"DI NA AKO BATA"

22 1 0
                                    

⚘;[Poetry]

"Di na ako bata"

"Tagu taguan maliwanag ang bwan walang agawan walang kuhaan pagbilang ko ng tatlo layuan mo ang mahal ko"

Kantang pambata , pero binago ko ang liriko;
Di na kase laruan ang kinukuha,
kundi ung taong minamahal ko ;
Di na bata para lumaban kapag naapi,kundi nananahimik na lang kahit sugat sa puso ay mahapdi;
Di na bata para gawing laro ang lahat,kundi taong nagmamahal at seneseryoso lahat;
Di na bata para di maintindihan lahat,kundi isa ng nagmamahal na nagbubulag-bulagan kahit alam na lahat;
Di na bata para matulog ng maaga;kundi nagpupuyat para lang sa taong mahal nya;

Madaming pagbabago,tulad ng ikaw at ako;
Akala ko consistent tayo;pero dumating sya at pinalitan mo ako;
Di naman kase to larong pambata,na kung may bagong miyembro matatanggal na ako;

Sumama ka sa kanya at iniwan ako,pero bumalik ka para sabihing nakita mo na ang halaga ko;
Di naman na kase tulad sa bata na kapag inagawan ka ng laruan iiyak lang at kapag binalik tatahan na lang ulit;

"Dati umiiyak dahil ingawan ng laruan;ngayon umiiyak dahil inagawan ng minamahal at ako ngayo'y ginagawang laruan"

- Binibining Jeysel

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now