Unang Kabanata

24 1 0
                                    


Hindi kalayuan ang paaralan na pinapasukan kong university mula sa aming bahay sa isang squaters area sa Bulacan. Iyon nga lang ay aabutin ng 30 minutes ang byahe kapag sumagasa ako sa tatlong magkakaibang sakay na palipat lipat dahil walang deretsong daan mula sa amin patungong university.

Kaya naman tuwing umaga, nag-aabala si Tatay na ihatid ako sa University tuwing alas sais ng umaga sakay ng kaniyang de-clutch na motor.

Kinuha ko ang helmet na nakapatong sa mesa sa aming sala saka madaling lumabas.

"Nay, alis na po ako!" paalam ko kay Nanay na noo'y nasa banyo. Nagsusuka dahil nasa kaunahan ng mga buwan ng kaniyang pagbubuntis. Sinabi ko nang tutulungan ko siya dahil wala siyang makakasama pero nagpumilit siyang umalis na ako dahil may pasok pa si Tatay mamaya at hindi puwedeng ma-late.

Hindi siya sumagot kaya lumakad na ako.

"May baon ka na ba?" Tanong ni Tatay habang sumasampa ako sa likurang bahagi ng motor.

"Opo Tay. "

Pinagana niya na ang makina na umayon naman makalipas ang ilang padyak sa silinyador nito.

Pag ako nakapagtapos, sisikapin kong mabilhan o mapagawa ng tricycle si Tatay para kapag tumanda na siya at kailangan niya na magretiro, kahit mamasada na lang siya bilang hanapbuhay. Bilang panganay, ganito na ang aking mindset kahit nag-aaral pa. May dalawa pa akong nakakabatang kapatid na nag-aaral sa parehong grado sa Grade 10. Sabay magtatapos ng Junior High School at nalalapit na ring mag-aral sa Senior High School. Umulit kasi sa pag-aral si Sandy, ang sumunod sa akin, dahil sa sakit nito sa puso. Nagkaroon ng komplikasyon kaya ngayon ay nakasabay niya na sa pag-aaral si Brian. Ang ikatlo.

Abala ako sa pag-iisip nang oras na iyon sa paano ko aayusin ang buhay ko at ng pamilya ko na hindi ko napansing kinukusot kusot ni Tatay ang kaniyang mata gamit ang kaliwang kamay. Tila hangin na hindi ko namalayan ang nangyari sa simpleng biyahe na iyon sa umaga habang hinahatid ako ni Tatay.

Parang isang bangungot na sana'y nagising na lang ako sa pagkakahimbing dahil sa naganap na disgrasya.

Malakas na tunog na pasalubong na truck ang bumulaga sa amin ni Tatay habang lumiliko sa isang kalye na ilang hakbang na lang ay paaralan na namin. Napasigaw ako ng Tatay, nangunyapit ako sa beywang ng aking ama bago kami tuluyang dumulas sa kalsada at masagi ang unahang gulong ng motor ni Tatay ng humahangos na truck. Naramdaman ko ang kadiliman sa oras na iyon at hiniling na sana'y kahit hindi na lamang ako ang makaligtas kundi ang aking ama. Ihinahanda ko ang sarili sa isang aksidenteng nagpabago ng paniniwala ko sa mundo.

"Bakit pa kailangang mangyari ito? " hagulhol ang kasunod na narinig ko pagkatapos ng pangungusap na iyon.

Naramdaman ko sa kaliwang kamay ang pagyapos ng mainit na palad at tila pagod.

Iminulat ko ang paningin. Lumitaw ang puting kisame at aircondition na nasa gilid. Hinayaan kong mag-ajust muna ang paningin sa paligid bago nilingon ang humagulhol kong ina sa aking tabi.

"Sorrel, " kita ko sa mata ni nanay ang pagkabuhay nang makita ang paggalaw ko. Sinubukan kong igalaw ang kamay pero umatake ang hindi ko inaasahang sakit nito. "Anak, mabuti gising ka na. Salamat sa Diyos." Paos at pagod ang Nanay ko.

Napansin ko rin sa paligid ang dalawa kong kapatid na excited ding nakatunghay sa katawan kong nakahilata sa kama. Iginala ko pa ang paningin. Sa tingin ko, may kulang.

"Si Tatay, 'Nay? "

"Anak... "

"Si Tatay po?"

Dating and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon