Chapter 10

94 6 2
                                    

"Miss Arnaiz! "

"Bakit po sir? "

"Turuan mo nang maayos si Ms. Blanco dahil kung hindi matatagalan bago kita ilipat sa MSD."

"Makakaasa po kayo, sir. Sige po at aalis na ako. "Tinalikuran n'ya si Drake pero nagsalita pa ito.

"Heto yung mga hawak na account ni Mrs. Santos. Pag aralan mo yang mabuti."Dagdag pa na wika ng binata.

"Sige po,sir. Thank you. Can I go na sir? "

"You can go now. At one more thing, bawal pag usapan ang personal or love life dito sa company at lalong lalo na dito sa office. "

"Alright po,sir. "Diniinan n'ya pa ang pagkakabigkas ng 'sir'.

Alam ko na bitter lang syang tao kaya ganito sya! Baka naman broken hearted sya! Oo malamang broken hearted! Basta ako matagal ng naka move on! Ah 2 years  na pala akong single. Masarap kayang maging single. Kelan ko na kaya makikita ang soulmate ko? Napangiti sya sa mga naisip nya.

"Baliw ka ba, Jhacent? "

"Ho? "Nagulat s'ya sa tanong ni Drake. Siguro nakita nito ang ngiti n'ya.

"Ngumingiti kang mag isa.Tinatawanan mo ba ako? "Nakakunot ang noo ni Drake. Salubong pa ang kilay! Ang kapal pa naman ng kilay nito!

"Hindi sir. Sige po balik na ako sa table."

Tinawag nya akong Jhacent! Haha! Anong nakain nya?

"Hi, Mam Claire. "At nagsimula na syang magturo dito.

"Mam Jhace, bakit kasi kayo lilipat pa sa MSD? Ok naman kayo dito saka gwapo pa si boss. "Kinikilig ito habang nagkukuwento. "Crush ko nga sya eh. May asawa na ba sya or girlfriend? "

"Psst ",warning nya dito. "Huwag kang masyadong maingay. Nakatingin sya sa atin. Wala pa syang asawa kaya pwede ka pa. Malay mo maging boyfriend mo sya. Kaya bilisan mong pumick up. "

"Oo naman, Mam Jhace".Maarte nitong sagot.

Madaling natuto si Claire,sa loob ng 4 days marami na itong nalaman.Nagpasalamat sya dahil makakalipat na sya ng MSD.

         This is it! Countdown na!

Natapos nya na rin ang pag review sa mga account dati ni Mrs. Santos.
Tungkol naman sa boss nilang si Drake medyo kalma na ito. Masyadong subsob sa trabaho. May sariling mundo! Wala naman itong comment sa mga report na ipinapasa ni Claire. Pinipirmahan nga kaagad. Halata naman kasing matalino si Claire.

"Congrats, Maam Claire. Tiyak ko nagustuhan ni boss ang performance mo. Keep it up! "
"Thank you, Mam Jhace. Ang galing mo kasing teacher. Utang na loob ko ito sayo, mam. "

"Naku parte yan ng trabaho ko, Mam Claire. "

Natigil sila sa pag uusap ng dumating na si Drake.

"Good morning, sir. "Sabay nilang bati.

"Good morning. "
Nagkatinginan silang dalawa. First time na binati sila ni Drake. Pinigilan nilang mag high five.

Naupo na si Drake sa paborito nitong swivel chair habang hawak-hawak ang batok. Maya maya ang noo at ulo naman ang hinawakan nito.

Napansin ito ni Jhacent pero hinayaan nya lang.

May hangover lang siguro!

"Miss Arnaiz, "tawag sa kanya ng binata.

"Yes, boss. "Agad syang lumapit kay Drake.

"Drive me home. "

"Boss? "

"Drive me home! "Matipid na wika nito.

Hinawakan nya ang noo nito. Ang init ni Drake. May lagnat ito!

"Nasa bulsa ng pantalon ko ang car key. "

Hindi na sya nag alangan na kunin ang susi sa bulsa nito.

"Mam Claire patulong naman. Alalayan natin si Boss. "

"Sige mam Jhace. "

MULING BUKSAN ANG PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon