Unreachable Star

9 2 0
                                    

Unreachable Star

At first, I thought it was just an infatuation. Pero habang tumatagal, lalong lumalalim. Napapasabi na lang ako minsan ng, ‘Ah, naloko na. Iba na ‘tong nararamdaman ko.’

Pilit kong nilalabanan dahil alam kong hindi kami pareho ng nararamdaman. Though, I’m more than happy. Kasi malapit ako sa kanya. Pero mas masakit pala na kahit malapit ka sa kanya ay sa iba niya pa rin tinutuon ang pansin niya. Kailanman ay hindi niya ako nakita.

He’s so close to me but I can’t reach him.

He’s my best friend and he’s my unreachable star.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nag-aalaga ng mga bata. The truth is, pamangkin ko sila. Anak sila ng sumunod sa akin. Ako kasi ang panganay sa apat na magkakapatid.

“Ate Ganda, maywoon pong tumatawag sa’yo pow.” Natawa ako nang lumapit ito sa akin at inabot ang cellphone ko. Dahil sa gigil ay marahan kong pinisil ang pisngi niya.

“You should call me Tita, baby Jeth. Alam kong mukha pang bata si Tita pero dapat ay Tita talaga ang itawag niyo sa akin.” Bilin ko sa kanila. Nang dahil naman sa ginawa ko ay naiiyak siyang lumingon sa kapatid niya.

“Sakit pisngwi kow, Tet.” Bigla namang tumayo si Seth at pinandilatan ako ng mata.

“Yawi ka kay ‘Pa. Kukuwot mo pisngwi Jet.” Ani nito saka tumakbo palabas ng kwarto ko.

“Dahan-dahan sa pagtakbo, Seth!” Napahagikhik ako dahil kahit na galit siya dahil sa ginawa ko kay Jeth ay ang cute niya pa rin.

Sinagot ko ang tawag at ni-loudspeak ito.

“Yes, Rhal? Napatawag ka?”

“He’s getting married, Pim.” Natigilan ako dahil sa narinig. Nakita ko rin na natigilan ang kapatid ko na nasa may pinto na pala at buhat-buhat si Seth. Agad na lumapit si Jeth sa kanya para magpabuhat din.

“Is... that so? That’s good.” Ang tanging nasabi ko. Napabuntong-hininga naman ang katawagan ko.

“And I know you’re not.” Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi niya. Ang akala niya siguro ay nagtatampo na ako dahil hindi man lang sa akin sinabi ni Vhal.

“Ano ka ba naman, Rhal. Bakit naman hindi? Ikakasal na kaya ang kaibigan natin. Dapat maging masaya tayo. Para saan pa’t naging kaibigan niya tayo kung hindi tayo masaya sa isang magandang balita. Naku po, Rhal.” At napatawa ako. Pero ilang sandali lang ay tuluyan nang kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Kailan ka uuwi, Pim? I miss you. Miss ka na rin ni Kuya Dhal. And I’m sure, matutuwa si Vhal kapag umattend ka ng kasal niya.” Pero nadudurog naman ang puso ko... ang gusto kong sabihin pero hindi ko itinuloy. Madadagdagan lang ang sugat sa puso ko.

“A-Ah, ano kasi, Rhal, walang magbabantay sa chikiting ni Jath. Pakisabi na lang kay Vhal na baka hindi ako makaattend.” Hilaw akong napatawa. Duh, obvious na obvious ako na ayaw kong pumunta. You’re so lame, Pim. Can’t think of something more convincing excuses? I mentally sighed.

“Baka naman, Pim. Ilang taon ka ng hindi umuuwi rito sa Pilipinas. Ito na nga’t may dahilan ka na para makauwi dahil kasal ni Vhal.” Alam kong sa mga sandaling ito ay naiirita na si Rhal. Wala e, maiksi ang pasensya ng mokong. Pero ‘yon na nga, hindi ko magawang umuwi kasi nga ikakasal na siya. It’s too much for my weak heart.

He’s too much for my heart.

“Pim naman.”

“Huwag na mairita, Rhal. Babush na!” At walang sabi-sabing pinutol ko ang tawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The StorytellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon