•NLP SIDE STORY AND INTRODUCTION OF THE CHARACTERS•
"Hala! Nasaan na 'yung panyo ko?" -Chance Phantomhive
•••
FEATURING:
•Chance Phantomhive
•Chain Phantomhive
•Chase Phantomhive
•Brittany Fianmatta
•Zaphkiel Asto
•Luck Weinberg
•Rozen Eisenwald
•Joshuen Weissman~
Papasok na ako ng school, kasabay ko na si Kuya dahil lumipat na siya sa school na pinapasukan ko rin. Sobrang saya ko nga no'ng nalamang babalik ulit sa school na ito si Kuya. Hahahahahaha.
By the way, I'm Chance Phantomhive, the unica hija of our family. Hehehehehe. Tatlo kasi kaming magkakapatid, Si Kuya Chain, 'yung panganay kong kapatid, 'yung lumipat na ulit dito. Si Kuya Chase, 'yung pangalawa sa magkakapatid, At ako naman ang bunso. Getsu?
"Nandito na tayo sa tapat ng classroom mo, Chance."
"Ay kabayo ka!" Gulat na sabi ko.
"Kailan pa ako naging kabayo, aber? Sa gwapo kong ito?" YABANG! Pero gwapo naman talaga si Kuya Chain, pati na rin si Kuya Chase! HAHAHAHAHAHA.
"Sobrang yabang mo daw kasi kaya napagkamalan kang kabayo." Bored na sagot ni Kuya Chase.
"Tsk. Whatever. At least gwapo. Dami ko kayang fans do'n sa Rosenthal. Hahahahahaha." Sabi ni Kuya Chain pero 'di kalaunan ay lumungkot ang mukha niya.
"Kuya Chain, may problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Naalala ko lang 'yung taong gusto ko. Sige na pumasok ka na, ikaw din Chase." At sinunod ko naman siya.
Pagkapasok ko, wala pa naman 'yung guro. Hahahahaha.
"Good Morning!" Bati ko sa mga nandito na sa classroom.
"Good Morning." Bati sa akin ng mga kaklase ko.
At nagtungo na ako sa upuan ko.
"Good Morning Chance!" Bati sa akin ni Brittany, kaibigan ko.
"Good Morning din Brittany!" Masayang bati ko sa kanya.
"Balita ko nagbalik na dito si Chain? KYAAAAAAH!" At ang babaita tumili pa.
"Hoy! May syota ka na, nagagawa mo pang tumili diyan! Isumbong kita kay Zaph eh!" Banta ko sa kanya.
"Ehhhh. Ang gwapo kasi ni Chain!" Aba naman! Namula pa ang mukha! Hays.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko at inubos ang kanina ko pang kinakain na chocolate at uminom na ng tubig. Pinunasan ko rin ang bibig ko gamit ang panyo ko.
"Hay naku! Ilang truck ba ng panyo ang mayroon sa bahay niyo at paiba-iba ka?" Naiiritang tanong niya. Eh paano ba naman kasi hindi maipinta ang mukha niya. Hahahaha. Takang taka.
"Brittany, alam mo namang mahilig ako sa panyo diba? Ahahahaha."
"Oo na, oo na."
~
Pagkabell na pagkabell ay agad na kaming lumabas ni Brittany ng room. Syempre isasabay din namin 'yung syota niya. Hahahaha. Para ngang hadlang pa ako sa kanilang dalawa eh.
Pagkalabas ni Zaph ay agad niyang niyakap si Brittany ang kiniss siya sa cheeks.
"Oh myghawd my eyes!" Sabi ko habang tumatawa at tinakpan ang aking mata.
"A-Ay!" At ang babaita ay nagblush na naman!
"Oh. Hi Chance! Maghanap ka na rin kasi ng boyfriend mo." Natatawang sabi ni Zaph.