❝ Pagod❞
Pag gising sa umaga
Sigaw niyo na ang naka abang.
Paglabas ng kwarto
Puro galit ang naka-kasalubong.Ginawa ang lahat ng makakaya
Ngunit bakit ni isa'y wala pa ring tama?
Walang patutunguhan
Kagustuhan kong mapasaya kayo.Hindi niyo ba alam?
Sa bawat luhang pumapatak sa aking mga mata
Sigaw niyo ang aking naa-alala.Hindi niyo ba alam?
Isa lang naman akong taong naghahangad ng pagmamahal ng isang magulang
Na kahit kailan hindi niyo naipadama.
Bagkus ay palaging tinatratong basahan na tila bang walang pake sa kanilang anak.Sa bawat pag pasok ko sa eskwela at pagkuha ng matataas na marka hangad kong sana, kahit konti man lang maging isa na akong perpektong anak sa inyong paningin.
Hindi ba dapat kayo ang uma-alalay sa akin?
Ngunit imbes ako ay inyong alalayan,
tila ba mas hinihila niyo pababa?Hindi pa ba sapat?
Kailan pa ba ako magiging karapat-dapat?
Kailan pa ba ako magiging ka kwenta-kwenta?
Kalingang aking hangad
Ngunit hindi mapagbigyan.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts and Poems
RandomThis book contains a random thoughts of the author. It also consist of poems