Prologue

75 2 0
                                    

"Paano ba magkaroon ng boyfriend?"

Tila hose ng bumbero ang binugang tubig ni Terra nang marinig ang tanong ko. Napanguso ako nang maramdaman ang malagkit na tubig sa kaliwang pisngi ko galing iniinom niya.

"Huwag kang mangarap, 'Day!" Umubo pa siya bago pinunasan ang sarili. Natuwa ako sa hindi niya pamamansin sa mukha kong binugahan niya ng laway. Sarap sabunutan nitong kaibigan ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng blusa saka pinunasan ang pisngi.

"Hindi naman masamang mangarap ah."

Pinandilatan niya ako ng mata. Sinampal ko pisngi niya.

"Aray ah. Hindi nga masamang mangarap, pero imposible yang sinasabi mo. Hinding-hindi ka magkakaroon kaya huwag mo nang pangarapin na magkaroon." Tinabi niya ang tray ng pagkain bago ulit ako samaan ng tingin. "Tanggapin mo na kasi ang katotohanang tatanda ka ngang dalaga."

"Porke matatandang dala mga tita ko, gagaya na ako? Ang sama mo."

"Oh eh bakit? Yun ang trending sa pamilya niyo eh." Bumulanghit pa siya ng tawa. Iniakma ko ang tinidor sa mukha niya pero nagpatuloy lang siya sa pang-aasar sa harap ng mukha ko.

"Day naman kasi, paano ka magkakaroon ng jowa? Unang una," nilibot niya ang paningin sa canteen ng tinatrabahuhan naming mall bilang saleslady. "Walang matinong lalaki dito sa store branch natin, ikalawa....wala tayong kaibigang lalaki, ikatlo, wala ka ring kaibigan na kasing bait ko...at pinakahuli, wala kang lalaking nakakasama lagi. Lahat ng lalaki na kilala ko may mga jowa na. Yung batchmates mo naman may mga asawa na. Tamad kang mag-clubbing. Hindi ka mahilig sa social media. Lahat nang dahilan para makahanap ka ng jowa, wala kang hilig. Kahit yung kaisa-isang lalaki na panot na customer mong nagpapapansin sa'yo, hindi mo binigyan ng chance." Ang haba ng litanya ah. Lalong sumama ang timpla ko sa sinabi niya. Malupit na katotohanan nga. 27 na ako pero NBSB pa rin.

"Buwiset ka talaga."

Pumungay-pungay ang mata ng kaibigan ko habang humahagikhik. Sarap ipatapon sa Mars. Lakas maka-realtalk eh.

"Day...you need to realize naman kasi. Lahat ng istorya sa libro at pelikula....nabubuo ang true love kapag may lalaki na nakakasama ka lagi. As in every hour nasa tabi-tabi lang. Classmate, co-worker at iba pa na nasa paligid mo kada galaw mo.Yun lang. Bibihira yung mga relationship na nagwork-out kasi nagkakilala lang sa kung saan tapos nagdate. Believe me."

"Baliw. Hindi yan totoo. Eh bakit may mga mag-asawa na ngayon na nagkakilala lang bilang textmate o nagkita lang sa Jolibee?" Hamon ko.

"Malay ko." Tawa ulit. Sumimangot ako tapos sabay kagat sa saging na baon ko. Ang saklap ng katotohanan. Noon wala akong pakialam kahit walang jowa pero ewan ko ba bakit ngayon parang gusto ko nang maghanap.

"Paano ba ako makakahanap? Wala na ba talaga akong pag-asang makahanap?"

"Hula ka ng number tapos gawin mong textmate." Nahila ko buhok ni Terra dahil dun.

"Sira ka talaga. Wala nang nagloload masyado sa panahon ngayon."

"Tambay ka sa 7-Eleven."

"Terra, ano ba."

"Haha. Oh sige, ganito na lang...gawa ka ng account sa "Dating Sites o kaya mag-hire ka ng Dating Coach. Mas okay pa yun."

"Dating Coach? Dati na coach ng basketball?"

"Buang, Dating...dating! Boba."

"May ganun ba? Huwag mo 'ko utuin. Walang ganun dito sa 'Pinas ah."

"Meron. Si Thaddeo. Di mo kilala?" Nanlalaki ang matang sabi niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala. May expert ba sa ganun? Maang ko siyang tinitigan sa ilang Segundo dahil sa nalaman.

Dating and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon