Ikalawang Kabanata

22 0 0
                                    

"Ang weird ng kaklase nating bago.  Sayang no? Guwapo pa naman. Hay."

Napahinto ako sa akmang pagflush ng toilet nang marinig ang pahayag na iyon. Mukhang kaklase ko ang mga to. Mahina kong flinush iyon at lumabas. Nakita ko ang dalawang babaeng kaklaseng nagliliptint sa harap ng salamin. Parehong mahaba ang buhok at plakado ang kilay.

Hindi na nila naituloy ang sinasabi. Pasimple nila akong nginitian ngunit nagsawalang bahala lang ako. Binalewala ko ang sinabi nila ngunit napaisip din ako sa pagiging weird nga ng lalaking iyon. Walang gaanong naganap matapos ng kaniyang sinabi na ginaya niya lang akong nakatayo dahil siguro'y napahiya si Prof sa ginawa niya sa akin. Ang hindi ko lang makalimutang isipin, iyon yung hindi mapakali ang kaniyang kamay sa pagkurot nito at panginginig. Isang senaryo na unang beses ko lang nakita dahil nakakabahala ang klase ng panginginig nito.

Di ko naiwasan pero parang nagising yata ako kuryosidad ko sa lalaking yun.

Binagtas ko ang daan pabalik sa classroom namin na nasa ikalawang palapag pa. Isang paikot na lumang building na may limang palapag ang kinaroroonan ng kurso naming Bachelor in Fine Arts. Mayroong maliit na fountain sa gitna nito at sa bawat gilid ay may tigdadalawang benches na gawa sa bakal na may kulay namang dark blue. Leveled ang pahabang itsurang maliit na quadrangle nito na aabutin lang siguro ng 20 metro, bawat side ng ground floor ay may dalawang hakbang na sementong hagdan. Magkakaharap ang apat na sides ng building at kulay abo ang pintura. Hindi na ito mukhang bago dahil sa ilang pinturang mapusyaw o kung hindi naman ay pawala na.

Inikot ko ang isang kanto patungong hagdan. Marami ring nagkalat na estudyante sa bandang hagdan dahil katapat nito ay cashier office ng university. Todo ingat ako na hindi nila masagi ang naka-cast ko pa ring kaliwang braso. Sobrang hassle nito sakin. Lalong dumagdag sa pagkalungkot iyon dahil naaalala ko lagi si Tatay kapag nakikita o nararamdaman ko ang sakit ng pilay ko. Pero ganun pa man, tanda ito na niligtas ako ni Tatay sa kamatayan. Mas lalo ko siyang namimiss pero wala akong magawa.

"Sorrel," lumapit sa akin ang pinakamalapit kong kaibigan sa major namin na si Ara. "Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing?"

"CR lang. "tipid kong sagot.

Nasa labas ang ilan kong kaklase at may kanya kanyang pinag-uusapan. May nagkukurutan sa gilid at meron din namang magjowa na nag-aaway sa kabila. Napasadahan ko rin ng tingin ang bago naming kaklase. Si Reed Thaddeus Alonte. Nasa kaliwang bahagi ng building mula sa kinaroroonan namin. Nakasandal at nakatingin sa ibaba. Palagay ko'y nakatingin sa fountain pero parang tagos dito ang kanyang tingin. Sumandal si Ara paharap sa akin. Ako nama'y nakaharap kay Reed banda.

"Hindi mo ko sinama." sumimangot ito.

"Hindi ko naman kailangan ng alalay."

"Wow. Hindi ba puwedeng naiiihi lang ako?"

Hindi na ako sumagot. Kinalabit niya ako at hinila nang pasimple. Luminga-linga muna ito bago ako kinausap.

"May sasabihin ako sa'yo. Naalala mo yung nagtrending na video mo? Ang dinig ko, sabi ng ilang kaklase natin, naipost na daw sa University Secret Files page natin. Hindi ko pa makita kasi naka free data lang ako. Sa tingin mo totoo kaya yun?"

Binalingan ko si Ara. Kumunot ang noo ko. "Wala naman na akong pakialam kahit kumalat yun."

"Ganun? Hahayaan mo na lang kumalat yung video mo? "

"Wala na akong magagawa. Isa pa, kahit magreact ako, hindi mababago na totoo yun nangyari."

"Ay... Iba rin ang fighting spirit."

"Masyado na akong stress. Hayaan mo silang mag-fiesta."

"Bakit ba kasi nung binasag mo yung salamin ng Tatay mo eh hindi ka muna nagmanman sa paligid kung may nagvivideo? Magwawala ka na nga lang may pa-ebidensya pa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon