Hindi ako nawalan ng pag-asa sa buhay dahil alam ko isang araw makakaganti rin ako hindi sa pamamagitan ng dahas . Alam ko isang araw magiging mayaman rin ako at ipapakita ko sa kanila na kayo ko na wala sila .
Habang lumalaki ako lumalaki rin ang pagkamuhi ko sa mga tao. Nakakaramdam ako ng sobrang galit sa mundo at natatakot ako hindi para sa sarili kundi para sa mga taong may kagagawan sa pagkabuhay ng isang demonyo . Demonya na gawa rin mismo ng pamilya ko.
Unti-unti ng nawawala ang dating ako ang dating bata na naka ngiti at nakikipaglaro sa ate ko. Ang dating batang masayahin at maunawain .
Mga alaala ng isang masayang pamilya malapit ng mabura sa isip ko .........
Ilang beses ko na rin pinatay sa isip ko ang ate ko ...lumalaki na ang galit ko sa kanya.
Hindi ako palakaibigan ayaw ko rin makipag-usap sa mga nakakatanda . Hindi ako yong klase ng estudyante na nakikipagclose sa guro para magkaroon ng malaking marka. Ayaw sa akin ng mga teacher dahil hindi ako ngumingiti sa kanila at kapag kinakausap nila ako laging seryuso ang mukha ko.
Habang nagdadalaga ako lagi nilang sinasabi na maganda daw ako. Lagi din nilang tinatanong bat lagi akong nakasimangot. Marami ding nagsasabi na baguhin ko daw ang ganitong expression sa mukha dahil nagmumukha daw akong walang modo.
Palagi ko rin sinasabi sa sarili ko bat ako magbabago kung lumaki akong sinanay ang sarili ko na hindi ngumingiti kahit kanino.
Maraming nanliligaw sa akin pero di ko sila pinapansin . May nabasa ako na isang article about sa manlilgaw na ginahasa ang niligawan at pinatay nito ang nililigawan pagkatapos pagsamantalahan. Nagalit umano ito ng hindi sinagot ng babae. Pagkatapos nitong gahasain , pinatay at itinapon sa lamang ang katawan nito sa gitna ng kalsada. Tsaka ayaw rin ni mama na nagboboyfriend ako habang nag-aaral.
Minsan nga naiisip ko ansarap siguro pumatay gaya ng napapanuod ko sa T.V..
----------------------------------------------------------------------Maganda nga ako pero unti-unti ng hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Nagiging makakalimutin na ko hindi ko na rin matandaan ang mga lecture ng teacher kahit kasasabi lang nito . Lumiliit na rin ang mga grades ko .
Noong grade 7 ako muntik na akong tumigil sa pag-aaral nagalit ang mama ko noon . Lagi ko rin naririg mula sa mga chismosa naming kapitbahay na baka daw maaga akong mag-aasawa . Dahil sa mga sinabi nila nagkaroon ako ng dahilan para mag-aral ng mabuti upang patunayan na mali ang iniisip nila!!.
Malapit na akong makapagtapos isang semister nalang sa senior high at magiging college na ako.
Pero naging malupit sa akin ang kalangitan, nawala bigla ang mga pangarap ko at isang iglap bumagsak ako.
Isang araw pinatawag ako ng terror teacher namin sa math. Matanda na ang prof at may dalawang anak na ito ngunit wala na itong asawa dahil sa kadahilanang namatay ito sa breast cancer. 69 na taong gulang na si sir at medyo kulubot na ang mukha nito dahil siguro sobrang stress nito sa buhay medyo panot na rin ito.
Isang araw banalita nito kung sino ang bumagsak sa math subject niya at isa na ako roon parang mas lalo akong pinagsukluban ng langit at lupa sa nalaman . May mga what if sa isip ko....
What if hindi ako makakagraduate ..?
