How Far I'll Go

17 4 1
                                    

This is a story of a dying girl and a lonely boy.

My name is Amaris Maeve Almine...

And this is my story.

~

Napahawak ako sa dibdib ko. Ito na naman siya. Hindi ko na kaya, nahihirapan na ako.

"Amaris! Allen, isugod na natin sa ospital si Amaris!" Natatarantang sigaw ni Mama habang inaalalayan ako. Pumunta agad si Papa at agad naman nila akong isinugod sa ospital.

Sa sobrang pagod ay kusa ng sumuko ang katawan ko. Paggising na paggising ko e bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Uh, wala ako sa kwarto ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Err. Nasa ospital pala ako?

Hmm.

Nanuod na lang ako ng TV. Napagod pa ako kahit kaunti lang ang naging kilos ko, hirap pa rin kasi huminga. Pero mas maayos naman ngayon kaysa no'ng nakaraan.

Biglang bumukas ang pinto at pagkakita nila sa akin ay agad silang pumasok at nilapitan ako.

"Amaris? Are you okay? What happened ba anak?" Nagpapanic na tanong ni Mama sa akin at marahang hinawakan ang mukha ko. Nginitian ko naman siya.

"I'm okay, Ma. Nahirapan lang akong huminga but I'm okay na talaga. You don't need to worry about me." Nakangiti kong saad sa kanila. Nabaling naman ang tingin ko kay Papa dahil pagiging tahimik niya.

"Since when, Amaris?" Seryosong tanong ni Papa kaya nabaling ulit ang tingin ko sa kanya.

"N-Nito lang po, Papa." Ani ko sabay yuko.

"Just rest again, Amaris. You'll be fine, okay?" Malumanay na sabi ni Mama kaya tumango ako at sinunod ang sinabi niya.

Nagising ako dahil sa ang ingay ng paligid ko pero agad ko ring pinikit ang mga mata ko dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi ko mapigilang hindi makinig.

Nila Mama, Papa at ng kung sino mang doktor.

"I'm sorry Mr. and Mrs. Almine but hindi na siya magtatagal pa. May taning na ang buhay niya. Mga isang taon na lang siguro ang itatagal niya or maybe ilang months na lang."

"A-Ano ho? B-Bakit naman po? Ano po bang meron, Doc?"

"Based sa results na nakita namin, bumalik at lalong lumala ang lung disease niya. Lumawak ang sakop nito at hindi na maaagapan pa. Siguro ay hindi na nakayanan pa ni Ms. Almine ang nararamdaman niya kaya niyo lang siya naisugod sa ospital."

"No...hindi pwede. Akala ko naman e tuluyan na siyang gumaling dati."

"Allen." Narinig ko ang mahinang iyak ni Mama. Naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng luha na kumawala sa mata ko.

Okay, tanggap ko na. Hindi na ako magtatagal sa mundong ito.

Kaunti na lang ang oras na natitira sa akin.

Siguro, kailangan ko ng sulitin ang natitirang oras ko.

At kapag nangyari iyon, wala akong pagsisisi at tatanggapin ko ito ng buong-buo.

Pero nagbago ang lahat ng dahil sa isang pagkakamali.

Nasa ospital pa rin ako at tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng dalhin ako rito.

"Amaris, uuwi muna kami. Don't worry, babalik rin naman kami kaagad. May hindi lang talaga magandang nangyari sa kompanya. Okay? Kung may kailangan ka, pindutin mo lang ang button na 'yan at may mag-aassist sa'yo na nurse." Wika ni Papa at umalis na silang dalawa ni Mama.

The StorytellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon