SAW

17 4 0
                                    


Naglakbay ang aking isip sa mga nakita ko at sa mga tanong na nasa isipan ko.


***

"Natitiis mo 'to Sophia? 'Yan?" Pabirong banat pero seryosong sambit ni Kuya Juggz. I just smiled at him.

"Wag kang makinig dyan, Mhie." At tinakpan nya ng kanyang mga kamay ang dalawang tainga ko habang tumawa.

***

"Let's make this work."

***

 "Gawa tayo ng rules ng relationship natin. Para di na maulit yung dati." Sabi nya. Napaisip ako don. Rules? I hate rules. I wanted to voice out. Pero dahil mahal ko, pumayag ako.

***

"Pssst. Mhie."

"Hmm?"

"Dito ka." He then hold my hand at hinila ako palayo sa kausap ko. Binitawan at pumasok na sa loob. Sina Kuya Clyde at Kuya Jerick. Trainors sila ng sayaw. Kilala ko sila dahil nakakatext ko sila. Nakilala ko sila dahil kay Eeya dahil kaibigan niya ang mga ito. Kuya Jerick is insisting na nanliligaw daw siya. That was before na maging kami ni Drew. Also for Kuya Clyde at but I declined. There are three pa pero hindi ko hinayaan kasi hindi ako ganoon kainteresado.

Nalibang ulit ako sa kakakausap sa kanila kaya lumabas na ulit s'ya na nakakunot ang noo.

"Pssst." Tiningnan ko lang sya. Nabaling na naman ang tingin ko sa kausap ko kasi matagal rin kaming 'di nagkausap-usap. "Mhie."

"Pssst."

"Tawag ka na. Haha." Saad ni kuya Clyde at itinuro si Drew na nakakunot ang noo at tinatawag ako.

"Sige na muna." Paalam ko sa dalawa.

"Boyfriend mo?" Pahabol ni Kuya Jerick.

"Opo." At umalis na ako at lumapit kay Drew. Hinawakan nya ang kamay ko at iginiya papunta sa ground floor.

Pero bago kami makababa nadaan pa namin sila Kuya Anton. "Ano yan Sophia, ha?" Tanong n'ya na medyo tumatawa. Nakita n'ya ang magkahawak naming kamay. "Sinabi na namin sa'yo ha, Sophia." Paalala niya. Nakita ko pa yung hawak nilang pitsel at ilang inumin. Mukhang oras na ng session nila.

'Alam ko po. Pero gusto ko pang makasama sya.' Sabi ko sa isip ko.

Nauna na siyang bumaba. Binitawan niya ang kamay ko. Nauna syang bumaba kasi may part doon sa hagdan na kailangan yumuko kung matangkad ka kasi sure na maaalog utak mo kung hindi. Inabangan nya ako sa part na yun ng hagdan. "Yuko." Sabi nya habang iniharang nya ang isang kamay nya sa taas para hindi ako mauntog at nakalahad naman ang isa para alalayan ako pababa.

Kinilig ako. He's too gentleman.

***

"Ako na. Ako nang gagawa. Magpalit ka na don, Mhie." Sabi nya habang nakakunot ang noo. Na naman.

Sabi nya yun habang nilalagyan ako ng kagrupo namin ng uling sa mukha para magmukha akong taong nangangalakal. Nakadalawang take pa lang kami non. Namamali kasi ako sa lines ko. At habang dinadagdagan 'yung uling sa katawan ko, sumingit siya na siya na lang daw ang gagawa.

Wala naman akong magawa. Pumayag naman 'yung iba. Pati na rin 'yung director namin. Narinig ko pang sumang-ayon sila gawa daw na ang linis ko pa ring tingnan kahit may mga uling na ako. Seryoso ba sila? Psh.

When I Saw YouWhere stories live. Discover now