Chapter 4

12K 322 16
                                    

"Grabeh ang laki ng kwarto mo parang kwarto ng hari." Sa drama ko lang nakikita ang mga ganitong kwarto. Sobrang laki talaga at napaka modern ng design. Puti at itim lang ang kabuuang kulay ng kwarto nito. Napasalampak ako sa king sized bed nito. At manghang napatingin sa buong paligid. "Nakakatulog ka pa ng ganito?"

"Malinis ang konsensiya ko kaya nakakatulog ako ng maayos."

Pinaningkitan ko siya ng mata."Dah! Hindi naman yan ang ibig kong sabihin."

"Linawin mo kasi," binuksan nito ang maliit na fridge nito at kumuha ng isang bottled water. "Catch," ibanato niya saken ang bottled water. Buti nalang na salo ko. Asar talaga eh.

“Shuks! Gusto mo ba talaga akong bigyan ng bukol ha?"

"I said catch diba?" Umupo na din ito sa tabi ko. "At saka nasalo mo naman diba? So don't fuss about it Hera." Binuksan nito ang coke in can nito.

"Don't fuss about it daw? Ka-asar din ang mokong na ito." Binuksan ko nalang iyung bottled water. “Baliw talaga tsst.”

"Masamang kausapin ang sarili Hera." 

Napatingin ako sa kanya. He slowly turns his head on mine kahit na sinasaid pa nito ang laman ng coke in can nito. At ang mukong parang may ngiti pang naglalaro sa mukha nito kahit busy na nga sa pag-inum ng coke nito.

Napatingin nalang ako sa kanya. 

Ang gwapo niya pala talaga sa malapitan. Tama nga ang mga tsismis na gwapo ito kaya habulin ng mga babae. Arogante nga lang saka sobrang nakakabwesit na nakaka-taas ng presyon! But the negative side on him don't affect the percentage of how good looking this guy is. Kung baga parang maliit na stain lang na kumapit sa maputing tila peru natatanggal din gamit ng zonrox.

Ay ano ba yan! Napunta na naman ako sa paglalabada. Hays!

"Earth to Hera!"

"Huh?"

Kumunot lang tuloy ang noo nito. "Ganyan ka ba talaga? Nawawala nalang bigla sa sarili?”

“Hindi ako nawawala sa sarili may iniisip lang ako."

"Ang dami mong rason."

"E totoo naman kasi," Tinungga ko nalang iyung bottled water. Naiinis na ako sa lalaking ito 

"Hinay-hinay lang baka malunod ka niyan."

"Shut up – agh!" Nasamid tuloy ako. Takte! "Ikaw ... kasi..." pinunasan ko nalang iyung bibig ko. "Nakakainis ka na."

"Hey, it’s not as if I've done something wrong with you Hera. Ikaw ang umiinum at ikaw din ang nakaka-kontrol ng emosyon mo. Kahit saang anggulo ikaw ang itinuturong may kasalanan." He smirked as if he just won a case.

"Oo na eh! Ang talino mo na hiya naman si kuya Kim sayo Raffy."

"Very cute Hera,"

"I don't care! So ano na, bakit nga ako ang napili mong pagpanggapin na girlfriend mo?"

"Ang kulit kasi ng pamilya ko. Napuno ako kaya hayun naalala kong may atraso ka sa akin kaya ikaw na nalang ang ginawa kong pretend girlfriend. Nakatipid pa ako sa oras ng paghahanap ng babaeng magpapanggap na girlfriend ko na hindi obssessed sa akin."

Raffy's Sweet Hera - COMPLETED 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon