"NAIWANAN"

15 1 0
                                    

⚘; [Poetry]

"Naiwanan"

Nakatingin sa kalangitan,
nagtatanong kung bakit?; bakit ako napag-iwanan;
Pinagtagpo lang ba tayo para mag-landian?,
at hindi ang magmahalan habang buhay;

Pero mahal hindi ko parin alam,kung bakit ganto ang kinalabasan;
Bakit nang-iwan ka bigla nang wala man lang paa-paalam;
Ganun ba ako kabilis iwanan?,na kahit simpleng pagpapaalam, di mo ginawa at bigla ka na lang lumisan;

Hindi pa ba sapat ang sobra?,
Ay oo nga pala sobra lang pala ako at sya ung sapat;
Ginawa ko naman lahat ,pero di ka naging tapat;

Para akong nakalutang sa ere,at naghihintay ng sundo;
Mahal nandito lang ako,pwede mo akong balikan dito;
Pero mahal dalian mo baka sa susunod na mapagtanto mo, na mahalaga ako;
Saka mo ako babalikan dito;
At baka sa panahong yun nakababa na ako, sa ere kung saan iniwan mo ako

-Binibining Jeysel

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now