Chapter 17

959 36 1
                                    

Kit's POV:)
Tinext ako ni Ziah, sinabi niya sa akin na success daw ang pagkikita nila ni Javier. Finally a good impression.

I was actually kind of expecting it kahit hindi naman talaga siya yung typical na date na sine-set up ko sa kanya.

It's 11:30 sa phone ko and kailangan kong itext si Zander for confirmation kung pupunta ba siya sa coffee shop mamayang 12. Kasi kung hindi papauwiin ko na si Ziah.

Zander
Kit [ Gusto ko lang itanong sayo kung pupunta ka ba mamaya? ]

Zander [ Do I have a choice? ]

Kit [ Whatever. Kung gusto mo siyang hanapin mamaya, she'll be sitting near the window. She's wearing black cap and mask. ]

Zander [ Why would somebody working in the business industry wear a black cap and mask? Unless artista siya. You know that I'm not interested in meeting people like that. ]

Kit [ It's her style. Don't question me. Hindi siya artista. Remember, you have to be there by 12. ]

Zander [ Whatever. What's her name? ]

Kit [ Tanungin mo na lang siya kung kaibigan ko siya. If she says yes then she's the person who you will talk to. ]
Seen

Para kaming tanga mag chat dalawa. May saltik din kasi minsan to sa ulo si Zander e. Hindi ko alam kung okay lang ba kaming dalawa sa isa't isa or hindi pero naguusap kami.

Ziah
Kit [ Sabi niya sa akin, pupunta daw siya mamaya. ]

Ziah [ Okay. I can wait. ]

Kit [ Alam mo nagtanong pa siya sa akin kung bakit ka daw naka black cap tsaka mask kung nagta-trabaho ka sa business industry. Nakakairita siya ah. ]

Ziah [ Minsan kasi mga artista lang yung mga nag ga-ganito. He doesn't like them remember? ]

Kit [ Right. ]
Seen

Ziah's POV:)
Nakalipas na ang ilang oras nang paghihintay ko na mag 12. Medyo kabado ako pero alam ko namang magagawa ko to.

Sinarado ko saglit ang mga mata ko bago ako huminga ng malalim. Nung narinig kong tumunog yung bell na nakasabit ng pinto ng coffee shop, binuksan ko na ang mga mata ko.

Napatingin naman ako sa gawi nun at nakita ko si Kuya Zander. He was wearing his usual bored expression. He was in his suit, naisip ko lang na sobrang gwapo pala ni Kuya Zander kapag naka suit.

Nilibot niya ang mga mata niya sa coffee shop bago niya ako nakita. Agad naman siyang lumapit sa akin at naupo sa harap ko.

"Are you Kit's friend?" Tanong ni Kuya Zander

Tumango lang ako bilang tugon.

"Could you please remove your cap and mask. It's quite inappropriate for our first meeting." Sabi ni Kuya Zander

He sounds so professional right now. Para siyang tatay. Na sobrahan naman yata to sa pagiging mature niya e.

Dahan dahan ko naman yung cap ko at mask. Bigla namang nanlaki ang mga mata niya. Bigla din siyang namutla, para bang nakakita siya nang multo.

"Kuya." Bati ko sa kanya

Napahilamos siya sa mukha niya.

"H-How?" Tanong ni Kuya Zander

Binigyan ko naman siya nang ngiti.

"I was in a coma for 2 years, Kuya. Damon saved me. He took care of me while I was asleep. Now, here I am. I woke up from my deep slumber." Sagot ko

It must have been really hard for him.

"Do you know how much I resented myself because I couldn't protect you that time. Bilang Kuya mo na lang, hindi ko pa nagawa. I regret it. I regret watching you fall to your death. I blamed myself and the people around me for what happened." Sabi ni Kuya Zander

I feel bad for him. He really deserves to know the truth. Hindi ko lang napaalam sa kanya agad na buhay ako kasi nung una, hindi ko din alam kung anong gagawin ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit kay Kuya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko siya ine-expect na yumakap pabalik pero niyakap niya din ako.

"You don't have to blame yourself for what happened, Kuya. Wala ka namang kasalanan e. You have to regret anything. I'm back and I'm never going to leave again. I'll always be here. Please. Wala naman sa inyo ang may kasalanan ng lahat e. I knew how bad you wanted to protect me but I hope you know that it was bound to happen. I wasn't able to protect myself so I wasn't expecting you to protect me." Sabi ko.

I was trying to comfort him pero kahit ako naiiyak sa mga nangyayari.

"I'm still sorry. We gave up. We didn't look for you anymore." Sabi ni Kuya Zander

Napangiti lang ako.

"You didn't give up because no matter what, I know that you guys will not give up on me. You didn't forget me. It was enough. I'm happy." Sabi ko

Tinignan niya ako ng may mga luha sa kanyang mata. I've never seen him so fragile. I guess I broke him.

"I'm sorry, Kuya. For breaking your heart." Sabi ko

Nginitian niya lang ako bago niya ginulo yung buhok ko.

"It's fine. As long as it's you." Sabi ni Kuya Zander

Kahit na ako yung kapatid niya, hindi niya dapat hinahayaan masaktan ang sarili niya.

Inalis ko naman yung pagkakayakap ko sa kanya at bumalik doon sa inuupuan ko kanina.

"Hoy! Inaaway mo daw si Kit. Siraulo ka ah. Tinutulungan na nga ako nung tao tapos inaaway mo pa." Sabi ko

Natawa naman siya.

"Nagsumbong sayo yung bata? Mabilis na kasi akong mairita sa mga tao sa paligid ko e. Aba malay ko bang tinutulungan ka nang hinayupak na yun. Edi hindi ko naupo siya aawayin sa susunod, madam. Chill ka lang kasi." Sabi ni Kuya Zander

Hindi naman sa nagsumbong sa akin si Kit pero syempre mahilig siyang magkwento. Inuupdate niya din ako sa mga nangyayari.

"Gago. Nagpapaupdate kasi ako tapos nakwento niya sa akin na nag gaguhan daw kayo. Knowing you, gago ka naman talaga. Nga pala Kuya, magdi-dinner kami mamaya ni Kuya Javier. Sama ka?" Tanong ko

"Gusto ko kumain sa buffet." Sabi ni Kuya Zander

Wow. Ang kapal naman ng mukha. May pa buffet pa siyang nalalaman. Di na lang kumain kung saan. Sabagay, mayaman na naman kasi sila. Syempre papalibre lang ako sa kanila mamaya.

Naalala ko nga pala si Ruki. Dapat bumawi na din ako sa kanya kaso wala pa akong pera. Joke. Miss ko lang siya. Ew. Landi ko.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon