Ziah's POV:)
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko nang mag back out. Papunta ako ngayon sa rooftop ng hospital kung saan kami magkikita ni Jin.
Nung nakarating na ako sa rooftop nang building, agad na bumukas ang elevator. Lumabas ako at nakita ko kaagad si Jin. Nakatayo siya sa may ledge at nakatingin siya sa langit.
Maganda naman yung view nila dito. Maganda din sigurong mag relax dito. Hindi ko pa kasi na try na mag relax dito e. Hindi din ako pumupunta dito masyado.
Tumabi naman ako kay Jin. Tumingin ako sa kanya pero nakasarado yung mga mata niya. He looks so peaceful. Sana ganyan din ang buhay ko. Hindi naman mangyayari yun dahil marami pa akong kailangan gawin. Siguro ma-achieve ko lang yung state na yan kung wala na akong masyadong iniisip.
"Jin." Mahinang tawag ko sa kanya
Binuksan niya ang mga mata niya at dahan dahan siyang tumingin sa akin. May bahid ng saya at lungkot ang kanyang mga mata. Naiiyak ako dahil sa wakas makakausap ko na ulit siya.
"Ziah, buhay ka." Sabi ni Jin
Akala ko magagalit siya sa akin pero nagulat ako dahil hindi siya nagalit. He can be mad over something like this pero hindi. Sobrang chill niya lang ngayon. Nagbago na siya.
"I'm sorry." Sabi ko
Tinignan niya ako nang may pagtataka. Bakit nga ba ako nagso-sorry? Hindi ko na kayang iwansan ang mga tao sa buhay ko. Naapektuhan din sila sa pagkawala ko.
"Why are you apologizing?" Tanong ni Jin
Natahimik ako. Bakit nga ba? Feeling ko lang kasi kailangan ko. Isa si Jin sa mga taong nadamay sa mga problema ko noon at hanggang ngayon pa din naman. Siguro kung hindi ako dumating sa buhay nila, hindi magiging ganito ang lahat. Siguro kung hindi ko sila pinakielaman noon, hindi magiging ganito. Masaya pa rin naman ako at nakilala ko sila.
Sila yung tipo nang mga tao na dapat mong i-keep sa buhay mo. Ma-effort sila and makikita mo kung gaano talaga nila pinahahalagahan ang mga tao sa buhay nila. Hindi man sila nagkasundo nung una pero hindi naman ako nagsisi nung nakilala ko sila.
"Hindi ko alam. Siguro dahil para akong isang pabigat sa inyo. Siguro dahil feeling ko hindi ko kayo deserve. I'm sorry for not being there. Hindi ko naipakita sa inyo kung gaano kayo kahalaga sa akin." Sabi ko
Tinignan ko siya at nakita ko naman na nakangiti siya. That's the smile that I haven't seen for a very long time. Hindi ko ine-expect na makikita ko ulit ang ngiti niya. Especially when I'm expecting him to get mad at me.
"I've waited. Akala ko hindi na sasabihin sa akin. Alam ko na alam ni Ruki na buhay ka. He doesn't want to tell me though. He's probably thinking about the consequences kapag sinabi niya sa akin. I still waited. You finally came. It's nice to have you back, Ziah. I want you to know that I'll be here for you kahit na we really don't know each other that much anymore. It's been years." Sabi ni Jin
Gusto kong umiyak ngayon pero hindi pwede kasi ayoko na magmukhang mahina sa harap niya. All these years I looked so pathetic. Kumapit ako sa kanila thinking that they could actually fight my problems with me. They could pero dapat matuto din akong lumaban magisa. Hindi lang dapat ako umasa sa ibang tao. Sumuko ako dati pero ngayon hindi ko na gagawin yun.
"I'm really sorry dahil hindi ko sinabi sayo nang maaga. Gusto ko man sabihin sayo nang mas maaga pero masyadong komplikado Jin. Si Ruki lang ang kilala kong safe na pagsabihan nung mga oras na yun." Sabi ko.
Sana maintindihan niya ako. Sa ngayon tatlong tao pa lang ang may alam na buhay ako. Si Damon, Ruki at Jin pa lang. Hindi ko kasi alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko ngayon e. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko si Kit pero hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya.
Hindi ko pa alam kung ligtas pa talaga kami. Sikat na kasi sila ngayon. Meron mga tao na gustong pumatay sa kanila. Hindi ko naman din pinangarap na maging sikat kaya mas gusto ko tago yung identity ko sa ibang tao.
Alam ng lahat nang tao na patay na ako. Nung event nila 2 years ago, they released that. I asked them to do that favor for me. Sinunod naman nila at ngayon akala ng mga tao, patay na ako. Nagiingat lang ako kasi baka may mangyaring hindi maganda. Ayoko naman ding bigla bigla na lang sumulpot sa buhay nila.
"It doesn't really matter. What matters right now is that nandito ka na ngayon. Buhay ka pa. You're still breathing kahit na matagal kang nawala. Tatanggapin ka pa din namin, Ziah. Kahit anong mangyari. Tanggap ka pa din namin." Sabi ni Jin
Nakikita ko yung kasiyahan niya sa mga mata niya. Sana kapag nakita ko si Kit, ganyan din ang magiging reaksyon niya. Feeling ko kasi yung iba sa kanila kamumuhian ako e. Ayoko namang mangyari yun.
"Nasaktan pa din kita. Inisip ko lang ang sarili ko nung panahon na yun. Hindi ko manlang kayo inisip. Narealize ko lang yun ngayon at kailangan ko yung sabihin sayo dahil isa ka sa mga taong nandyan para sa akin nung wala talaga akong masasandalan." Sabi ko
Alam kong nasasaktan si Jin noon nang dahil sa akin at alam ko na nasasaktan din siya ngayon dahol sa mga ginagawa ko. Sa totoo lang hindi ko na alam kung paano ko pa siya ike-keep sa buhay ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla akong niyakap ni Jin.
"Ayos lang ang lahat, Ziah. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa yun. Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag." Sabi ni Jin
——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! if you have any ideas you may message me on Twitter: @/xrhkx or message me here on Wattpad.
thanks,
X
BINABASA MO ANG
In his arms (BOOK 3, COMPLETED)
Fiksi RemajaThings that you aren't expecting to happen, happened. With that shocked expression in his eyes, he couldn't believe what he was seeing is true.
