Chapter 2

1.3K 42 1
                                    

Ruki's POV:)
Nanatili ako sa hospital para lang makita ko ulit siya. Nanghingi ako nang kwarto na pwede kong tulugan.
Lumabas naman ako nang hospital at naglakad lakad. Nakakita naman ako nang pwedeng bench na upuan. Dumiretso ako dun at umupo.

Nilabas ko naman yung phone at earphones ko mula sa bulsa ko. Agad naman akong nagpatugtog. Tinignan ko ang mga litrato namin na kinuha namin nung high school pa kami. Yung ibang mga pictures kasama pa namin si Ziah.

Nagulat naman ako nang may biglang nagtanggal nang earphones mula sa tenga ko. Napatingin ako sa taong umupo sa tabi ko at nakita si Ziah. Tinignan ko lang siya. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na buhay siya ngayon. Para lang akong nanaginip, hindi ko na palalagpasin to. Kailangan ko na siyang kausapin.

"Hi again, Ruki!" Bati sa akin ni Ziah na may kasamang maliit na ngiti

She still has the pale features siguro dahil may sakit siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi naman ganyan dati yung features niya, maybe she still isn't feeling well.

"Can I ask you my questions now?" Tanong ko

Tumingin siya sa akin saglit para basahin ang expression ko bago siya tumango. Huminga ako nang malalim, hindi ko pa pala nasasabi kayla Jin na buhay pa si Ziah but I think that they'll find out anyways.

For now I need to spend more time with Ziah. It's been 2 years since I last saw her. Her hair was a lot longer than before. It's quite different I know. Mukha din siyang pagod na pagod. Yung tipong hindi siya natulog. I'm not sure if she's struggling but she's still pretty for me.

"How are you alive?" Tanong ko

Nung nakita ko pa lang siya kahapon, gustong gusto ko nang itanong yun sa kanya but I still stayed silent. I was in shock yesterday pero ngayon buti na lang hindi na ako ganon. Kahit na hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na buhay siya.

"Someone saved me. I can't tell you who exactly. At least not now." Sagot ni Ziah

Tumingin siya sa kabilang direksyon at ngumiti. Sobrang close niya siguro yung taong nagligtas sa kanya dahil hindi naman siya ngingiti nang ganyan ngayon kung hindi ganon ka-importante yung taong yun.

"Why? Bakit ka bumitaw nung sinusubukan kitang iligtas?" Tanong ko

Alam kong sobrang tagal ko na dapat alam ang sagot dyan pero hindi ko pa rin talaga malaman laman kung bakit hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon yung sagot sa tanong na yan. I just don't get it. No matter how hard they explain, I can't seem to take it in.

"I saw you bleeding, Ruki. The last thing I would want to do is to hurt you like that. Nasasaktan ka nang dahil sa akin and I don't want that. Ayokong may ibang taong nasasaktan nang dahil sa akin. I will sacrifice myself for the safety of others. Masaya ako dahil ligtas ka. Masaya akong makita ka ulit." Sagot ni Ziah

I miss her. Hindi ko itatanggi yun dahil kahit na alam niyang kailangan niyang isakripisyo ang sarili niya para sa iba, ginawa niya pa rin. She knows the consequences but she still did it.

"Alam mo bang hinintay kita?" Tanong ko

Hindi ako sigurado kung buhay pa siya o hindi nung panahon na yun pero I just have this gut feeling na kailangan ko siyang hintayin. Hinintay ko siya nang ilang taon at hinihintay ko pa din siya hanggang ngayon.

"I know." Sagot ni Ziah

Magsasalita na sana ako nang may biglang tumunog na timer. Tumayo siya at ngumiti. Don't tell me she's leaving again? Kailangan ko pa nang mga sagot sa lahat nang katanungan ko.

"I need to go, Ruki. I'll see you when I see you. Thank you for waiting for me. Sisiguraduhin kong worth it ang paghihintay mo. I hope that you give me the time and the space that I need for now. Have a good day." Sabi ni Ziah at tuluyan nang umalis

Gusto ko man siyang yakapin pero wala e, mas gusto na lang nang mga paa ko na umupo na lang dito at panoorin siyang maglakad palayo sa akin. Hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko.

I'll be able to recover just for her. Mahirap man pero magagawa ko. Liligawan ko din siya pagkatapos nun. Yan ang mga bagay na hindi ko nagawa noon. I'll make sure na magagawa ko na yun ngayon. I'll never let her go this time.

Sana nga wala nang mangulo kapag naging masaya na kami sa isa't isa. Sinimulan ko nang igalaw yung wheel chair ko papasok nang hospital. Masaya na ako ngayon dahil kahit papaano nakausap at nakasama ko siya.

Nung nakapasok na ako nang kwarto ko, nagulat ako dahil nandoon si Jin, nakatayo sa may bintana. Shit. Nakita niya ba si Ziah? Don't tell me. Bigla namang tumingin sa akin si Jin dahil narinig niyang papalapit na ako sa kanya.

"Hoy, Ruki! Sino yung babaeng kasama mo kanina? Ikaw ah. Lumalove life ka na ah. Umaasenso! Nakita ko kayo kanina pero hindi na ako lumapit, baka kasi ginugulo ko kayong dalawa e. Haba nang hair nung babae ah." Sabi ni Jin

Napahinga naman ako nang malalim. Akala ko kung sino yung nakita niyang babae. Buhok lang pala yung nakita niya, may balak naman akong sabihin sa kanya na si Ziah yun e. Hindi lang ngayon. Hindi pa oras. Konti pa lang din kasi ang alam ko.

"Ah! Nakilala ko lang yung dito sa hospital. Oo nga e. Ang haba nang buhok niya, bagay nga sa kanya e." Sabi ko

"Pwede ko ba siyang makilala bukas?" Tanong ni Jin

No. Baka mabuking ako nito. Pati si Ziah mabubuking kapag pinakilala ko siya kay Jin. Change topic ko ba? Wala akong maisip na topic e. Ewan! Ayaw gumana nang utak ko ngayon.

"Hindi. Next time na lang pag gusto na kitang ipakilala." Sagot ko na may halong kaba

"Wow. Possesive siya oh! Next time dapat makilala ko na yan ah." Sabi ni Jin

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon