"ITIGIL"

16 1 0
                                    

⚘; [Poetry]

"Itigil"

kasabay ng panibugho ng damdamin,
na di kayang sabihin;

Kasabay ng pagpatak ng ulan, ay ang pagbagsak ng luhang kanina pang pinipigilan;
Nung dati ay ayaw mong mawala ako,
ngayon ikaw na mismo ang lumalayo;

Ewan ko ba bat ganto?
May natawag lang na kayo,
nakalimutan mo na ako;
Masyado ka kaseng nagpadala  sa nararamdaman mo;
Kaya pati ako,nakalimutan mo;

Kasabay nang malakas na pagbagsak ng ulan, kasabay ng pagbuhos ng mga masakit na nararamdaman;
Kailan ba to matatapos,boses ko na'y napapaos;
Dahil sa kakasigaw ng nararamdaman, na kahit kelan hindi mo pinakinggan;
Tama pa ba to?,
O dapat ko nang itigil to;

Masaya ako sayo,ngunit nasasaktan na ako;
Dapat pa ba akong manatili, sa relasyong alam ko nang may mali;
O lisanin na lang ang ating pinagsamahan, na hindi mo kailanman pinahalagahan;

Matibay ako pero mahal , ikaw ang kahinaan ko,mahal kung mahal kita sana mahal mo din ako;
Ako'y pilit na lumalaban ngunit ikaw na ang gumagawa ng paraan para ikaw ay aking sukuan;

Mahal,magulo na ang tayo,kaya siguro nagsawa ka at iniwan mo ako;
Pero mahal kung saan ka masaya,dun ka;
Wala ehh ganun talaga,mahal lang talaga kita kaya papalayain kita;

-binibining jeysel💞

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now