KABANATA 3

18 15 0
                                    

Papunta na kami ngayon sa bahay ng aking Lola para bisitahin siya. Kasama ko si Winter ngayon at nalaman ko kanina na tumutuloy din siya sa isang apartment malapit sa akin. So meaning malapit lang ang bahay namin sa isa't isa.

"Saan ba tayo pupunta kasi Cade?" woah! first time kong narinig na tawagin niya akong Cade. It's sounds cool.

"Basta" kanina pa kasi niya ako kinukulit kung saan kami pupunta.

Ilang minuto ang lumipas ay nanahimik din siya. Tsk mananahimik din pala.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Nang malapit na kami sa bahay ni Lola ay tinignan ko si Winter sa gilid ko. Nakita kong nakatulog siya sa biyahe.

Tinapik ko ng kaunti ang pisngi niya.

"Hey, Winter wake up..malapit na tayo"

Nagising naman siya at bahagyang nag-unat..

"Hmmm"

Inilibot niya ang paningin niya at pagkatapos ay bumaling sa akin ng may pagtataka sa mukha niya

"Nasaan tayo?" kunot noo niyang tanong sakin.

"Well, pupunta tayo sa bahay ng Lola ko... I'll visit her today and after that I'll going to treat you" may ngiting sabi ko

"Bahay ng Lola mo? S-seryoso ka?" gulat na tanong niya.

Nagawa naman ako sa ekspresyon ng mukha niya.. So cute

"Do you think I'm joking?" Hindi siya makapagsalita

Ng makarating kami ay pinarada ko nalang ang sasakyan sa labas ng gate.

"Tara na baka naghihintay na siya sa loob" lumabas na ako ng kotse at iniwan siya

"Teka! Maghintay ka nga!" naiinis siyang sumunod sa akin.

"Grabe! Ang laki ng bahay ng Lola mo" bakas sa tono niya ang pagkahanga.

Hindi ko nalang siya kinausap hanggang makatating kami sa loob at naabutan si Lola na nakaupo sa sala at nagbabasa.

Nakuha ko ang atensyon niya kaya lumapit siya akin.

"Hay naku! Akala ko hindi ka na bibisita" sabay yakap niya sakin.

Niyakap ko rin siya babalik "Pwede ba naman yon Lola?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka! Kumain ka na ba?" tanong niya sakin.

"Not yet La.."

"Xavier, bakit hindi mo sinabi na may kasama ka palang magandang babae?" tanong sa akin ni Lola.

"Ahh... Lola classmate ko siya sa school... Siya po si Winter" muntik ko na palang makalimutan na may kasama ako.

"Hello po... Ako nga po pala si Winter Rio Garcia.. Winter for short po" pakilala niya sabay mano kay Lola.

Napatigil ako sa paglalakad at tinignan sina Lola.

"Kay gandang bata. Liniligawan ka ba ng apo ko kaya ka niya dinala dito?" tanong ni Lola.

Nagulat ako sa tanong ni Lola. Ano daw? Liniligawan? Yang babaeng yan?

"Ahh..ehh.. Classmate lang ho niya ako"

"Lola! Kasasabi ko palang kanina na classmate ko lang siya" singit ko sa usapan nila.

Kahit kailan talaga si Lola.

"Ahh ganun ba? Ehh kasi naninibago lang ako kase dati wala ka man dinadalang babae dito ni isa kapag dumadalaw ka eh"

"Ahh..ehh pasensya na po" paumanhin ni Winter

"Pero alam niyo..bagay kayo" may makahulugang ngiti si Lola ng tinignan niya ako

"Po?"

"La!"

Halos sabay pa kami ni Winter dahil sa sinabi ni Lola. Grabe! Kami? Bagay kami? Sorry siya pero hindi siya ang tipo kong babae.

"O sige na kain kana Xavier.. Ikaw din hija kain ka na baka gutom ka na rin. Pupunta lang muna ako sa garden. Iwan ko muna kayo"

Ngayon, kami nalang dalawa ang natira dito. Pumunta nalang ako sa kusina para kumain.

Umupo na ako at kumuha ng pagkain ng umupo rin ang kasama ko.

"Kain na" aya ko sa kanya

"Hindi na..ok lang ako"

"Tsk. Kakain ka o gusto mong subuan kita?" tanong ko sa kanya

Mukhang wala naman siyang nagawa kung hindi kumain nalang. Habang kumakain ay tinitignan ko siya at halata sa mukha niya ang hiya at ilang.

Kaya binilisan ko nalang ang pagkain ko para makakain siya ng maayos.

"Huy, teka saan ka pupunta?" tanong niya nang makitang tapos na akong kumain at tumayo.

"Pupunta lang ako sa kwarto ko. Kain ka lang diyan" sabi ko sa kanya bago siya iniwan at pumunta sa kwarto para maligo.

Kinuha ko muna ang tuwalya at pumasok sa banyo para maligo.

After 10 minutes ay lumabas na ako ng banyo at pumunta sa closet para kumuha ng damit ng maabutan ko ang isang babaeng nakaupo sa sofa at tumitingin sa mga magazines...

Teka..paanong nakapasok ang babaeng 'to dito?

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya

"Ahh kasi ang tagal mong bumaba kaya pinuntahan kita tapos nakita ko hindi nakasara yung pinto ng kwarto mo kaya pumasok na ako" sabi niya habang patuloy pa rin sa pagtingin sa magazine

"Labas ka na. Sa sala mo na ako hintayin magbibihis lang ako" sabi ko

"Ihhh kabwisit! Nakita mo ng---" napatigil siya sa pagsasalita at tinignan ko siya. Nahuli kong nakatingin siya sa topless kong katawan.

"What? Tapos mo na bang titigan?" biro kong tanong sa kanya.

"A-ahh sabi ko n-nga sa sala n-nalang ako" sabi niya sabay labas ng kwarto ko.

Tsk grabe.

Nagbihis na ako at lumabas.

"Manang, nasaan po si Lola?" tanong ko kay Manang Fely ng makita ko siya papuntang kusina.

"Ahh umalis lang po siya saglit. Sabi niya po kasi siya na lang muna ang mamamalengke ngayon"

"Ahh ganon ba.. Pakisabi aalis lang kami may pupuntahan lang"

"Sige po"

"Sige salamat" sabi ko at pinuntahan si Winter

"Tara na" aya ko at nauna ng lumabas

"Wait! What about me?" tanong niya

"Ano?" pabalik kong tanong sa kanya

"Aalis ako ng ganito ang suot ko? Nakapangjogging? Seriously?"

"Aish! Oo sa mall kana magpalit ng damit" sabi ko

"Ihhh! Nakakahiya ayoko!"

"Bahala ka diyan kung ayaw mo!" sabi ko bago ko siya iniwan at sumakay sa kotse

"Teka! Sasama na! Bwisit!"

Tsk. Sasama rin pala ang dami pang arte!

UNTIL I MET YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon