Ziah's POV:)
Kailangan ko nang bumalik kung saan muna ako nararapat. Bago ako pumunta dun, bibisitahin ko muna yung pinagta-trabahuhan ko dati. Akala talaga nang lahat patay na ako.Gabi ako pupunta para walang makakita sa akin. Wala naman sigurong pumupunta sa rooftop kung saan ako tumatambay dati. Lahat naman siguro sila nagta-trabaho nang ganong oras at hindi pwede ang mga pasyente sa rooftop.
Naalala ko si Killian. Akala niya din patay na ako. Hindi na siya isang intern ngayon dahil doctor na siya. It's been a long time since I last heard from him. May nagsabi lang sa akin na may nagsabi sa kanya na patay na ako. After that laging may nakakakita sa kanya na umaakyat sa rooftop. Nobody knows why and wala din namang gustong umalam kung bakit.
I'll find it out myself. Nakita ko din si Jin kanina. I acted like I don't know him. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Hindi niya pwedeng malaman na ako talaga yung nakita niya kanina pero knowing Jin, I know that he'll try to dig some information about me.
Tumigil ako sa paglalakad ko dahil narealize ko na nakarating na ako sa rooftop. Nakakamiss din pala pumunta dito no? Dito ko unang nakilala si Killian, umiiyak siya nung araw na yun. Hindi pa din alam kung ano yung rason niya kung bakit siya umiiyak nung araw na yun. I never knew because I never asked why.
"Z-Ziah?"
Nagulat naman ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Alam ko na si Killian yun. I wasn't supposed to get caught here. Yung taong nagsabi sa akin na palagi siyang pumunta dito ay tama nga. Hindi ko naman inexpect na ngayon siya pupunta. Mahuhuli niya ako. Matalino si Killian, alam kong lagi siyang makakahanap nang paraan.
Tumingin ako sa direksyon kung saan narinig ko ang boses niya. Agad ko namang nakita si Killian na may pagkagulat sa mukha niya. Hindi na siya mukhang mabait katulad nang dati kasi ngayon, mukha na siyang matured na lalaki.
"Buhay ka?" Tanong ni Killian
Obviously?
"It's nice to see you again, Killian." Sabi ko at binigyan ko siya nang isang maliit na ngiti
"How?" Tanong ni Killian
He's too curious now. Masyado na siyang kinain nang curiosity niya. Wala naman din akong magagawa kung hindi ang sagutin ang mga tanong niya. Alam kong hindi na ako makakatakas. Nakita niya na ako e. May magagawa pa ba ako?
"Someone saved me." Sagot ko
Wala siya nung panahon na dapat patay na ako. Hindi siya kasama sa gulo na yun, it's just me and the other members of Section F. Hindi dapat ako nagtatagal dito dahil baka makita ako ni Kuya Javier. He still works here as a director. After 2 years nagawa niya pa din maging stable.
"Who know that your alive?" Tanong ni Killian
He's really too curious. Hindi ko alam kung kailan siya nagbago pero hindi ako sanay sa Killian na kausap ko ngayon. Pag nagtatanong siya para bang alam na alam niya kung anong isasagot ko.
"Ruki and maybe Jin." Sagot ko
Bakit maybe Jin? Siguro dahil ine-expect ko na malalaman niya rin kaagad. Matalino si Jin at madali niyang malalaman ang mga bagay na gusto niyang malaman.
"You didn't even bother to tell your own brother. Ziah, alam moba na palagi siyang nagsu-suffer dahil palagi niyang iniisip na hindi ka niya naprotektahan. Isipin mo naman ang ibang tao, hindi lang yung nagtatago ka. Nasasaktan din kami. Nasaktan ako nung nalaman kong namatay ka, hindi kita nagawang protektahan at wala ako nung panahong kailangan mo ako pero ngayon buhay ka pa pala." Sabi ni Killian
I'm going to be selfish for once. Ginagawa ko to para sa sarili ko. Hindi pa ako handang bumalik. Babalik rin naman ako pag handa na ako e. Hindi lang ngayon, sana maintindihan niya yun.
Alam ko namang maraming nagsu-suffer dahil Akala nila namatay ako e pero nagsu-suffer din naman ako. Hindi naman nila kailangan sisihin ang mga sarili nila dahil sa pagkamatay ko. It's no one's fault.
"It's time for me to leave now. Thank you for giving me information, Killian. I'll see you again soon. Please don't tell Kuya. Mahal na mahal ko siya at ayokong nakikita siyang nasasaktan nang dahil sa akin pero hindi ko pa oras para bumalik. Babalik na ako pag pwede na. I'll explain everything to you guys. I hope that you will forgive me for making you suffer. I really didn't mean to." Sabi ko.
Nagsimula na akong maglakad. Tumingin ako ulit kay Killian bago ko siya nilagpasan. Naawa ako sa mga taong nagaakalang patay na ako. Ang unfair ko, alam ko yun pero kahit isang beses kailangan kong maging unfair. Tatlong tao na ang nakakaalam na buhay ako, gusto kong makausap si Kit. Baka sakaling matulungan niya ako.
Hindi ko alam kung alam niya ba na buhay ako pero sigurado naman akong hindi. May nagsabi sa akin na sobrang naapektuhan si Kit sa pagkamatay ko. He started drinking at hindi na din siya mapigilan ni Kylee.
Naawa ako kay Kylee. That's why I need to talk to Kit. Kailangan ko din nang tulong ni Kit dahil siya lang ang pinaka open-minded sa buong Section F. He could help me make a plan.
Kailangan kong gumawa nang plano kung paano ako magpapakita sa mga kapamilya ko at kaibigan ko. Sa ngayon kailangan ko munang magpagaling. Medyo may problema pa ang katawan ko.
Nabalian ako nang ilang buto noon dahil sa malakas na alon na tumama sa akin at tumama naman ako sa malaking bato. Napasukan din ang katawan ko nang madaming tubig. Isa nga daw himala na buhay pa ako. Buti na lang nailigtas niya ako sa tamang oras.
Ilang beses daw bumigay ang katawan ko noon pero nailigtas naman ako nung doctor. I'm not going to waste this second chance. Kailangan ko nang alagaan ang sarili ko nang maigi dahil hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sa katawan ko. Akala ko talaga mamamatay na ako noon pero nagising na lang ako sa isang ospital.
Nagpapasalamat talaga ako na tinupad niya ang pangako niya. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pasasalamatan. I knew that my thank you's isn't enough dahil nung panahon na niligtas niya ako, pwede din siyang mamatay.
He risked his life to save mine.
——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! send a follow request on my twitter account and send me a message: @/xrhkxThanks,
X
BINABASA MO ANG
In his arms (BOOK 3, COMPLETED)
Fiksi RemajaThings that you aren't expecting to happen, happened. With that shocked expression in his eyes, he couldn't believe what he was seeing is true.