The Mysterious Night In The Enchanted River
September 15,2018
7:04am
*******************
Persophonie Points of View“Nandito na nga kami”may narinig kaming pamilyar na boses at nang tingnan namin iyon,ang apat na magkakapatid na lalaki,Si Zeus,Hades,Orion,at si Zach.
Sila ay mula sa ikalawang pangkat,o ikalawang tribo nang Enchantri,sila ay mga prinsepe,may angking galing sa pakikidigma,may utak,mayaman at higit sa lahat,matipuno.“Anong ginagawa niyo dito Hades?”tanong ni Alexzandra.
“Nandito kami,upang ihatid ang pinakamamahal niyong ama,at nandito kami para dalawin kayo,bata pa tayo nongnagkahiwa-hiwalay tayong lahat”pagpapaliwanag ni Hades.
“Hindi kayo pwedi dito Ma-Prinsipe kailangan nating umalis dito baka may kalaban dito”giit ko sa mga kasama ko.
Tumango na lamang sila at muling nilisan namin ang ilog-Montalban.
_sa kaharian_
“Ama!!”
Agad agad naming niyakap si Ama dahil nakauwi na nga siya,at halatang hapo na hapo si Ama kaya di namin masisisi kung maiinis siya samin.
“Hindi makapaghintay ang mga anak ko ah?alalang alala kayo mga Prinsesa ko”giit ni Ama Apollo.
Mali kami nang akala,akala namin magagalit siya dahil ngayon nagpapahinga siya sa kanilang silid ni Ina,pero hindi ang saya saya ko ngayon dahil ilang taon naming hinintay si Ama at nakauwi na siya,pero aming ipinagtataka,bat malungkot si Ina,at parang walang kibo si Ama kay Ina,bat parang hindi sila magkakakilala?,diba dapat sila muna ang naglalambingan?
“Pagpapahingahin niyo muna ang inyong Ama,doon muna kayo sa inyong mga silid,aking mga prinsesa”giit ni Ina.
Kumalas kami sa pagkakayakap at nagpaalam na kay Ama at Ina at nagtungo sa aming mga silid.
Napapansin niyo bang hindi nagkikibuan si Ina at Ama”pagtatanong ko,ang masasayang mukha nila ay napalitan nang seryosong mukha.
“Napapansin din namin Persophonie,kaso ayaw ko muna ipahalata yon kina Ama at Ina” sagot ni Ate Genieva.
“Kahit ako din,ayaw ko magulo ang Enchantria dahil dito”giit ni Ate Julliana.
“Parang seryoso kayo sa pinaguusapan niyo ah”
Napunta ang atensyon namin sa pintuan,dahil nandun na naman ang mga prinsepe.
“Ahh..wala ito,naguusap lang kami tungkol sa aming gusto”walang kahirap hirap na sagot ni Ate Julliana.
Palagi lang naman siyang nakakalusot eh kahit anong gawin mo,pwera nalang kay Ina at Ama.
“Sumama kayo samin”giit ni Orion.
“Ano?!!”sabay naming tanong.
“Saan?”pagtatanong ko ulit.
“Lilibutin namin ang bayan niyo,gusto namin malibot ito kasama kayo”sagot ni Zach.
“Nakapagpaalam na ba kayo kay Ina at Ama?”pagtatanong ni Alexzandria.
Tumango naman si Zeus.
***********************
Nandito kami ngayon sa labas nang aming kaharian,naglilibot kami sa aming bayan,upang makita nang apat na prinsepe na to,na walang pinagbago ang aming bayan.
“Si Aling Athena oh!”sigaw ni Hades at tinuro ang matandang babae,na papasok sa kaniyang kubo.
Si Athena ba yun?
Sumunod kami kay Hades,at tama nga si Athena nga,ang nakababatang kaibigan ni Ina.
**********
Sorry for short update!!
Hope you like it,votes and comment,i need it thanks..
BINABASA MO ANG
❛The Mysterious Night In The Enchanted River❜BLACKPINKxBTS☯
Fantastik"Mahal kita,pero hindi pwedi patawarin moko,ordinaryong tao ka ako naman ay isang engkanto na pinapangarap ang pagmamahal na palagi kong hinahangad pero hindi ikaw ang katuparan iyon,pasensya kana sana magkita pa tayo,alam ko magkikita pa tayo hindi...