Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain.
Busy sa pagkain si Winter habang ako naman ay busy sa panonood sa kanya. Nakakatawa lang kasi siyang panoorin kumain... Ang takaw pa naman akala mo mauubusan ng pagkain. Samantalang kanina may alam lang pahiya hiya. Tsk mga babae nga naman oh.
"Ang takaw mo naman" pagbibiro ko
"Bakit? Ang sharap kaya kumain"
"Oo na bilisan mo na diyan" sabi ko at hinintay siyang matapos.
Pagkatapos kumain ay pumunta muna kami sa isang boutique at bumili ng mga damit at dahil ako ang naglibre ay ako ang nagbayad.
Halos maghapon ay palibot libot lang kami sa mall. Kumakain kapag nagugutom at nagpapahinga kapag napapagod.
Nag-aya siya na sumakay ng rides at gusto niyang sumakay ng Ferris wheel. Hindi na ako nakakibo dahil hinila na niya ako sa sobrang excitement.
Umupo na ako at ang gaya- gaya ay umupo rin sa tabi ko.
"Hey! Doon ka nga umupo" pagtataboy ko sa kanya
"Ayoko! Gusto ko dito eh" sabi niya at sumiksik pa sa akin.
Tsk!
Pinabayaan ko nalang siya dahil mapilit siya.
"Hayy grabe! Kapagod pero enjoy" at humikab siya.
Hindi ko siya pinansin at tinignan ko nalang ang kabuuan ng mall mula sa baba.
"Ang bait ng Lola mo Cade. Ang swerte mo" nagulat ako sa sinabi niya
"Yeah..magsimula ng mamatay sila mama siya na ang nag-alaga sa akin. Pinalaki niya ako although kahit na may mga Tito and Tita naman ako"
"Bakit wala na ang mga parents mo?" bakas sa tono niya ang curiosity.
"Three year old palang ako nung namatay sila dahil nagcrash ang eroplanong sinakyan nila. Papunta silang Singapore non para sa business.
Ilang days nilang hinanap yung mga bangkay nila buti nalang nahanap pa nila. Nakakalungkot lang hindi man nila ako nakitang lumaki. I miss them so much. Namimiss ko na ang aruga at pagmamahal nila. I miss them on how they take care about me..on how they love me as their son. Hindi man lang nila ako makitang makagraduate. Hindi na nila makikita ang magiging future ko. Ang babaeng mamahalin ko at makakasama ko habang buhay. But I know na andyan sila sa tabi ko. Inaalalayan at binabantayan. I know they are happy" pinunasan ko ang mga luha ko sa mata."Shhh... Tahan na... Kahit na wala na sila marami pa naman magmamahal sayo.. Especially your Lola and me... Nandito ako " pinunasan niya ang mga luha na lumalandas sa aking pisngi.
"Thank you" tanging nasabi ko nalang.
"Shhh.. Tama na" at yinakap niya ako
Sandali akong natigilan sa ginawa niya pero natauhan din ako at ako na agad na kumalas sa yakap.
"Tama na..pumapangit ka lalo eh" biro niya.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Tara na" aya niya sa akin at nilahad niya ang kamay niya sakin.
Hindi kona namalayan na nakahinto na pala. Tinanggap ko nalang ang kamay niya at hinawakan yon ng mahigpit.
Kahit papaano ay nakaramdam ako ng saya at ginhawa sa kanya.
Dumiretso na kami sa parking lot at nagdrive pauwi.
Tinignan ko ang oras and it's 10:00 in the evening.
Grabe hindi na namin namalayan na oras na pala. Pero kahit ganon ay masaya ako dahil nakasama at nakabawi ako sa kanya. Masaya din ako dahil nakita ko sa mga mata at ngiti niya na nagenjoy siya.
Bandang 10:50 ng nakauwi na kami sa bahay ng aking Lola. Tinignan ko si Winter na mahimbing ng natutulog dahil na rin sa pagod. Tinignan ko ang kabuuan ng mukha niya ang no offense maganda talaga siya. Maputi,makinis at nakakaattract ang labi niya. I want to kiss her badly pero wala akong karapatan.
Tinapik ko ang pisngi niya para magising siya.
"Hey" gising ko sa kanya pero hindi pa rin siya nagigising
"Winter, we're here. Wake up"
Nagising siya at kinusot ang mata niya bago tumingin sa paligid.
"Are we home?" tanong niya at bumaling sa akin.
"Yeah.. Kay Lola nalang muna tayo matulog for now. Bukas nalang tayo uuwi. Late na rin kasi" sabi ko.
"Nakakahiya kay Lola mo Cade.. I'll just take a taxi nalang"sabi niya at akmang aalis na siya nang hinigit ko ang braso niya at napasubsob naman ang likod niya sa akin.
"Huwag na matigas ang ulo. Ngayon lang naman" sabi ko
"Cade lumayo ka nga!" at pilit siyang kumakawala
"Not until you say yes"
"Oo na! Bitiwan mo na ako! Manyak!" hinampas niya ako ng malakas sa baraso ng pinakawalan ko siya.
"Good. And for your information hindi ako manyak hmm? At may usapan pa tayo. Your my slave for 3 days. Bumawi lang ako sayo kanina remember?" ngising tanong ko.
"Whatever Mr. Play boy!" aniya at padabog na sinara ang pinto nang lumabas siya.
Tsk haha
Pumasok na kami at nadatnan si Lola na gising pa at nakikipagkwentuhan kay Manang Fely.
"La bakit gising pa kayo?" takang tanong ko
"Hindi kasi ako makatulog eh.. Saan ba kayo galing at ginabi kayo?"
"Nagmall lang kami ni Winter" sabi ko at tinignan si Winter sa likuran ko.
"Manang pakilinis nga yung guest room sa 2nd floor katabi nung akin. Salamat"
"Sige po" aniya at umalis
"Winter diyan ka na muna. Maliligo lang ako saglit. Lola ikaw na muna bahala kay Winter maliligo lang ako saglit" sabi ko bago umalis at pumunta sa kwarto para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay bababa na sana ako ng maabutan ko si Winter na papasok na sa kwarto.
"Matutulog ka na?" tanong ko
"Yes, inaantok na rin ako eh" halata nga sa mukha niya ang pagod.
"Uhm..may isusuot ka na ba?"
"Yeah..pinahiram na ako ni Manang" sabi niya
"Uhm..sge"
Akmang isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko siya.
"Winter" tawag ko sa kanya
"Hmm?"
"Goodnight" sabi ko at ngumiti sa kanya
"Good night" sabi niya bago sinara ang pinto.
Bumalik nalang ako sa kwarto at humiga sa kama ng may ngiti sa labi.
Hayyyy....