The Mysterious Night In The Enchanted River
September 15,2018
7:07pm
**********************
Napansin niyo pong may litrato sa taas,yan po ang pangatlong kwento ko,balik na tayo sa story ko.THIRD PERSON VIEW
Nakita nang walo si Athena ang nakababatang kaibigan ng ina nila Persophonie,nakita nilang papasok sa kubo,kaya sinundan nila ito at nakumpirma nga nilang si Athena talaga.
“Aling Athena?”pagtatanong ni Hades.
Nagulat naman ang matandang babae,at mukhang nalulungkot ito,pero bago pa man sila nagkamustahan pinapasok muna sila ni Athena sa kubo na tinutuluyan niya.
Pinaupo naman ito nang matanda at naghanda nang makakain ang matanda para sa mga dilag at binata na kanyang bisita,mga ilang minuto bumalik na ang matanda at inilapag sa lamesa ang mga pagkain.
“Aling Athena nagabala pa ho kayo”giit ni Genieva.
“Maliit na bagay lang ito mi-prinsesa at ma-prinsipe,at saka kamusta na ho kayong walo?bata pa kayo nong huling pagkikita natin” pagtatanong ni Aling Athena.
“Oo nga po,aling Athena ahhhmm aling Athena maayos naman ho ang aming kalagayan,kayo ho?kamusta na ho kayo?”sunod sunod na tanong ni Alexzandria.
“At saka hindi na ho kayo bumibisita sa aming palasyo,nagaalala na ho kami”dagdag ni Persophonie.
Halatang nalungkot ang matanda sa tanong nang mga dilag,pero ngumiti pa rin ito.
“oh,siya,siya kumain muna kayo at magkwekwentuhan pa tayo mga bata”sagot ni Aling Athena.
“Aling Athena mga binata at dalaga na ho kami para sa impormasyon niyo po hehe” giit ni Alexzandria kaya nagtawanan sila.
Maya maya ay natapos na silang kumain,kaya binalik ulit ng mga bata ang tanong nila kanina.
“Aling Athena,bat ho kayo biglang nawala?nang dahil ho ba sa nangyari dati?kalimutan na ho ninyo iyon”pagtatanong ni Orion
“Malaki ang atraso ko sa pamilya niyo Persophonie,noong magkasintahan pa ang ama at ina niyo noon lalo pa't inagaw ko sa inyo ang ama niyo kay ina niyong si Dimitri,dahil mahal ko si Apollo,at ang masakit pa sa kaibigan pa ako nang agaw”giit ni Aling Athena
“At saka pinagsisisihan ko iyon,kaya nga hindi na ako nagpapakita sa ina at ama niyo,lalo pa't nahihiya ako” dagdag pa nito.
“Naiintindihan ko po kayo,pero kailangan niyo po nang maayos na pakikipagusap kay Ina lalo na kay Ama,dahil hindi po mawawala ang bagabag na nasa puso niyo”giit ni Persophonie.
“Susubukan ko Mi-prinsesa,Mi-prinsepi,mi-prinsesa,kailangan niyo na atang umuwi,baka hinahanap na kayo nang Ina niyo”giit ni Aling Athena.
“At saka kayong mga binata,kayo na ang bahala sa magagandang dilag nato”dagdag pa nito.
“Opo aling Athena”sabay sabay na sagot nila sa matanda.
At umalis na nga sila,at nilisan ang kubo ni Aling Athena.
*************†***********
Gabi nang makauwi sila,at nagpunta na agad sakanilang silid ang mga ito,ngunit si Persophonie ay pinili niya pa ding mapagisa kaya,pinatulog niya muna ang kanyang mga kapatid,ang mga binata,ang kanyang ina at ama,at lalo na ang mga bantay,bago siya tumakas at magpunta sa Ilog.
Nang makatulog ito ay dali dali siyang umalis,at nagdala pa siya nang itim na tela para itapis sa kanyang mukha,at mata lang ang tanging nakikita,at nagtungo na siya sa Ilog,dahil sa pagod nang kanyang paglalakbay ay umupo muna siya sa lupa dito sa tabi nang ilog.“Sino ka??!!”isang tinig ang kaniyang narinig.
*****************†************To be continued
BINABASA MO ANG
❛The Mysterious Night In The Enchanted River❜BLACKPINKxBTS☯
Fantasy"Mahal kita,pero hindi pwedi patawarin moko,ordinaryong tao ka ako naman ay isang engkanto na pinapangarap ang pagmamahal na palagi kong hinahangad pero hindi ikaw ang katuparan iyon,pasensya kana sana magkita pa tayo,alam ko magkikita pa tayo hindi...