What if ipagtabuyan na na man ako ng pamilya ko at papaano na ang mga pangarap ko?. Kailangan kong gumawa ng paraan para makapasa ako at makatungtung sa stage kahit hindi na honor .Pumunta ako sa office ni sir kakatok na sana ako ng bigla itong bumukas iniluwa nito ang isang magandang dalagita, magulo ang buhok nito pero hindi ko nalang pinansin . Sa isip ko ng mga oras na yon siguro nabagsak din ito. Ka batchmate ko ang magandang babae na iyon atsaka leader ng band sa school .
At sa totoo lang marami naring gustong kumuha sa akin para maging band majorette dahil maganda ang katawan ko, dahil narin siguro sa madaming trabaho sa bahay kaya medyo gumanda ang katawan dahil nagmistula ko na rin itong exercise . Alam ko rin na magagalit na naman ang ate sa akin kapag sumali ako dahil kesyo walang pera.
May mahaba akong buhok hanggang pwet, maputi , matangkad at maganda yan ang lagi nilang idinidescribe sa akin kaso nga lang daw hindi ako ngumingiti pakialam ko sa kanila.
Kumatok muna ako baga pumasok.
" Ikaw pala iha halika maupo ka" medyo makalat ang office ni sir at mukhang pawis na pawis ito. Pero wala akong pakialam sa paligid ko ang mahalaga ay kung ano ang gagawin ko sa grades kong 65 .
Binuksan ni sir ang laptop niya at kinulikot niya ito. Tahimik lang ako sa tabi at iniisip kung anong gagawin o project ang isasubmit para lang makapasa.
"Tsk tsk malabong makapasa ka iha tignan mo nga ang mga grades mo 77, 75, 65... lalo na kapag hindi mo na ito mababago hindi mo makukuha ang gusto mong kurso sa kolehiyo...alam mo na man iha na isang grading period nalang at kapag babagsak ka pa hindi ka makakagraduate naiintindihan mo!!" Binagsak nito ang kamay sa lamesa at galit ito ganyan siya ka terror sa mga estudyante kaya marami ang takot dito.
"Alam mo maganda ka pero ang bobo mo ... walang recitation maliit ang score sa written works... ano bang problema nyo ha!! Nagsasayang lang pala ako ng laway kakaturo sa inyo tapos ganito ......." . Pero wala akong pake sa mga sinasabi nito dahil ang mahalaga sa kin kung paano ito masesettle. At alam ng lahat na hindi ito basta basta nagpapasettle ng grades kaya takot ang mga estudyante na maencounter ito..
" Alam mo naman siguro na hindi ako nagpapasettle iha " tanong nito
" yes sir" sagot ko
"Let me think kung ano ang maari mong gawin " nag-iisip ito maya maya tumingin sa akin.
" are you free this weekend ??"
"Yes sir " ano naman kaya ipapagawa nito.
"Good sabado ng umaga pumunta ka sa bahay naiintindihan mo? "
" ano naman ang gagawin ko sir?" Medyo kinakabahan kong tanong....pero wala naman akong na balitaan na ng mamanyak si sir ng estudyante tsaka hindi ito mukhang bastos sobrang strict nito sa lahat walang pinipili bobo man o matalino.
" marunong ka na man sigurong maglinis ng bahay at maglaba? Wala kasi si lorita yong katulong namin dahil nagkasakit daw ang anak at puro kami lalaki sa bahay . Ang mga anak ko hindi marunong sa gawaing bahay at ako marami akong gagawin na school works . Wag kang mag-alala lahat ng grades mo itataas ko"
" sige ho sir "
" makakaalis kana" . Umalis na ako sa harap nito mabuti na rin yon atleast makakagraduate ako at mababago ko ang buhay ko kapag nakapagtapos ako. Atsaka sa sabado lang hindi kasama ang linggo kaya makakapaglaba pa ako sa bahay sa araw ng linggo.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Kahapon
Misterio / SuspensoAng galit ng tao kapag sumabog, boom magtago ka nalang dahil panigurado itoy walang pasidlan . May tanong ako sayo: Alam mo ba kung gaano kasarap ang pumatay ng tao? Nakapatay ka na ba ng tao? Kapag nakapatay ka hindi ka makakaramdam ng pagsisi k...