Chapter 2

14K 391 16
                                    

“Kuya may nabuntis ka?”

“Wala,” binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. “Kaya tigilan mo na ako.”

“Panagutan mo na kuya sayang ang genes.”

Hinarap ko ang makulit kong kapatid.“Alam mo kung hindi lang kita kapatid matagal na kitang tinapon sa basurahan sa kakulitan mo at sa pagkatsismosa mo.” Pinitik ko ang noo niya.“Matuto kang lumagar Olympia Isabella kung ayaw mong tawagin kitang Oley.”

Peru sa halip na mainis bumungisngis pa ito. “Kuya gusto ko ng niece bigyan mo na ako. Mayaman naman na tayo kaya okay lang na mag-asawa ka ng maaga. Pakasalan mo na si Ate Sweet Hera, okay.” Niyakap pa ako at hinalikan sa pisngi. “Goodnight Kuya. Ang niece ko ha huwag mong kalimutan.”

“Matulog ka na nga at antok lang iyan.” I smiled at my little sister.“Bukas mawawala din iyang ka-adeekan mo.” Ginulo ko ang buhok nito. “Tulog ka na.”

“Goodnight Kuya.”

Hinintay ko mo ng makapasok si Oleena bago ako pumasok sa kwarto ko. Peru bago pa ako makapasok sa kwarto ay tinawag ako ni Papa.

“O Dad, gising pa kayo? Si Mama?”

“Tulog na, matutulog ka na ba?”

“Magbabasa pa lang, bakit po?”

“Magpahangin muna tayo sa labas.”

Nauna na si Papa sa balkonae. Naupo ito sa isa sa mga steel seat na nandoon. Ako naman dumiretso sa railings at malayo ang tingin.

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Papa nang marinig ko siyang tumawa.

“Why are you laughing Dad?”

“Wala lang, I just couldn’t believe you were slapped by a woman and you don’t even know the girl. Seriously, Raffy? Hinayaan mong ganyan-ganyanin ka ng isang babae?”

I leaned on the railings, crossed my arms, left foot over the other. “Ang kulit eh ayaw paawat ng isang iyun. Grabeh! If you were in my situation earlier Dad I’m sure masasampal ka rin.”

Hindi talaga mapigilang mapangiti ni Dad. “Based from your mother’s witty descriptions the girl named Sweet Hera seemed to be like your mother when she was at her age.”

“Kahit naman ngayon Dad makulit parin si Mommy.”

“Right, basta ang payo ko lang sayo anak hinay-hinay lang muna.”

“Don’t tell me you believed Mom’s story?”

“Hmm…sort of, but anyway you have your own life and I know you’re responsible enough son to handle this kind of situations.” I sighed.“And about your mother…don’t worry about her it’s just her way of showing her love.”

I smiled. “I know, makulit lang talaga.”

“Son request lang,”

“Ano iyun Dad?”

“Pagbigyan mo na ang Mama mo at mag-girlfriend ka na anak.”

Napangiwi ako, “Pati ba naman kayo Dad?”

He chuckle, “Kahit isa lang anak, sayang naman ang kagwapuhan na namana mo sa akin.”

Raffy's Sweet Hera - COMPLETED 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon