Natatandaan ko pa noong bata pa ako wala kaming kuryente dahil malayo ang bahay namin sa mga kapitbahay hindi gaya ngayon na halos magkadikit na ang mga bahay. Nakatira kami sa probinsya may medyo malaki kaming lupa na galing pa sa ninuno ng papa ko.
Ang sarap balikan ng nakaraan noong wala pang mga gadget yong naglalaro kayo ng tagu-taguan, at mga larong pambata na hindi ko na matandaan .
Mga gawain namin noon maligo ng ulan , umakyat sa puno , maligo sa ilog kasama ang pamilya. Pero bakit ngayon hindi ko na magawa ang mga magagandang kahapon .
Malapit pa kami ng ate noon . Tatlo palang kaming magkakapatid noon . Lima kami lahat sa pamilya wala noon si bunso . Bonding namin noon weekend kasama ang buong pamilya maligo at maglaba sa ilog. Maaga palang gising na kami para maghanda ng baon. Namimiss ko na si mama, papa at ate . Na miss ko na ang dati naming bahay ang mga pinsan ko sa father side. Magkatabi kami ng ate ko matulog .
Sinusulat ko ang mga alaalang ito habang sobrang lakas na man ng ulan . Naala ko pa noon ginuguhitan ako ni ate ng larawan at tapos ginagawan niya to ng istorya gaya ng mermaid at umuulan din noon. Kaya lang malapit ko ng makalimutan ang istorya sa likod ng guhit na yon ang naalala ko lang ay may isa daw prinsesang sirena . Pati yong babae na may dalang basket at naglayas raw sabi ni ate dahil ayaw na daw nito sa pamilya niya.
Nakikinuod lang din kami ng tv noon sa malayong kapitbahay kaya kapag gabi na kami uuwi mahirap maglakad dahil baka makaapak ka ng ahas sa daan dahil walang ilaw. Mas gusto ko pa nga na walang ilaw yong tanging lamparilya lang ang meron at di bateryang radyo. Nakikinig nga ako noon ng love story sa radyo. Bata palang ako noon mga 6 to 7 years old. Masaya ang pamilya ko noon at ako wala pang iniindang problima kundi ang maglaro.
Alam ko malapit ng mabura sa alaala ko ang nakaraan kaya siguro sinusulat ko ito ngayon.
Lahat ba ng pamilya sa simula lang nagiging masaya at sa huli magdudusa? na iinggit ako sa ibang pamilya na masaya .
At habang lumalaki ako nagiging empyerno rin ang buhay ko . Namatay ang papa ko ng maaga at dahil wala pa akong alam sa buhay at hindi ko pa naiintindihan ang lahat. Nagpalipat - lipat kami ng tirahan. Hanggang sa napunta kami sa pamilya ng mama ko .
Dahil sa haba ng istorya ng buhay ko papaikliin ko nalang ito . Alam mo ba yong feeling na parang lahat na yata ng kamalasan ay na punta sa iyo? . Andami kong sakripisyong ginawa inalagaan ko ang mga kapatid ko habang ang panganay namin nag-aaral sa kolehiyo . Labing isang taong gulang ako noon ng ako ang tumayong magalang sa mga kapatid ko. Ang mama buti nalang hindi siya nag-asawa ulit. Nasa maynila ang mama nagtatrabaho para sa pantustos namin sa araw-araw. Minsan lang kami nakakakain ng masarap. Minsan lang din bumisita ang ate at kapag umuuwi naman ito laging galit sa akin . Lagi nila akong pinagtutulungan pati ng mga pinsan .
Halos wala akong kakampi at ang tangi ko nalang magawa ay umiyak sa isang sulok .
Pati mga kapitbahay namin laging sinasabe tamad daw ako . Ang dumi daw ng bahay namin hindi man lang daw ako naglilinis , pero totoo ang lahat ng yon. Sino ba naman kasi ang matututo kung hindi tinuturaan . Pasaway daw kami sabi ng lolo dahil nakatira kami sa kanila naiinggit sa amin ang mga tiyahin at tiyohin namin. Hindi daw kami nakikinig yan ang palagi nilang sumbong kay mama. Hanggang sa bundok na tumira si lola at lolo kaya naiwan kami sa bahay.
Kapag bumababa sila galing bundok lagi rin akong napapagalitan . Sobrang dumi ng bahay , kalat dito , kalat doon . Habang lumalaki ako tinatandaan ko lahat ng mga sinasabi nila hanggang sa natuto ako.
Lumaki ako na laging nasa bahay halos hindi na ko pumapasok sa shool . Laging nakasara ang mga bintana at pinto . Mas lalong napalayo ang loob ng ate ko sa akin. Kaya kapag kinakausap ako ni ate , nauutal ako.
Kapag umuuwi na man ang ate tapos mainit ang ulo ako nalang lagi nagpapakababa . Isang araw nag-away kami sa hindi ko maalalang dahilan .
Hanggang sa tinanong ko siya " ate bakit ka palaging galit sa akin kapag umuuwi ka dito, ako lagi ang inaaway mo " iyak ako ng iyak ng sabihin niya ...
" SIMULA PAGKABATA AYOKO NA TALAGA SAIYO NAIINTINDIHAN MO!!" Galit nitong sigaw .
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa dahil mahal ko ang ate ko . Siya ang nag-iisa kong ate. Binaba ko na naman ang pride ko para magkabati kami pero imbis na magkabati kami lalo lamang siyang nagagalit sa akin. Laging siya ang kinakampihan ng mga kapatid ko . Lagi nila akong pinagtutulungan hindi man pisikal pero emosyonal .
Pero ang hindi nila alam na bawat salita na sinasabi nila malaking bagay para sa akin . Madali lang akong masaktan .
Hanggang sa isinumpa ko ng ilang ulit ang diyos .
" WALA KANG KWENTANG PANGINOON HINDI MO PINAKIKINGGAN ANG MGA DASAL KO. "
"BAKIT MO AKO BINIGYAN NG GANITONG PAMILYA ."
" PARE-PAREHO KAYO MGA WALANG KWENTA "
Ilang beses ko na rin sinumpa ang pamilya ko.
"MAMATAY NA SANA KAYO" Pero sa puso ko takot ako na mawala sila.
Alam niyo yong pakiramdam na ginawa kanang alipin sa bahay . Tinuring ka nilang alipin imbis na kapatid . Lagi nilang sinasabi na ampon ako . Sinong hindi masasaktan kung araw-araw yon ang ipinakikita nila sa akin.
Mga walang hiya pinagsilbihan ko sila tapos ito ang igaganti nila .
"ANDITO NA PALA SI YAYA "
"YAYA LABHAN MO TO"
" YAYA MAGSAING KANA "
Hanggang magtawanan sila , ganito nalang ba araw-araw? .
Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa sa buhay nag-aral ako ng mabuti . Hindi ako nagboyfriend dahil yon ang sabi ng mama.
Para akong robot na bawat galaw naka program para lagi ko silang sinusunod ng walang reklamo.
Hanggang sa isang araw-araw sumasakit na ang ulo ko dahil narin siguro sa madaming iinisip sa school at bahay.
Kahit ayoko ng ingay wala akong magawa dahil hindi rin naman ako maiintidihan ng mga putang ina kong mga kaklase. Hanggang sa narealize ko isang araw pare-pareho lang silang lahat. Wala akong mga kaibigan sa school nasa sulok lang ako at nakikinig sa mga ingay nila. Nakakarindi na masakit sa tainga ko parang may bagay na nasira sa loob ng tainga ko.
Isang araw humina bigla pandinog ko. Naging maiinitin narin ang ulo ko. Para na akong baliw lagi na rin akong sumisigaw nagtatapon ng mga bagay . Bawat bagay na nasisira ko sinusumbong nila ako kay mama kaya ayon napapagalitan.
Yong mama ko lagi rin mainit ang ulo sa akin kapag nakikita niya ako lagi siyang galit. Parang ako lagi ang sinisisi. Sa tuwing uuwi siya galing Manila para magbakasyon parang ayaw niya akong makita.
Hanggang nakapagtapos ang ate ko sa kolehiyo hindi parin kami nagkakabati.
Lage rin akong hinahalintulad ng mama kay ate dapat gayahin ko siya kesyo ganyan . Hindi na muna nagtrabaho ang ate . Nasa bahay lang ito at walang ginagawa kundi magselpon maghapon nakahiga , nanunuod ng t.v.. Samantalang ako galing school pagkauwi sa bahay ako lagi ang gumagawa ng gawaing bahay. Wala silang ginagawa kundi ang kumain lang ng mga pinaghirapan ko.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Kahapon
Mystery / ThrillerAng galit ng tao kapag sumabog, boom magtago ka nalang dahil panigurado itoy walang pasidlan . May tanong ako sayo: Alam mo ba kung gaano kasarap ang pumatay ng tao? Nakapatay ka na ba ng tao? Kapag nakapatay ka hindi ka makakaramdam ng pagsisi k...