Chapter 7

10.2K 256 17
                                    

Malakas na malakas pa ang tibok ng puso ko.

Hinalikan ba talaga ako ni Raffy? Napahawak ako sa mga pisngi ko. Ano ba ito? Ito na ba ang tinatawag nilang love? Pag-ibig na ba ito? Naman eh! Ganito ba talaga ang taong naiin-love? Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. The Hell, I couldn't even think well. Lumipat ako at umupo sa kama at tinignan si Renz na mahimbing na mahimbing na natutulog.

"Sa tingin mo baby Renz yung pag walk out-walk out ko kay Raffy okay lang ba yun?" Ano ka ba naman Hera hindi kaya yan sasagot sayo.  "Hindi naman mahirap mahalin si Raffy diba? Alam mo, mabait naman pala ang isang yun. Meron nga lang sigurong mga mood swings ang isang yun. Mabait siya, gwapo, mabait, mabait, mabait...." napabuntong hininga ako."Paulit-ulit Hera?"

Napahiga ako at napatutok sa kisame.

"Bakit mo kaya ako hinalikan Raffy?"

Hinawakan ko yung lips ko. First kiss ko iyun at ganoon pala katamis ang kiss? Iba pala talaga kapag personal mo na yung naranasan. Ang OA naman kasi sa mga pocketbooks. Mas OA padin pala kung mararanasan mo iyun. Napangiti ako.

Naalala ko na naman iyung kanina. May replay talaga? Hays! Bwesit ka talaga Raffy wala ka yatang balak patulugin ako ngayong gabi. Argh! What the heck did you do to me?

"What? Anong ginawa mo sa kanya?"

"I kissed her. Hell! I don't even know why. I was just looking at her, then a moment after, I just want to grab her...pull her closer...and just kiss her." Naisuklay ko ang kamay sa buhok ko. "I don't know what happened to me Rua."

"In love ka na siguro ulit Raffy."

"In love?"

Tumango ito. "Hindi ka magiging adik ng ganyan kung hindi ka naman in love. Ano iyun, trip mo lang? Pinagnanasaan mo ang tao -"

"Pinagnanasaan talaga?"

"Correct me if I'm wrong. When was the last time you acted like that? As far as I can remember that was 5 years ago. Noong nagkagusto ka kay Miles." In love ako kay Hera? 

"Aaminin ko sayo gusto ko si Hera." Bigla nalang itong ngumisi. 

"Oww, so bakit mo gusto si Hera. Dahil ba maganda siya?"

"Not because she's beautiful. Hindi naman ako ganoon kababang lalaki. There was just something in her. Something special.”

Shit! Ni hindi ko nga alam kong anong special na iyun. Mabait, masayahin, makwento, at maalaga si Hera. Iyun ang nagustuhan ko sa kanya. Bihira lang akong magkagusto sa isang babae at si Hera lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Confused na yata ako.

"Grabeh! Mukhang naka-move on ka na aking kaibigan." Tinapik niya ako sa balikat. "Alam mo hindi naman nakakamatay kung aaminin mong nahuhulog ka na kay Hera. Don't worry, wala pang batas na nagbabawal sa taong magmahal.”

"I mean I like her peru hindi ko pa siya mahal."

"Kahit ano pa yan Raffy magtatapos din yan sa pag-ibig. You like here, then you're about to fall for her and I would like to congratulate you. Welcome sa mundo ng pag-ibig! Mabuhay!"

"Welcome sa mundo ng pag-ibig? Tsst, bakit in love ka ba ngayon?"

"Hindi,"

Raffy's Sweet Hera - COMPLETED 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon