"TALO TALO"

27 1 0
                                    

⚘; [Poetry]

"Talo-talo"

Uyy!! Mahal naaalala mo pa ba ako
Ako nga pala ung babaeng iniwan mo
Para lang sa kaibigan mo
Na tinalo mo

Kala ko , wala lang ung ka sweetan nyo
Yun pala may namumuo ng kayo
At unti-unti mong nakakalimutan ang tayo
Tayo na sinira ng kayo

Tayo na dati ay matatag
Ngayon ay unti-unting nawawasak
Nasira ang tayo dahil may inaayos na kayo
Mahal,wala na ba ? Wala na baang dating tayo?

Naniwala ako sayo
Dahil sabi mo
"Sya lang ay kaibigan ko"
Pero anyare mahal ko
Sya na ngayon ay minamahal mo

Kaibigan mo lang diba?
Bat mo tinalo?
Nakalimutan mo ako
Nung mga panahon na sya ang nasa tabi mo

Pasensya na mahal ahh, malayo kase ako ehh
Malayo sa tayo at  mas malapit sa kayo

Wala eh dumating sya at nawala ako
Nang iwan ka at kinalimutan mo ung tayo
Ano mahal ?? Masaya ka ba sa kaibigan mo
Kase ako? Mahal parin kita at hinihintay ang pagbalik ng tayo

Pero mahal , parang wala na
Dahil ngayon sayang -saya ka na
Habang ako na  nalulungkot ng sobra
Dahil sa iyong pagkawala

Ang gagawin na lang ay kalimutan ang nakaraan
At ang buhay ay ipagpatuloy at sisimulan

-binibining jeysel

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now