❝ Walang Kwenta ❞
Ginawa ko naman lahat pero bakit?
Bakit kailan hindi man lang nila makita ang mga bagay na ginagawa ko mapasaya lang sila?Bakit sa kabila ng lahat ng tama, puro kamalian Ko ang pinupuna nila?
Ilang beses kong ipinapa intindi
Tao lang ako, nagkakamali rin.Sa bawat pagkukumpara
Mata ko'y lumuluha.
Sa bawat " walang kwenta"
Tenga ko'y sinasara.
Sa bawat galit,
Puso ko'y naghihinagpis.Pero hindi ko alintana iyon.
Babangon ako.
Ipalakita sa inyo na ang walang kwentang ito,
Sa paglipas ng panahon ay magiging ginto.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts and Poems
RandomThis book contains a random thoughts of the author. It also consist of poems