I'm here at the bar kasama ang magkapatid na sina Tristan and Troy. It's already past 11:30 yet nandito parin ako sat umiinom.
"Cade, we'll go ahead... Masyado ng maraming nainom si Tristan eh" ani Troy na pilit na ginigising ang tulog at lasing na lasing niyang kapatid.
Tsk. Napailing nalang ako at natawa sa aking isipan. Kapag talaga inuman laging unang lasing.
"Sure, no problem... Ingat nalang sa pag-uwi" wala pa akong balak umuwi. Inakay na niya ang kanyang kapatid at umalis na.
Now, I'm here alone. Sa dami ko ng nainom na alak ay parang hindi ito tumatalab sakin dahil sa sobrang pagkainis ko ngayong araw.
First... Dahil kay Marielle na pinaghintay ako ng matagal ay nabigyan pa tuloy ng dumi ang damit ko.Kaninang nagkita kami sa campus ay sinabi ko sa kanya na break na kami. I don't love her. Kaya ko lang naman siya pinatulan ay dahil tinulungan niya akong magpalusot sa professor ko na sobrang terror. Ang guest what? Nakatanggap lang naman ako ng limang sampal mula sa kanya kanina... Yes, hindi ako pumapatol sa babae pero kapag dinumihan o sinaktan nila ang kahit anong parte ng katawan ko ay ibang usapan na iyon.
Naalala ko tuloy ang babaeng yun! Winter Rio Garcia... What a nice name. Ng kaninang nasa parking lot kami ay nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. She looks like an angel and her lips is slightly pinkish and it seems that it's natural.
Oh God! What's happening to me? Bakit ko pinagpapantasyahan ang mukha niya? Pinilig ko nalang ang ulo ko dahil sa kung ano- anong pumapasok sa isip ko. Mukhang ngayon pa lang tumatalab ang dami ng alak na nainom ko.
But wait... I remembered something.. She'll be my slave from now on.. Shit! Sinabi ko rin sa kanya na maghintay siya sa parking lot after class! Nandoon pa kaya siya? Naghihintay pa kaya siya? But when I look at my watch it's already 11:45 and it's late... Baka umuwi na yon. It's impossible that she's still waiting there. I just sighed from the thoughts that comes from my mind.
I decide na umuwi nalang at matulog. I'm tired... Buti nalang at Sabado bukas. I'll visit Lola.. I miss her already.
***
Nagising ako ng tumambad sa akin ang sikat ng araw.. Shit! Ang bilis naman umaga na agad. Medyo masakit ang ulo ko pagkabangon pero pinilit ko pa rin tumayo. Pumunta ako sa banyo para maghilamos.
Pagkatapos kong maghilamos ay tinignan ko ang oras and it's 6:30 in the morning at napagdesisyunan ko kumang magjogging na muna sa para pagpawisan.
Halos isang oras na akong nagjojogging so I decided to take a rest. Umupo muna ako sa isang bench at uminom ng tubig. Habang umiinom ako ay may isang babaeng umupo sa tabi ko at nagsintas.
She looks familiar pero dahil nakayuko siya ay hindi ko makita ang mukha niya. Pagkatapos niyang magsintas ay umayos siya ng upo at uminom rin ng tubig.
She's here!
"Hey" panimula ko. Bumaling siya sakin at nagulat siya ng makita ako. At dahil sa gulat ay napaubo tuloy siya.
Tsk hahaha.
"H-hey.. Nandito ka pala" aniya.
"Yeah.. Nagjojogging ka pala?" tanong ko.
Ngumiti naman siya bago sumagot "Yes, every Saturdays or Sundays ay nagjojogging ako.. I need also to relax kahit sa pagjojogging lang. Ikaw?"
So cute.
"Ngayon lang... Wala na kasing time minsan eh" pero biglang pumasok sa isip ko ang tungkol kagabi
"Ahh sabagay.. Dami na kasing ginagawa sa school eh"
"Yeah..uhmm by the way may tanong ako"
"What is it?"
"Uhmm.. Did you wait yesterday after class?" tanong ko
Napatigil siya ng kaunting bago nagsalita.
"Uhh.. Yes sabi mo kasi hintayin kita sa parking lot after class pero pagkapunta ko doon wala na yung kotse mo. But still I waited pero mga bandang 8:30 I decided na umuwi na kasi gabi na tsaka wala ng tao sa campus.. Tsaka nagtext na din kasi si mama worried na siya kase akala niya kung saan na ako nagpunta" sabi niya
At dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko. I don't know why pero parang ang sama ko. Nag-alala pa tuloy ang mama niya ng dahil sa paghihintay niya sakin. Pati sa kanya dahil ilang oras din siyang naghintay doon. Tiniis niya ang gutom at kahit na pagod ay naghintay pa rin siya sa wala.
"Sorry" tanging nasabi ko lang. Hindi ko alam pero kusa nalang lumabas sa bibig ko ang salitang iyan
"Huh?" bakas sa mukha niya ang pagtataka "Bakit ka nagsosorry?"
"I don't know but still I'm sorry. I know it was my fault kasi nakalimutan ko. Hindi ko naman sinasadya ang paghintayin ka ng matagal kahapon. And even your mom got worried"
"Wow! Is it true? You're a play boy right? At sa pagkakaalam ko hindi uso ang sorry sayo"
"Yes, I'm a play boy pero may konsensya din ako... Hindi naman kasi ibig sabihin na play boy ay wala ng puso"
"Hahaha wala naman akong sinasabing wala kang puso" tawa niya
"Alam mo kahapon takot na takot ka sa akin pero now, look na kukuha mo ng tumawa"
"Bakit? Masama ba?" tanong niya
"Tsk.. Whatever" kainis.
"Tara"
"Anong tara? Saan pupunta? Bakit pati ako isasama mo?" takang tanong niya
"Excuse me... Nakakalimutan mo yata Ms. Garcia na alalay kita"
"Ohhh! I forgot.. Oo nga pala. Saan tayo pupunta Mr. Gonzales?" pormal na tanong niya
"Babawi ako"
"Manlilibre ka? Saan?" masayang tanong niya. Tsk parang bata.
"Basta" sabi ko at naglakad na papunta sa apartment ko.
Isasama ko siya sa pagbisita kay Lola and I'll treat her at the mall para makabawi sa kasalanan ko.