The Mysterious Night in The Enchanted River
September 04,2018
7:26 p.m.
********************
Julliana Point Of ViewNagising ako at tumambad sa akin ang mukha nang tatlo kong kapatid.
“Ang saya ata nang tatlong kong Prinsesang Kapatid?”
Pagtatanong ko sa kanila.“Ate!!!!!”pagsisigaw ni Alexzandria,sumakit naman ang aking tenga sa boses na iyon.
“Oh bakit?”pagtatanong ko ulit.
“Pinayagan na tayo ni Inang Dimitri na magpunta sa Ilog Montalban kaso-” pagputol ni Persophonie.
“Kaso?Ano?”pagtatanong ko na naman ulit.
“May binigay na kwentas sa amin si Ina,malalaman niya kung ano nangyayari sa atin,at kung sumuway tayo sa kanya,iitim ito at manghihina tayo hanggang sa mamatay tayo” pagpapaliwanag ni Ate Genieva.
“Talaga?gagawin ni Ina iyon?baka nagkakamali ka lang ah?anak tayo ni Inang Dimitri baka pananakot lang niya iyon”saad ko.
“Ehh.. Basta!punta na tayo sa Ilog!”pagyaya ni Alexzandria.
“Nakalimutan niyo na ba?”pagtatanong ni Ate Genieva.
“Ahhhh!!oo nga!yung mga taga lupa doon sa Ilog?pano kung nandun sila?makita ulit tayo?alam niyo na mang pagnakita nila tayo maaalala na naman nila ang mangyayari”ani Persophonie.
“Ehh bahala na!oh ate Julliana suotin mo na ang kwentas”binigay ni Alexzandria ang kwentaa at sinout ko naman iyon.
Hinila nila ako palabas sa aming silid at lumabas sa aming palasyo,kitang kita ko ang saya sa kanilang mukha dahil malaya na silang makapunta sa ilog na iyon.Alam ko na hindi ipagkakait ni Inang Dimitri sa amin ang kalayaang iyon lalo pa't anak niya kami at alam naming mahal na mahal niya kami.
“Oh ano pang hinihintay mo at Julliana!halina!”pagyaya ni Alexzandria.
“Teka,libuntin natin ang bundok Almindres”yaya ni Ate Genieva.
Bundok Almindres,iyon ang pinakamagandang bundok sa aming tribo,dahil sa sakop nito ang pinakamagandang ilog at nagiisang ilog sa buong tribo.
Ang Ilog Montalban,pinagmamalaki namin ito dahil sa kagandahan na naidudulot nito at ang sabi nila pinupuntahan ito nang mga taga lupa,dahil ang Ilog Montalban ay huling nasasakupan nang mga diwata at pinpuntahan ito nang mga taga lupa,at sa ilog na iyon,sa tabing-ilog ay may isang napakalaking puno, ang Punong Enchantris ito ay mahiwaga dahil lagusan ito papuntang mundo nang mga tao,dahil hindi naman kami makakalabas sa mundo namin.Maya maya ay nakaabot na kami sa Punong Enchantris sa tabi ng ilog,hindi ko alam na dito kami pupunta.
“Pilantris Anunsyo Milagroso”giit ni Alexzandria na para bang sinusubukan niyang buksan ang lagusan.
“Mali ata yun eh”ani ate Genieva.
“Nakalimutan ko na”saad ni Alexzandria.
“Tatakas tayo?eh diba bawal sabi ni Inang Dimitri baka umitim ang kwentas”paggaalala ni Persophonie.
“Tama si Persophonie,mas mabuting doon na lang tayo sa Ilog,at saka magiingat tayo baka nandito na naman ang mga taga lupa”giit ko.
Tumango naman sila at sumunod.
Alexzandria Point Of View
Nandito kami ngayon sa ilog naliligo na naman,ang kulit ko kasi.
Oo nga,yung kwentas namin ay hindi kami pare pareho nang kulay.
Pula yung kay Ate Genieva,Berde kay Ate Julliana,Asul kay Ate Presophonie at sakin naman ay Dilaw.Magkakapatid kami,alam naman ninyo siguro iyon,si Ate Genieva ang matanda Labing siyam na taong gulang,si Ate Julliana naman ay Labing walong taong gulang at kami ni Ate Persophonie ay magkakambal,hindi halata pero kambal kami,matanda lang siya nang ilang Segundo.
Iba-iba ang kaya namin,ang kahinaan ko ay ang Apoy,pareha lang kay Ate Persophonie,kena Ate Genieva at Ate Julliana naman ay ang pagkontrol sa mga kapwa diwata at sa mga taga lupa,marami pa kaming kahinaan na hindi pa namin nadidiskubre.
Ang bilis nang oras,tanghali na kailangan na naming bumalik baka hinahanap na kami ni Inang Dimitri.
*************
A|N:
Ayus lang ba yung story ko,baka napapangitan kayo?
Sorry pala sa typos aayusin ko lang iyan pagtapos na ako.
BINABASA MO ANG
❛The Mysterious Night In The Enchanted River❜BLACKPINKxBTS☯
Fantasía"Mahal kita,pero hindi pwedi patawarin moko,ordinaryong tao ka ako naman ay isang engkanto na pinapangarap ang pagmamahal na palagi kong hinahangad pero hindi ikaw ang katuparan iyon,pasensya kana sana magkita pa tayo,alam ko magkikita pa tayo hindi...