Maaga kaming pinauwi ngayon dahil sa masamang panahon. I checked my watched and it's already 2:37 in the afternoon. Pero parang maggagabi na dahil sa sobrang kulimlim at lakas ng ulan. Nandito ako ngayon sa waiting shed at naghihintay ng masasakyan. Medyo nilalamig na din ako dahil sa lakas ng ihip ng hangin at sa sobrang lakas ng ulan. Medyo bumabaha na din sa daan kaya wala ng gaanong dumadaan na sasakyan.
Naghintay pa ako ng masasakyan at ilang minuto lang ang nakakalipas ay may parating na sasakyan...
Tumigil ito sa harap ko at nakita kong ang hitsura niya.... Si Cade.
"Tara na" aniya. Pero wala akong balak na sumakay sa sasakyan niya kaya hindi ko nalang siya pinansin.
"Ano ba? Sasakay ka ba o gusto mong buhatin pa kita?" may pagkairita niyang tanong sakin.
Tsk. Ang bilis naman magmood swing.
"Alam mo mas gusto ko pang mabasa ng ulan kesa sumabay sa isang katulad mo. Chee!" sabi ko
"Tsk" tsaka niya pinaharurot ang kotse niya. Naghintay nalang ako dito pero lumipas ang sampung minuto at wala pa rin dumadaan na sasakyan at lalong lumakas ang ulan.
Basang basa na ako dahil kanina pa ako nababasa dito sa waiting shed.
Bigla namang may nagpakitang sasakyan sa harapan ko at kay Cade yon. Binuksan niya ang bintana ng kotse niya.
"Ano? Hihintayin mo na lumutang ka diyan sa tubig?" aniya.
Hindi nalang ako nagsalita dahil nanginginig na ako sa sobrang lamig.
"Sakay na kasi!" asik niya
Hindi na ako nakipagtalo at sumakay na sa loob.
Pinaandar na niya ang sasakyan at walang nagsalita sa amin ni isa. Pinatay ko rin ang aircon ng kotse niya.
"Wala ka bang payong?" tanong niya
"Obvious ba?" pamimilosopo ko
"Tsk. Kila Lola muna tayo tutuloy ngayon. Baha na sa daan pauwi sa apartment" aniya.
"Paano ako? Wala akong dalang damit" asik ko. Totoo naman kasi basang basa na ako tapos wala man akong dalang damit.
Bwisit!
"Si Lola na ang bahalang magpahiram sayo" sabi niya
"Ok" tanging nasabi ko at hindi nalang siya pinansin.
After 15 minutes ay nakarating na kami sa bahay. May nakaabang na mga guwardiya samin para salubungin kami.
Unang lumabas ang shokoy na kasama ko. Tsk! Hindi man lang marunong maghintay!
Padabog kong sinara ang pintuan ng kotse niya. Bahala siya kung masira! Bwisit siya!
Una na akong pumasok sa bahay nila at nilampasan siya. Pagkapasok ko ay nakita ko ang Lola niya na nasa sala at nanonood ng balita sa TV.
"Oh, Hija bat basang basa ka?" lumapit siya sakin at bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.
"Ah-eh nakalimutan ko po kasi yung payong ko" nahihiyang sabi ko
"O sige na umakyat kana. Padadala ko nalang sa maid yung damit mo" aniya
"Sige po. Salamat po. Akyat po muna ako" sabi ko bago umakyat at pumunta sa kwarto
Pupunta na sana ako ng kwarto ng may biglang kumatok sa pinto
"Ma'am ito na po yung damit niyo" sabi ng maid.
Binuksan ko ang pinto at kinuha ang damit.
"Salamat" sabi ko bago pumunta ng banyo at naligo
After half an hour ay natapos na akong naligo. Naisipan ko na bumaba para tignan kung anong ginagawa sa ibaba.