I

11 3 0
                                    


March 20**.

We simply celebrated our first monthsary with Mary-Ann and Carla. Nakaupo sa riprap malapit sa may ilog. Nagkukwentuhan. Pinapanood ang paglubog ng araw.

You may think think na bakit walang celebration? We're both busy kahit magkaklase naman kami. Our Humanities Night or Literary and Musical Night is coming. We're practicing. I have no choice but to join the Choral Music. Kasi ibabagsak raw kami kung hindi kami sasali sa kahit isang item sa program. I'm also on the the designing team, sa props and all. While him, is on modern dance. Eeya is on almost all of the items. And I'm proud of her, kasi kaya naman nya lahat ng sinalihan nya from choral singing, interpretative dance and etc. And at the same time we are filming a 30 minute movie to comply. So we are basically super busy. Wala namang kaso yun sa amin e. Basta magkasama kami. Masaya na ako doon.

Dahil masyadong busy. Tuwing break time na lang kami nag-uusap. Or kung may time. Or after our duties and such. Kung malapit sa bahay ang shooting place namin, ihahatid nya ako sa may Tennis Court ng subdivision namin. Bawal sa bahay namin. Strict ang pamilya ko.

There was a time na pauwi kami. At sa way na 'yun walang masyadong dumadaan, pero high way pa rin siya. Maraming puno. Nagsisihulugan ang mga kulay dilaw na mga dahon. Feeling ko taglagas na. Autumn. Nauuna siyang maglakad habang nasa likod n'ya ang bag ko, dala na naman n'ya. Nasa likod lang ako. Medyo malayo na nga sa kanya. Tiningnan ko lang sya habang nakalahad ang kamay nya sa ere na wari mo'y sinasalo niya 'yung mga dahon. Nakita kong itiklop n'ya ang kamay n'ya habang nakangiti. Pinalipat niya ako.

"Akin na ang kamay mo." Nagtaka pa ako pero binigay ko rin ang kaliwa kong kamay. "Oh." Ipinatong n'ya sa nakalahad kong kamay ang nakatikom n'yang kamay. May bagay siyang nilagay. Tumalikod na s'ya at naglakad na ulit. Ngunit bago ko tingnan 'yung nasa kamay ko, nakita kong namumula ang tainga n'ya bago tumalikod at napakamot na naman sa kanyang batok. His mannerism when he's shy or so.

My cheeks lit up when I saw what he then put on my hand. It's a heart-shaped yellow leaf. Siguro ay ito 'yung nasalo niya noong ilahad nya ang kamay n'ya sa taas habang naglalaglagan ang mga dahon.

I think I'm blushing that time and smiling ear to ear. Too sweet. What have I done good to deserve this? I think I did something. And I thank God for these reward.

March 13, 20** - Friday.
*Literary and Musical Night.

Aside from being a participant of Choral Music and being on the designing team. I'm also an usher. I'm assigned to give this and that to the speakers, judges and hosts. So yeah. I need to be presentable. Hindi naman pwedeng mukha akong bagong gising na haharap sa mga 'yon. Kahit na pagod kami dahil nagre-run pa kami ng practice buong maghapon, kailangan fresh ang itsura namin.

Mamita and his outside friends are asigned on my make-up as well as on others. I wore a black semi-formal with long sleeves dress and a pair of black wedge. My hair are on flow.

Habang hinihintay ang call namin, inaayos ko yung mga gamit ko at gamit niya. Baka kasi kung saan mapapunta. Just then when I'm fixing his things. Nakalapag lang sa gilid yung damit n'ya. Kinuha ko ito para tiklupin para wag magdumi ay napangiti na lamang ako. Isa lamang itong white v-neck t-shirt. But what makes it special is that the prints are customised. The front design is our favourite guild in Animé. It's the Fairytail guild mark. And at the back was a chibi of Erza and Gelall (Jellal?). With a 'Mhie' and 'Dhie' enclosed on a dream cloud. So unique. And I love it. For first timers, it's such an amazing thing. By the way, we are each others first girlfriend/boyfriend. We're so new to these things and so naive.

Modern dance is next on the item for the LitMus. Abala kaming lahat. Kanya kanya ng ginagawa. Pero medyo nahihirapan siya na ayusin ang sarili nya. Kahit pagbihis, nagkakandamali-mali sya. Sinabihan ako ni Mamita na kung wala na akong gawa ay asikasuhin ko naman raw si Drew since he's my boyfriend. And I gladly helped naman.

When I Saw YouWhere stories live. Discover now