa akin ang payong...na naman. Pero bago ko pa makita ang pagmumukha niya ay nawala na lamang siya ng parang bula. Paano nangyari iyon!? Nagteleport ba siya!? Ang galing! Pero parang pinipigilan ng tadhana na makita ko man lang ang mukha niya. Bakit kaya?
Dalawang payong na ang nasa sa akin. Wala naman sigurong problema sa akin ang payong ko 'no? Pero kasi bakit ganun!? 'Pag dala ko ang payong ko, maayos naman ang panahon. Pero pag hindi ko naman nadala, sobrang maaraw at umuulan. Hindi siguro kami bati ni payong. Hays.
"Brittany, lutang ka na naman. Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Chance.
"Ah...oo naman! Hahahaha. May naiisip lang." Sagot ko.
"Akala ko naman kung ano na. Basta kapag may problema ka, sabihin mo sa akin ah? Hahahahaha." Pagmamalasakit niya.
"Sige."
Mabuti naman at hindi maaraw o umuulan paglabas ko ng building ng 3rd year.
Malapit na ako sa gate, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaasar! Unlucky yata talaga apelyido ko eh! Hays. Bahala na nga. Tutal basa na rin naman ako eh.
"Hahahahaha. Mukha na akong basang sisiw." Sabi ko sa sarili ko.
Maya-maya ay hindi ko na nararamdaman yung ulan. Manhid na ba ako? Hindi din naman tumitigil yung ulan. Tumingala ako, payong. Lumingon ako sa likuran ko, at sa wakas! Nakita ko na rin ang kanyang mukha!
"Nananadya ka ba, Brittany?"
Namula naman ang aking mukha. Siguro dahil gwapo siya? Pero wait, did he just say my name?
"Hey, how did you know my name?" Tanong ko sa kanya.
"Heh. It's none of your business." Sabi niya. Aba yabang nito ah. Minus pogi points!
"Che! Bahala ka nga diyan!" Lumakad ako palayo sa kanya. Pero hindi pa ako gaano nakakalayo eh bumalik ako sa kanya at hinablot 'yung payong. Hahahahaha. Loko rin eh no.
Bigla niya akong binack-hug! At ang onee-chan niyo ay nagulat at namula ang mukha! Hahahahaha. Napatigil ako ng dahil do'n.
"Ilang payong na ang nasa sa'yo, Brittany?" Tanong niya.
"T-Tatlo." Nauutal kong sabi. Yabai. Pulang pula na mukha ko ngayon. Bakit ba naman kasi nangyayakap itong gwapong estranghero na ito eh.
"And that means 'I Love You'."
"H-Huh!? P-Pinagsasasabi mo!?" Nauutal kong tanong!
"Mahal kita, matagal na."
"H-Huh?" Aish, Brittany! Bakit ka nauutal!?
"Ang sabi ko mahal kita, Brittany." Tapos hinalikan niya ako sa pisngi.
WAAAAAAH! YUNG MUKHA KO PULANG PULA NA! KAASAR!
"Your face is red, Brittany. Hahahahaha. Damn, you're too cute. It makes me want to kiss you." Napasapo siya sa noo niya habang nakangiti. Susme. Ang pogi.
Napayuko naman ako kaagad ng dahil sa sinabi niya. Kaasar. Namumula na nga mukha ko, ang bilis pa ng tibok ng puso ko.
"By the way, my name is Zaphkiel, and from now on, you're my girlfriend." Sabi ni Zaphkiel.
"GIRLFRIEND!? ABA'T KAILAN KITA SINAGOT!?" Sigaw ko.
"Aba choosy ka pa! At saka kung liligawan kita, sasagutin mo rin naman ako eh. Hahahahaha. Kaya diniretso ko na. *wink*"
Namula na naman ang mukha ko. Kaasar.
Umuulan pa rin kaya nakapayong pa rin kaming dalawa.
"May dala ka mang payong o wala, nandito pa rin ako para bigyan ka ng payong o payungan ka. Mahal na mahal kita Brittany, matagal na." Pagkasabi niya niyan ay hinalikan niya ako sa labi, kasabay ng pagtila ng ulan.
•••
Ang korni ko. Hahahahaha 😂😂😂
Edited. Hahahaha.