"UNTITLED"

50 3 0
                                    

⚘;[poetry]

"Untitled😂"

Isang taon,
Isang taon na sana tayo ngayon;
Ngunit ang panahon ay hindi umayon,
Dahil siguro hindi ito ang tamang pagkakataon;

Masaya ang tayo;
Hindi pa magulo;
Ngunit unti-unti, bigla kang nagbabago;
Pagbabago na ang dahilan ay ang pagpasok ng isang tao sa buhay mo;

Sya na naging dahilan ng ating madalas na pagtatalo;
Kaya ang pagmamahal mo saken unti-unting naglalaho;
Sa pagpasok nya, sya namang paglabas ko;
Paglabas ko sa buhay mo,dahil nakakahiya naman kung mananatili pa ako;
Alam ko naman na wala na akong lugar jan sa buhay mo;
Sya na ang bago, bagong pumalit sa pwesto ko;
Pwestong iningatan ko, ngunit ngayon may iba na at di na ako;

Siguro nga hindi ako naging sapat;
pero diba mahal masasabi namang ako ay karapatdapat;

"Tulad nga ng pabago bagong panahon;pagbabago din ng noon at ngayon"

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now