Chapter 10

8.6K 240 8
                                    

"Mabuti naman at nakarating ka Hera," niyakap ako ni Tita Olivia.

"Ah, eh, nakakahiya naman po kung hindi ko pa kayo pauunlukan."

Nahihiya parin ako sa mama niya. Hindi naman sa nakaka-intimidate siya, para kasing feel at home ako kapag kasama si Tita Olivia. Sa tuwing napaparito ako palagi nalang may ngiti sa mga labi niya. As in! Parang always happy.

"Ang sweet mo naman Hera. Excited na tuloy ako sa kasal nyo ng anak ko."

"Okay lang po ba talaga sa inyo iyun Tita? Na magpakasal agad kami ni Raffy?"

Ngumiti siya saken saka inabot ang isa kong kamay. "Alam mo Hera, kailanman hindi naging questionable saken kung sino ang mamahalin ni Raffy o ang mga desisyon niya. At sa nakikita ko mahal na mahal ka ng anak ko. Medyo takot nga lang si Raffy na baka iwan ka rin niya.” Tumawa ito. “Kaya hayun at ayaw ka na niyang pakawalan."

"Iwan ulit? Bakit po?"

She sighed peru ngumiti ulit, "Pupusta akong hindi pa nagkwe-kwento sayo ang anak ko. Tama ako diba?"

"Tungkol po ba ito ka Miles?"

"Parang ganoon na nga. Peru ‘di ko pwedeng sabihin sayo ang nalalaman ko. Hahayaan kong ang anak ko ang magsabi sayo. Alam mo kasi nagbagong buhay na ako. Sobra kasi akong pakialamera noon kaya chill-chill muna ako ngayon. But still, kung hindi ako naging ganoon hindi ko makikilala si Myco.”

Napangiti narin ako. Sweet naman kasi ang story nila.

"Mahal na mahal ninyo siguro si Tito, Tita?"

"Sobra! Aba't hindi ako maloloka at magpapaka-martyr para lang mabaril sa gitna ng luneta dahil sa trip-trip lang ang feelings ko sa mokong na yun. Kapag mahal mo ang isang tao hindi ka na magiging aware sa mga behaviour mo. Maiisip mo nalang bigla, na grabeng ka-adikan pala ang ginawa mo. Muntik ko na yung ika-mental, alam mo ba? Buti nalang mahal din ako ng lalaking snob na iyun kundi epic fail ang pagsinta ko sa kanya.”

Natawa ako. Ang kulit parin talaga ng Mama ni Raffy. Nakaka-miss tuloy ang magkaroon ng totoong nanay.

"Kaya nga po mahal... kapag mahal mo ang isang tao lahat tama at walang mali. Natuto kang mag risk at mag trust sa isang tao. At kahit ano man ang mangyari, maganda man o masakit... natuto kang tanggapin ang lahat iyun ng buong-buo."

"Tama, "

Tumayo si Tita Olivia at may kung anong kinuha sa isang maliit na volt. Na sa kwarto kami nila ngayon. At maraming mga picture na nakasabit sa wall nila. Picture ni Raffy, Oleena, eedding picture and family picture. Nakakatuwang tignan.

"Here,"

Nalipat ang atensyon ko kay Tita Olivia at as maliit na pulang kahita ang hawak niya. Nakangiti siya saken. Sing-sing ba ang laman niyan?

Umupo ulit siya sa tabi ko. Nasundan ng mga mata ko ang pagbukas ng maliit na kahita. At sing-sing nga iyun. Isang silver ring na may maliliit na diamond na naka embedded sa buong circle ng sing-sing. May maliit na heart shape ang gitna nun. 

"Ang ganda," manghang sabi ko.

Kinuha iyun ng Ginang at isinuot iyun sa palasing-singan ko. Ibinibigay niya ba saken ang sing-sing? Sure ba siya?

"It's an heirloom ring Hera. Ibinigay din iyan saken ni Myco noong magpakasal kami. Ako ang magbibigay niyan sa mapapangasawa ng anak ko." She smiled. "At nakakatuwa... nagkasya sayo ang sing-sing. Alam mo bang lahat ng sumusuot ng sing-sing na yan ay perfectly fit sa mga nagiging asawa ng mga Salazar? Tama ako! Meant to be talaga kayo ng anak ko Hera." Pinagsalikop niya ang mga kamay ko. "Ikaw na ang hinhintay kong magpapaligaya sa anak ko. Thanks for coming into his Life Hera."

Raffy's Sweet Hera - COMPLETED 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon